Chapter 41

154 3 0
                                    

THEA

Masakit ang ulo ko pagdilat ng mata ko. I scanned the room, madilim ang loob ng silid. Tanging liwanag sa labas ng bintana ang siyang liwanag ng buong silid ko.

Ang sama ng panaginip ko. Pinagpawisan ako ng malapot sa napanaginipan ko. Si Leslie raw 'yong asawa ni Deuce. Enjoy na enjoy daw ako sa loob ng bar ni Dave tapos nagalit si Deuce kasi nagsasayaw ako na para akong party girl tapos lasing pa. Pati si Ronalda nasa panaginip ko rin. Ang weird talaga. Gano'n na ba ako nag-iisip masyado kaya hanggang panaginip iyon pa rin ang tungkol sa asawa ni Deuce.

Tsk. . .tsk. . . grabe, buti na lang panaginip lang talaga 'yon.

Bigla nanlamig ang katawan ko.

"Aahhhh! 'Wag po! 'wag po!" Sigaw ko ng maramdaman ko na may kamay na yumakap sa 'kin. Sobrang kaba ng nararamdaman ko. Oh my gosh! Panaginip pa rin ba 'to o baka minumulto ako!

Patayin niyo na lang ako kaysa makakita ng multo!

"Hey, hey! W-hat's wrong love?" Boses iyon ni Deuce. Namamaos at parang nagulat din.

Agad nito binuksan ang lampshade. Si Deuce nga! Nakahubad ang pang itaas at katabi ko rito sa kama.

Napabangon ako at napaupo. Nakaupo na rin siya ata nakaharap sa 'kin, natatakpan ng comforter anh kalahating katawan.

"Bakit dito ka natutulog? Ano'ng ginagawa mo rito?" Suno-sunod kong tanong.

His eyebrows furrowed. May mali ba sa tanong ko? Kwarto ko naman 'to  'di ba?

"Because... you're... here?" parang hindi pa siya sigurado sa sagot niya at binalik ang tanong sa 'kin.

Hinampas ko siya ng unan. "Pinagloloko mo ba ako, Deuce! Malamang kwarto ko 'to kaya andito ako. Pa'no ka nakapasok dito?" Nagtatakang tanong ko na may panggigigil. Sobra akong kinabahan, tapos ganito ang isasagot niya sa 'kin.

Huling natatandaan ko, umupo ako sa sofa pagkadating ko sa bahay. Bwisit na bwisit ako kay Dave. Ang sakit din ng katawan ko. Pero kanina pa iyong hapon. I glanced at the clock in my bedside table, it's almost twelve midnight!

Grabe, gano'n ako katagal nakatulog. Kaya pala kumakalam na ang sikmura ko.

"Pumasok ako sa pintuan," pilosopong sagot nito sa 'kin. "Are you hungry? Do you want to eat food or do you want to eat me instead?" His mischievous smile emerged from him.

Hinampas ko siya ulit ng unan. "Bastos!"   Pero ang totoo, pinamulahan ako ng mukha sa huling sinabi niya.

Ayan na naman iyong madumi kong utak. Simula kagabi, ang dumi na ng isip ko. Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa gawi ng pang-ibaba niya na natatakpan ng comforter. Thinking of him naked down there, mas lalong hindi ko na kaya ang naiisip.

Happy thoughts, happy thoughts!

Lumapit siya sa 'kin. Titig na titig. Bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. I feel uncomfortable the way he stared at me. Kahit noon, ganito pa rin ang epekto ng mga titig niya sa akin. Nakakakaba at nakakailang. Iyong paraan ng titig na manghihina ang tuhod mo. Naconscious ako dahil baka may panis na laway pa ako sa mukha ko.

Suddenly, my heart warmed when he touched my face. I loudly gasped when he cupped my face and kissed me. My arms automatically encircled around his neck.

Shit! Baka panaginip lang 'to.

Napamulat ako ng mata. Baka isa na naman panaginip 'to. Nakatingin ako sa kanya habang nakapikit siya at hinahalikan ako. Gusto ko malaman kong panaginip ba 'to o hindi.

"Aaaw! Fuck!" Isang malakas na sampal ang ginawad ko sa kanya. Sapo niya ang namumula at tumabinging pisngi. "What was that for?" naiinis nitong tanong.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon