CHAPTER 12

31 7 2
                                    

Habang abala sa pag a-ayos ng gulay sa ref saglit kong sinulyapan si mama at papa.

Maharot silang nag luluto ng ulam kaya napa simangot ako at muling tumuon sa ref.

"Ma. Pa. If mag haharutan lang kayo riyan respeto naman sa 'kin." Sambit ko.

"Nako anak maiintindihan morin kami kapag may asawa kana. Mararanasan morin ang ginagawa namin ng papa mo."

Gusot ang mukha ko ng sumilay sa kanila. Kung kaganina ay nag kikilitian sila na parang bata ngayon naman ay naka yapos na si papa sa bewang ni mama habang si mama naman ay sinusubuan si papa ng ulam.

Nang matapos sa ginagawa ay gumawa naman ako ng juice.

"Anong mararanasan?" Tanong ko habang nag hahalo ng tang strawberry sa malamig na tubig.

"Katulad nalang ng pag gawa ng anak."

Natigil ako at saka kunot noong tiningnan si papa.

Kinurot naman ni mama ang tagiliran ni papa.

Dumaing si papa at sumimangot.

"Bakit? Hon. Eighteen years old na anak natin pero hanggang ngayon inosente parin." Naka simangot na sambit ni papa kaya lalong gumusot ang mukha ko.

Papaano naman ako naging inosente? At pa-paanong inosente? Marami kasing meaning ang inosente like inosente sa pag patay, inosente sa kaso. Alam kung matalino ako pero hindi ko talaga alam ang mga sinasabi ni papa.

Pati nga 'yong porn hanggang ngayon ini-isip ko parin kung anong meaning nun o baka naman pagkain iyon? Who knows?

Mag search na kaya ako kay pareng google?

"Hon. Hayaan na natin siya. Mas maganda kasi na ang anak natin mismo ang gagawa ng paraan para mawala pagkainosente niya." Tumango naman si papa sa sinabi ni mama.

Tiningnan ako ni papa. "Basta anak, kapag may jowa kana sabihin mo sa amin agad para mataga ko."

Nangiwi naman ako dahil na rinig ko ang jowa na salita kay papa.

Kakauwi lang nila papa kaninang madaling araw. Sabi ni mama ayos naman na daw si tita sa bicol.

Pag uwi nila kanina ay marami silang dalang prutas at gulay may ñiyog pang kasama.

Linggo ngayon kaya nasa pamilya ang attensyon ko.

Nag text narin ako kay Gibert na pumunta rito sa bahay para makapag bonding naman kami at sigurado akong pupunta iyon.

Lumipat nako sa dining table ng makitang nilalapag na ni mama ang ulam.

Nang matapos kumain ay ako na mismo ang nag hugas dahil mag d-date daw sila ni mama sabi ni papa.

Kaka uwi palang nila a-alis na naman? Kung ako sa kanila matutulog nalang ako.

Well linggo naman ngayon kaya ayos lang na mag date sila. Basta wag lang sila ga-gabihin na uwi takot kasi ako sa bahay mag isa.

Ewan koba!

Sa school kilala ako bilang isang maldita, matapang na ssg council pero pagdating sa mga kahinaan ko parang gusto ko nalang maging kamote.

Sa dalawang bagay lang naman ako natatakot. Ang una ay kapag nakakakita ng dugo, pangalawa naman ay kapag mag isa lang ako lalo na kapag madilim.

Kapag nangyayari iyon halos kapusin ako ng hininga at mamalayan ko nalang na nasa hospital nako.

Sabi ng doctor may phobia daw ako kaya mas makakabuti daw na hindi ako iwan ng pamilya ko ng nag-iisa.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ang text ni gibert.

Heartthrob Boy's At Your Service [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon