Chapter 34

84 1 0
                                    


THEA

Naging abala na si Deuce sa kumpanya ng mga sumunod na araw. Nagkaroon ng problema ang kumpanya nila dahil sa nangyari kay kuya Marcus at sa ex-fiance niya na si Nicole. Hindi pa rin matanggap ng pamilya ni Lia ang paghihiwalay nina kuya Marcus at Nicole kaya pati ang kumpanya ay dinadamay ngayon. Sinabi sa 'kin lahat iyon ni Patricia. Nagkita kami ulit at siya ang nagbalita sa 'kin sa mga nangyayari sa kumpanya nina Deuce dahil hindi ito nagkukwento sa 'kin. Gusto niya kasing naka-focus ako sa pagpapagaling ko.

Hindi rin makatulong si kuya Marcus dahil abala rin ito sa sariling negosyo at sa pamilya nila ni Trixie lalo na at nag-aadjust pa silang mag-asawa. Si Tito Rafael ang katuwang niya ngayon sa pagpapatakbo sa kumpanya pero nagpahinga muna ito dahil tumataas blood pressure nito. Masyado rin itong stress at apektado rin sa problema ng kumpanya.

Naaawa na rin ako kay Deuce dahil halos hindi na ito nakakatulog nang maayos. Kahit weekend ay nasa opisina ito o nasa hotel. Pero wala naman akong maitutulong sa kanya.

Hindi na rin siya nakakapunta sa therapy session ko, palagi na lang din silang magkasama ni Leslie. Hindi ko maiwasang magselos lalo dahil sila ang magkatuwang ngayon. Araw-araw ay ako lang mag-isa ang kumakain, hindi ko na siya minsan naabutan sa umaga pagkagising ko dahil maaga itong umaalis.

Gusto ko na nga na umuwi sa bahay namin dahil hindi ko na rin halos nakikita at nakakasama si Deuce pero ayaw naman niya. Iniintindi ko na lamang dahil kailangan siya sa kumpanya at ang tanging magagawa ko ay maghintay sa kanya.

Gumising ako ng maaga para makasabay ko siya sa pagkain. I miss him.

"Good morning, love." He kissed me on my lips. "Kumain ka nang madami, okay? I'm sorry I can't join you for breakfast." Nagmamadali nitong saad.

"Good morning," may pag-alinlangan kong bati sa kanya dahil mukhang nagmamadali na ito na umalis. It's only seven in the morning. " Aalis ka na? H-indi ka ba kakain muna?" tanong ko sa kanya habang hinalikan niya muli ako pero sa noo ko na.

"I'm sorry, love. Maaga ang meeting ko ngayon."

" Kasama mo si- si Leslie?" nahihiya ko pang tanong. Pero sana ay hindi.

"Yes, she's on the way actually. Do'n na kami kakain. I need to go. I'll call you later. I love you!"

Mabilis na itong lumabas kaya hindi na niya narinig ang sagot ko rin. " I love you too," mahinang saad ko.

Mag-isa na naman akong kakain. Kahit agahan ko pala ang gising ay hindi ko rin siya makasabay kumain. I sighed as I watched his car out of my sight.

"Miss Thea?" pukaw sa 'kin ni Luna sa pag-iisip ko.

Pinaalis na kasi ni Deuce si Darex dahil nagseselos siya rito. Pero tulad ni Dave, ay magaan lang talaga ang loob ko. Siguro kasi, dahil wala akong kuya tapos malayo pa sa 'min si daddy kaya mas madali kong nagiging close ang mga lalaki pwera na lang kay Deuce noon. Masarap kasing kausap si Darex, madami pang alam. Hindi lang talaga sila masyadong nag-uusap ni Luna.

Napatingin ako sa kanya at mapait na ngumiti. "Tara, almusal na tayo," yaya ko at pilit kong pinasigla ang boses ko. Tinulak niya ang wheelchair ko papasok sa dining area.

***

DEUCE

NILAPAG ni Leslie ang folder tungkol sa pina-imbestigahan ko sa kumpanya ng mga Villarama. My fist clenched. Damn Patricia!

