Chapter 23

103 2 0
                                    

3RD POV

Hindi pinapansin ni Deuce buong araw si Thea. Busy niyang itinutuon ang sarili sa pagbabasa sa mga email at files. Gano'n din ang iba pang mga kailangan niyang gawin sa opisina. Kahit sa pagkain kanina sa lunch ay hindi niya isinabay si Thea. Nagpa-order siya sa secretary niya ng lunch.

Pasulyap-sulyap naman si Thea sa kanya. Kanina pa gustong kibuin ni Thea ang binata. Pero halata sa itsura nito ang pagkainis at halata rin sa mga kilos na iniiwasan siya.

Napabuntong hininga si Thea. Hindi na niya talaga kayang tiisin na parang may invisible wall sa pagitan nilang dalawa .Mas tanggap pa niya kung susungitan siya o kaya aasarin ng binata kaysa ang malamig na pakikitungo sa kanya. Alam niyang may mali sa kinikilos ng boss niya.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Deuce, gusto mo ba ng kape? Bibili ako sa baba."

Kunot noo siyang tiningnan ni Deuce at napatingin sa labas. Tirik na tirik ang araw. Mga alas dos na siguro ng hapon.

Napangiwi si Thea na sinundan ang tingin ni Deuce sa labas.

Bakit, pwede namang ice coffee ah? Kape iyon pero malamig, sakto sa mainit na hapon at sa mainit niyang ulo.

He shook his head. Hindi siya sinagot. Nagpupuyos na ang kanyang kalooban. Ano ba ang nagawa niya?

Masama ang tinging pinukol ni Deuce kay Thea pababa ng sasakyan ni Dave. Kanina pa niya tinatawagan ang dalaga para sunduin sa kung nasaan man ito pero hindi sinasagot. Sinabihan na niya itong 'wag magpapahatid kay Dave pero hindi sinunod ng dalaga ang bilin niya.

Si Dave naman ay ngumisi pa sa kanya. Hindi niya ito pinansin hanggang sa umalis na ang kaibigan.

"Hindi ka ba marunong sumunod sa sasabihin ko?" hinaklit sa braso ni Deuce si Thea habang papasok ito sa loob ng bahay at hindi man lang siya pinansin ng dalaga.

"Bitawan mo nga ako. Sinabi ko naman sayo na ako ang magdedesisyon kung kanino ako magpapahatid." Hnawakan ni Thea ang kamay ni Deuce na nakahawak sa braso niya.

"Hindi ako pumayag hindi ba?" mariing wika ni Deuce

"Eh, hindi rin naman ako nagsabi na susundin kita! Aba, kahit boss kita personal na buhay ko na iyon. Labas ka na do'n."

Nagtiim bagang si Deuce.

"Do you really like Dave? Fine! Do whatever you want to do."

Binitawan nito ang braso ni Thea.

"At bakit ikaw, kung sinu-sino nga ang mga babae mo na dinadala sa condo mo."

"Don't throw it on me. This is about you and Dave. But if you don't like me hanging around with different girls, then I'll stop playing around. Just fucking tell me and I'll do it! " He shouted.

Nagtaas baba ang dibdib ni Deuce.

Nagulat naman si Thea sa sinabi ni Deuce. Hindi niya alam ang sasabihin sa binata. Nagpanic agad ang utak niya.

She gulped. Ilang sandali muna sila nagkatitigan.

"Dave is my friend. Hindi ko siya lalayuan just because you have an issue with him. Gawin mo kung ano ang gusto mo. Tutal, iyon naman ang ginagawa mo. Wala akong pakialam. At kung pagbabawalan kita, it's because it's part of my job." Nasabi ni Thea kahit hindi iyon ang gusto niyang sabihin.

Tumalikod na siya dahil sa bilis ng tibok ng puso niya. Bakit ba niya nasabi iyon?

"Thea!" nagtuloy tuloy lang si Thea sa paglalakad."Thea!"

Thea heaved a deep sigh. Naiisip nanaman niya ang huling pinag- awayan nila ni Deuce. Gusto niyang mag sorry. Hindi totoo ang sinabi niyang wala siyang pakialam sa ginagawa ni Deuce. Nabigla lang siya kaya niya nasabi iyon. Ano naman kasi ang dapat niya bang isagot? Ano ba ang relasyon nila?

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon