Matapos kung hindi makapasok ng ilang araw ay sa wakas magaling narin ako at handa na ulit sa mga susunod na gagawin sa 'kin ng mga studyante.
Huminga ako ng malalim saka na upo sa swivel chair.
Pagpasok ko ay hindi manlang ako kinamusta ng mga co-officers ko gayon din ang mga SSG council, lalo na si Kenzo at Lixen.
Na appreciate ko ang pinadala ng dalawa sa bahay. Pero hindi ko manlang na rinig mula sa kanila ang 'Kamusta kana'. Hindi naman sa gusto ko, wala naman akong pake kung ayaw nila. Ang akin lang sana naman ay sabihin nila sakin kung anong problema.
Namumungay ang mga mata ko na nakatingin sa kanila. Busy sila sa mga kaniya-kaniyang gawa at kahit isang lingon ay wala akong na tamo.
Feel ko tuloy ay isa lang akong bula na biglang pumutok.
"Hmm!" Kunwaring ubo ko.
Bumuntong hininga 'ko ng walang nakiramdam. Hindi ako sanay na ganito, hinahanap-hanap ko ang presensya nila. Oo nga at narito sila pero para namang hindi nila ko nakikita. Masaya pa naman akong pumasok dahil iniisip na baka nag aalala na sila sa 'kin pero nagkamali pala 'ko.
LUMIPAS ang ilang araw, halos mabugbug na 'ko. Physical at mentality dahil sa trato sa 'kin ng mga studyante.
Itulak sa hagdan na alam kung sinadya nila, sinabuyan ng kung anong bagay, sinampal ng ilang beses, ipilit na gawin ang bagay na ayaw ko, pakainin ng mga sirang pagkain. At ang tumatak sa isip ko nang ikulong nila ko ng ilang beses sa baking club at ngayon ay narito na naman ako.
Tahimik na umiiyak at naka upo malapit sa bintana.
Walang ingay kundi ang pag iyak ko lamang ang tangi kung naririnig. Madilim na paligid na lalo kung kinatakot. Nangingig ang buo kung kalamnan habang yakap ang sariling tuhod. Nanatili lang akong naka yuko at tahimik na umiiyak.
Pinunasan ko ang pisngi habang patuloy parin sa pagluha.
"Hindi ako 'to eh. Malakas ako, m-matapang...pero bakit naman ganito...na papagod nako...t*ngina naman! Gusto ko ng umuwi..." Sinandal ko ang ulo sa pader. "...Ayoko na d-dito...ano bang klasing paaralan 'to! T*ngina."
Halos mamaos nako sa kakaiyak, wala kung magawa kundi umiyak. Itong paaralan na 'to ang pinaka walang kuwenta. May mali ba 'kong na gawa? Lahat naman ginawa ko para maiayos ang campus nila. Buong akala ko ay ayos na.
I smirk sarcastically.
Nagkamali pala 'ko.
Si Kenzo, Lixen at iba pang ssg. Ilang beses na nila 'kong nakitang binubully pero ni-isa walang tumulong. Nilalayuan nila ako na para bang may Isa 'kong nakakahawang sakit.
Hindi ko sila maintindihan...nakakapagod silang intindihin. Sawang-sawa na 'ko na ipakita na ok lang ako, na maayos ako! Ayoko ng ganito. Ang sakit e!
Ano na kayang ginagawa nila mama? Hinahanap na kaya nila 'ko? Anong oras na kaya ngayon? Wala akong dalang cellphone dahil binasag iyon ng nagdala sa 'kin dito. Yung cellphone na 'yon, pinag-ipunan ko pang bilhin iyon nu'ng nag t-trabaho pa 'ko. Ano na ngayon ang gagamitin ko ngayong basag na basag na iyon.
Isang ilaw ang nang galing sa labas kaya agad akong napa tayo saka binuksan ang bintana. Napatakip ako sa mukha ng masilawan dahil sa pagtutok sa 'kin ng flash light.
"Anong ginagawa mo d'yan!?" Agad na binuksan ng guard ang pintuan.
Akay n'ya ko palabas ng baking club.
"Jusko!? Alas nuebe nang Gabi! Tiyak akong nag-aalala na ang mga magulang mo!"
Sana wala pa sina mama sa bahay.
Kinuha ko muna ang gamit sa faculty at sinamahan ako ni kuyang guard. Laking pasalamat ko dahil nag-ikot s'ya, kundi baka roon na naman ako matulog.
Nagtatanong panga ito kung bakit ako na-lock sa loob at ang tanging sagot ko lang ay puro kasinungalingan.
NANG makauwi ay lumuwag ang paghinga ko.
Wala pa sina mama.
Bagsak akong nahiga sa kama, kamakuwan ay tumulo na naman ang luha ko. Bakit ba ang hina-hina ko ngayon? Ibang-iba ang trato sa 'kin ng mga Ladders students kaysa sa mga Vigain students.
Hindi ko maiwasang mag-isip kung anong ginawa kung mali. Nanlamig rin ang pakikitungo sa 'kin nila Kenzo.
Buti nalang nandiyan ang pito para pasayahin ako. Hindi man nila alam na binubully nila ako at least nagagawa nila 'kong pasayahin.
Our friendship means a lot to me. I feel so secure when I'm with them. They made me smile with everytime we've seen each other. They treated me like a real princess. I hope that they do not turn into a cold like the others. Imagining the scenario where they'll ignore me. I'm 100% sure that it will hurt me so much.
Nakaramdam ako ng antok at paggising sa umaga ay hindi na 'ko kumain ng umagahan. Matamlay akong pumasok. Walang pinagbago, ganuon parin ang trato ng mga co-ssg ko. Kaunti nalang at susuko na 'ko. Mahirap ba 'kong kausapin? What am I supposed to do?
"Kia." Hindi siya lumingon at nagpapanggap na may hinahanap sa bag.
Hindi na 'ko nagsalita ng magbadya na namang tumulo ang luha ko. Lumabas ako ng faculty at nauna nang pumasok sa room.
Habang lumilipas ang oras, ang isip ko naman ay nasa kawalan. Hindi kona namanalayan na break time na.
Nakaupo lang ako habang nakatitig sa exit door. Nag-dadalawang isip na lumabas, na alala ko ng lumabas ako ay sinubuyan ako ng mantika sa katawan.
Baka kapag lumabas ako ngayon ay
mainit na mantika na ang isaboy nila sa 'kin. Who knows?"Prez?" Nilingon ko ang isang studyante.
"Ayos kalang?"
Sa loob ng ilang linggo ay ngayon lang ako nakarinig ng tanong kung ok lang ba 'ko.
Pilit akong ngumiti dito, saka dan-dahang tumango.
Wala akong samod magsalita, yung feeling na wala ka namang ginagawa pero ambigat ng pakiramdam mo?
Dalawang subject ang huli naming tinapos. Saka lang kami umuwi.
Mabilis ang kilos kung lumabas ng room ngunit sa hagdanan palang ay hinarangan na 'ko ng tatlong babae.
"Hi prez." Anito.
Lalagpasan ko sana ito ng bigla niya 'kong harangan muli.
"Mas'yado ka namang atat na umuwi. Ayaw mo bang mag bonding muna tayo?" Malandi ang boses nito para sa 'kin.
Ang hirap makipag bangayan ngayon dahil sa bigat na nararamdaman. Ngayon palang ay masasabi ko ng..
Sumusuko nako...ayoko na...Gawin na nila lahat sa 'kin, hahayaan ko nalang iyon. Napapagod nako.
"Kung may gagawin kayo, gawin niyo na. Total diyan naman kayo magaling." Isang malakas na sampal ang na tamo ko sa kanila.
Mariin lang akong pumikit at muling tumingin sa kanila. Wala akong pinakitang kahit na anong emotion, na natili lang akong kalmado.
Hahayaan kona sila...pag sinabi kung pagod na 'ko, ay Isa lang ang ibig sabihin nun. Suko na 'kong mag panggap na matapang.
Hindi nga 'ko nagkamali, dinala nila ko sa cubicle area at roon ginawang kaawa-awa. Siyempre bilang isang mahina, hindi na 'ko lumaban.
Dito lang ako naging mahina. I don't know why, ngunit nawalan ako ng gana sa lahat.
BINABASA MO ANG
Heartthrob Boy's At Your Service [COMPLETED]
RomanceThey all succeeded in life. The past bright morning, they entered a senior high school student's life again. Entering school again is their pass time. She's gold, pure of heart, inocent in some sh*ts, she is not good enough to be true, she's an une...