"You're right Deuce. Hindi mo talaga pwedeng pagkatiwalaan ang mga Villarama. Dinadamay nila sina Nicole. Pinapalabas nila na sila ang sumisira sa kumpanya mo. But the truth is, si Patricia ang gumagawa niyan. Palihim niyang kinakausap ang mga investors at mga clients mo para magback-out sa projects at pag-iinvest. I don't really like her from the very beginning when I met her. I can't believe it na pinatulan mo siya," dismayadong saad ni Leslie.

Hiningian ko ng tulong si Leslie dahil ang boyfriend niya ang may-ari ng isang detective and investigators agency. Kaming magkakaibigan pa lang ang nakakaalam sa bagay na iyon dahil ayaw nina Tito Lorenzo at Tita Beatrice sa boyfriend niya. Natatakot silang madamay si Leslie lalo na at personal itong gumagawa minsan ng pag-iimbestiga.

Honestly, I haven't seen him yet. Pero sabi ni Leslie ay kilala ko ito. Hindi ko naman matandaan kung saan ko siya nakita. May hinahawakan daw itong personal na case na hindi naman delikado. Nag-eenjoy pa nga raw ang boyfriend niya dahil natutuwa ito sa naging kaibigan niya kaya lang, pinaalis daw siya ng asawa ng kaibigan niya kaya napilitan siyang ibigay sa iba pag-handle nito.

"Yeah. 'Wag mo na lang ipaalala," tamad kong sagot. Hindi ko na rin lalo gustong maalala.

Ang Villarama International Consruction Corporation ang isa sa mga matatagal at malaking construction company sa bansa. Isa ito sa mahigpit na competitor ng company ng kaibigan kong si Zayn.

Nagulat na lang kami na may mga nagsisilabasan na hindi magandang balita tungkol sa kumpanya ni Zayn. Tapos ngayon, ang kumpanya ko naman ang tinatarget na sirain dahil lang ang Ace and Builders ang kinuha kong supplier para sa itatayo kong bagong hotel sa Bacolod at sa magiging bahay namin ni Thea. Dalawang bahay ang pinapatayo ko, isang rest house sa Tagaytay at ang bagong bahay namin ni Thea.

"And there's something you need to know also," seryoso ang mukha niya.
"Luna is working under Patricia. I think, gusto malaman ni Patricia ang bawat galaw mo. She's crazy. "

She gave me another folder. Naroon ang lahat ng tungkol kay Luna. Fuck!

Kailangan kong paalisin agad si Luna, baka may gawin ito na hindi maganda kay Thea ko. I dialed Marie's number. Magpapadala ako ng bagong nurse para kay Thea. Sana pala hindi ko muna pinaalis si Derex.

"Marie, I want you to find another private nurse for Thea. Do it immediately," agad kong utos dito pagkasagot sa kabilang linya.

"Noted sir."

"Will start today."

"As in now na sir?" di makapaniwala na tanong niya. But I want Thea to be safe, away from Patricia and Luna. I don't know what is her next plan.

"Yes!"

" C-opy sir," kinakabahan niyang sagot sa pagtaas ng boses ko.

I ended the call. Tahimik lang na nakatingin sa 'kin si Leslie. Gusto kong pilipitin ang leeg ni Patricia at Luna sa nalaman. Mabuti na lang at hindi ito masyadong kinakausap ni Thea.

"Deuce, I think Patricia is not interested in her father's company. Iba ang motibo niya kaya niya tinutulungan ang daddy niya. She's interested in you. She wants you back. Kinausap niya si Thea at kinukumbinsi na iwan ka."

Mas lalong nanggagalaiti ang kamay kong sakalin si Patricia. Baka hindi ko mapigilan at kung ano ang magawa ko sa kanya pag nagkita kaming dalawa.

"Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa dalawa. But she'll surely regret it." Kaya ko kinuha noon ang Ace and Builders sa next project ko dahil sa ginawa noon ni Patricia kay Thea sa bar, sinaktan niya ito kaya tinanggal ko sila sa project. And now, gumaganti sila ng palihim lalo na at si Patricia na ang hahawak kumpanya nila. Pero nagkamali sila ng kinakalaban.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon