Third Person P.O.V
Abala si Ametriux sa pagluluto ng makakain. Ngayon darating si Kenzo at sana lang talaga ay dumalo iyon dahil kung hindi...mata-tadyakan niya talaga ang lalakeng 'yon.
Matapos magluto ay inayos na niya ang lamesa saka inilapag ang mga putahe. Pritong manok, bopis, kaldereta.
Ang fruit salad naman ay mamaya nalang ilalabas sa ref para hindi agad lumamig.
Nang matapos ay tumungo muli siya ng kuwarto saka naman inayos ang sarili dahil pawisan siya at magulo ang buhok.
Ilang minuto ang lumipas na dinig na niya ang doorbell.
Nag-mamadali siyang bumaba saka binuksan ang pinto at ganoon na lamang ang pag salpok ng mga kilay niya ng makita ang pitong lalake.
Sina Callixian...
"Anong ginagawa niyo dito?" Pameywang niyang tanong.
"Ahm? Makikilamon?" Si Arjhon ang sumagot.
"Papasukin muna kami. Na gugutom nako." Ani Callixian saka sila dare-daretsong pumasok.
"Hmm-mm... Ang bango naman, halatang ka-kaluto molang, Ms. Prez ah?" Sambit ni Denmar na sinisinghot pa ang paligid habang ang iba naman ay na upo sa sofa.
"Feel at home huh?" Sarcastic niyang usad.
Nang makitang bubuksan ni Callixian ang takip ng mga pagkain ay tinadyakan niya ito sa binti at muntik nang mapaluhod.
"Shit!? Kakain lang naman ako bakit na nadyak kapa!?"
Inungosan niya naman ito. "Deserve! Masyado kang patay gutom."
"Patay gutom? Ako!? Hoy kayang kaya ko bilhin ang malaking restaurant sa isang kislap kolang para makakain ako ng marami." Sambit nito.
"Edi sana 'yon nalang ang ginawa mo kesa sa pumunta kapa dito!"
Patuloy lang sila sa pagba-bangayan, habang sina Whisckey, Kienzel, at Yujeong ay nanonood ng Doraemon sa T. V. Sina Arjhon at Denmar naman ay may hinahanap sa loob ng refrigerator. Si Gaize naman ay pinagmamasdan ang family picture nila.
Natigil ang dalawa sa pagba-bangayan ng makarinig ng doorbell at alam ni Ametriux na si Kenzo na iyon. Kaya nang buksan niya ang pinto agad siyang napa ngiti pero nawala iyon ng makitang lumabas sa likod ni Kenzo si lixen.
"Hi prez!" Magiliw na bati ni Lixen.
"Hindi ka naman invited so bakit na andito ka?" Masungit niyang tanong sabay tingin kay Kenzo na kumibit balikat lang.
"Naman! Sinabi sakin ni Kenzo! Kaya heto ako hehehe."
Umiling nalang si Ametriux at tuluyan ng pinapasok ang dalawa.
Nahinto siya ng makitang lumalamon na ang pito at mukhang nagkamali siya na pinapasok niya ang mga ito dahil simot na simot na ang lalagyanan ng mga ulam. Pero wala ang rice cooker sa lamesa.
So ulam lang ang kinain? Ani sa isip ng dalaga.
"The fvck!?" Tiningnan siya ni Lixen. "Bakit narito sila?" Tanong ni Lixen sa kaniya.
"Pake mo? Nakikilamon kami!" Boses iyon ni Arjhon.
"Im full." Dighay na usad ni Kienzel.
"Me too." Ani Whisckey.
"Yeah, yeah."
Dumighay muna si Callixian bago magsalita. "Bakit kayo nandito?"
"Si Kenzo ang inimbitahan ko dito kaya magsilayas na kayo!" Si Ametriux ang sumagot.
BINABASA MO ANG
Heartthrob Boy's At Your Service [COMPLETED]
RomanceThey all succeeded in life. The past bright morning, they entered a senior high school student's life again. Entering school again is their pass time. She's gold, pure of heart, inocent in some sh*ts, she is not good enough to be true, she's an une...