CHAPTER 22

25 6 0
                                    

Ametriux Alajar P.O.V

"Anak, ano ba kasing nangyari sa 'yo? Dalhin na kaya kita sa ospital? Ang taas na ng lagnat mo."

Abala sa pagpupunas si mama sa 'kin gamit ang bimpo na tinampisaw sa maligamgam na tubig.

"Ma. Ok lang po ako. Medyo mabigat lang ang ulo ko."

Hindi nako nakapasok kahapon dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. At ngayon heto na naman ako, hindi ulit nakapasok dahil ganoon parin ang pakiramdam.

Hindi na nakapasok sina mama at papa sa trabaho nila para bantayan at alagaan ako, pinipilit ko na 'wag na nila 'kong intindihin dahil lagnat lang naman ito pero ayaw nila makinig.

Bumukas ang pinto ng kuwarto ko saka pumasok si papa.

"Anak may bisita ka." Kumunot naman ang noo ko.

Nilagay na ni mama ang maligamgam na bimpo sa noo ko, bago ako kinumutan na hanggang dibdib.

"S-sino?" Mahina ang boses ko na parang malapit ng mamatay, joke. Parang paos lang ako ganun.

Tumingin si papa sa labas ng pinto at dandahang tumango. Napanganga ako ng makita si Gaize na may dalang dalawang basket ng prutas at isang bouquet ng tulips.

"Hon. Iwan muna natin sila." Sumang-ayon naman si mama.

Hinalikan muna 'ko ni mama sa noo, saka sila lumabas ni papa.

Nang tumingin ako kay Gaize ay hindi ko malaman kung anong nangyari at napaka seryoso ng mukha nito. Hindi ako sanay na ganito siya kaya nagtanong ako.

"What's on that face?" I asked.

"Nothing. Are you feel better now?" May pag aalala ang boses nito.

Lumapit siya at inilapag ang bouquet sa side table. Sa baba naman niya inilapag ang dalawang basket ng prutas saka siya muling tumingin sa 'kin.

"O..." Nag-isip pa 'ko kung maayos naba ako. "...Ok lang ako."

"Liar."

Lumapit siya saka niya hinawakan ang leeg ko na tila ba ay sinusuri niya kung totoong nag sasabi ako ng totoo.

"Your temperature was too high. You're not ok, Ametriux. Believe me, I'm a doctor." Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya sa sinabi niyang doctor siya.

Mahangin din itong isang ito, eh, noh? At ang seryoso ng boses niya huh?

Napailing nalang ako at hindi mapigilang tumawa ng mahina.

"What?" Anito na ikinailing ko.

"Ok doc...ano PO ba ang DAPAT kung gawin para GUMALING?" Kinagat ko ang ibabang labi dahil sa inirapan niya ko.

"You look so sassy Gaize." Nakangiti kung sambit.

"Mag pahinga kana." Naupo siya sa paanan ko saka hinawakan ang kanang kamay ko na ikinagulat ko.

"Sorry."

Nagulat ako ng mag sorry siya. Para saan iyon?

"Sorry? Why?" I asked.

Umiling siya, naramdaman ko naman na pinipisil niya ng mahina ang palad ko at nilalaro ang mga daliri ko.

"May pasok ah. Bumalik kana sa school." Taboy ko na ikinasimangot niya.

"Ganiyan kana nga lahat-lahat ang sungit mo parin." Napangiti ako nh mag pout siya.

Para siyang bata na gusto ng ice cream. Nakakatawa! Gusto kung humalakhak at asarin siya, ang kaso ay sobrang bigat ng ulo ko parang may isang malaking bato na dumagan sa ulo ko.

Heartthrob Boy's At Your Service [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon