CHAPTER 41

34 5 0
                                    

Hindi ko akalain na makikita kung tulong-tulong ang mga studyante na pinturahan at linisan ang campus.

Brigada eskwela ngayon. Matapos namin grumaduate ng senior high school ay nag-pasiya kaming lahat na tumulong sa brigada skwela. Sa isang huling pagkakataon ay makikita namin ang isat-isa.

Balita ko si Kia ay isasama ng magulang niya sa London at roon pag-aaralin ng kolehiyo. Si Anie naman ay sa UST mag-aaral.

Si Jazmin naman ay wala na dito, siguro kasama ni Lixen. Nag tataka narin ako sa dalawang iyon, parehong taguan ng feelings.

Hindi ko alam kay Quillion at sa dalawa nilang pinsan kung saan sila mag-aaral. Ang pito naman at si Kenzo ay malamang mag f-focus na sila sa mga trabaho nila.

Alangan namang mag-aral parin sila ng kolehiyo? May sira na sila sa utak kapag ginawa nila iyon.

Habang ako? Ewan ko. Siguro sa public school nalang ako mag-aaral.

"Prez. Uwi na kami!" Tumango ako sa paalam ng mga studyante.

"Ingat and bye!"

Umuwi narin ako at nag-paalam sa mga student supreme government, ganuon din kay Callixian at sa anim. Nauna nang umuwi sina Vienzo, Fraxquez at Quillion dahil may gagawin pa daw sila.

Nag-presenta si Callixian na ihatid ako at hindi na 'ko umalma roon.

"Saan ka mag-aaral?" Kuwan niyang tanong habang naka tuon sa kalsada.

" 'Diko alam."

Siguro sa UDM nalang? Public naman iyon e.

"Anong kukunin mo?" Tanong niya ulit.

"Nursing."

Hindi na siya nag salita ulit. Nang makarating sa bahay ay nag-paalam na siya. Pumasok na 'ko at kumain ng kaunti.

Lumapis ang isang buwan at enrollan na. Kagaya ng sinabi ko nag enroll nga 'ko sa Universidad De Manila.

Bachelor of Science in Nursing ang kinuha ko.

Naging maayos naman ang una naming pasok.

"Ame! Tara lunch!" Aya sa 'kin ni Carina.

Si Carina ang una kung naging close dito, naka-sabay ko siya nuong nag-enrolan. Madaldal siya at masayang kasama.

Lumuwas pa siya ng manila para makapag aral ng kolehiyo. Nai-kuwento niya sa 'kin na mahirap lang sila.

"Sige." Sambit ko.

Kumain lang kami sa karinderia, libre niya dahil bagong sahod siya sa pinapasukan niyang trabaho.

Working student siya at nakaka proud dahil naka kaya niya iyon. Mahirap kayang mag-trabaho tapos mag-aral.

"Dai?"

Agad akong na palingon sa likod nang marinig ang pamilyar na boses.

"Gibert!" Tumayo ako at niyakap siya.

Humiwalay ako saka siya pina-upo sa bakanteng upuan.

"Ahm, Gibert si Carina. Carina si Gibert." Pakilala ko.

"Hi." Ani Carina.

"Ganda mo beh ah? May jowa kana?" Natawang umiling naman si Carina.

"Wala? Alam mo kung wala akong jowa ngayon, baka sinakmal na kita!" Ngiwing kinurot ko sa tagiliran si Gibert.

"Dai!" Singhal niya sa akin.

"Ngayon nanga lang tayo nag-kita ma-ngungurot kapa?" Tinarayan niya ko at kinuha ang pagkain ko, saka niya iyon nilamon.

Heartthrob Boy's At Your Service [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon