CHAPTER 26

29 7 1
                                    

Ametriux Alajar P.O.V

Sabado ngayon at dahil araw ngayon ng baking club ay narito ako para bantayan at tingnan ang mga studyante na gusto matuto ng pag b-bake.

"Ms. Sexy! Anong gagawin natin!?" Sigaw ni Arjhon sa bandang likuran.

Bukod sa mga nais matuto ay narito rin ang pito. Nasa bandang dulo sila nakahelera. Ang bawat lamesa ay mayroong ingredients para sa cupcake na gagawin namin ngayong araw.

"Para saan itong itlog prez!?" Boses iyon ni Denmar.

"Try mong ipokpok sa ulo mo!" Balik kung sigaw, pero pabiro iyon.

"Hindi ko naman birthday ah?" Kamot ulong Anito.

"If wala kayong sasabihin na matino, itikom niyo 'yang bibig n'yo riyan!" Sambit ko sabay iling.

"Ok! Ang gagawin natin ngayon ay cupcake! Sa lamesa niyo kompleto na ng ingredients at mga kagamitan. Mayroon tayong 125g caster sugar 125g butter, softened (or margarine) 125g self raising flour, 2 large eggs, 1tsp vanilla essence. Alright! Um-"

"Prez! Binasag ni Arjhon yung glass bowl!!" Mariin akong napapikit sa sigaw ni Denmar.

"Hoy! Hindi ah! Kusang nalaglag! T**ga kase e!" Singhal naman ni Arjhon.

Hindi ko nalang pinansin ang mga kulang sa buwan. At ng magsasalita ulit ako bigla namang sumigaw si Callixian.

"D*MN YOU KIENZEL!!"

Ngiwi ko silang pinagmasdan na puno ng flour ang mukha ni Callixian at Kienzel.

"Magbubukas kana nga lang! Amb*bo mo naman!" Iritadong usal ni Callixian.

"Sampal ko sa 'yo medals ko." Walang emosyong sambit ni Kienzel.

Halos magbangayan sila na inaawat naman nila Whisckey at Denmar.

"Hoy!" Natigilan sila at umayos ng sumigaw ako.

"Puwede na kayong lumabas kung ayaw niyong magsimula." Taas kilay kung usad.

Nang tumahimik sila ay nag-umpisa na 'ko.

Isa-Isa kung sinambit ang bawat step sa paglalagay ng ingredients sa bowl na sinusundan naman ng mga studyante. Napabaling naman ako sa pito na tawa ng tawa habang gumagawa ng cupcake.

"Ang b*bo mo naman maglagay! HAHAH!" Tawang sambit ni Callixian kay Whisckey, bad finger naman ang pinakita ni Whisckey kay Callixian.

Matapos namin maihalo at matiyak namay lasa na ang mga pinaghalong ingredients sa bowl ay tantsado ko namang nilalagay sa cup ang ginawa.

"Kayo ng bahala kung anong klaseng shape ang gagawin niyo. At matapos naman nito ay ilagay na natin sa oven. Ilagay niyo narin ang in'yo sa oven na nakalagay sa tabi niyo. I-set ang oven sa 350°F for 15 to 20 minutes."

Matapos ang ilang minuto ay natapos narin kaming magbake saka ko namang isa-isang tinikman ang mga gawa ng iba.

"Hmm. Kulang ka sa sugar, pero ok naman. Kaunting practice nalang." Sambit ko sa babaeng studyante.

Lumipat naman ako sa katabi saka tinikman ang cup cake nito.

"Wow! Good! Awesome! I love it!" Nakaka proud! Ang sarap kasi e!

Napaka perfect ng gawa nitong isang 'to, parang gusto kung iuwi!

"Masarap huh!" Ani ko sabay lipat sa kabila.

Nangiwi ako at pilit na nilunok ang cupcake ng kabila. Sobrang alat! Bakit may asin akong natikman!?

"Bakit may asin?" Tanong ko pero naka yuko lang ang babae.

Heartthrob Boy's At Your Service [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon