Courting a gay is not easy. Ewan ko kung si Amari lang ba pero mas maarte pa s'ya sa tunay na babae. I gave him flowers, chocolates, handwritten love letters etc. but he just threw it on my face. Bwisit na bading 'yon. Lahat na ata ng page-effort na alam ko ay ginawa ko na pero hanggang ngayon ay wala pa ring improvement akong nakikita. Mukhang hindi ko makukuha ang matamis n'yang 'Oo' nang ganun kadali.
"Bigyan mo kasi ng lalaki." Suhestyon ni Freida.
"Edi 'don s'ya na in love imbes na sa akin?"
"True."
"Alam mo naman pala nag-suggest ka pa." Nangalumbaba ako sa mesa at nagmukmok. Wala na akong maisip na next move. Sa ilang buwan kong panunuyo kay Amari ay naubos na ata lahat ng ideas ko para mapasakin s'ya. Kailangan ko na nang tulong ni google.
"Nand'yan na naman manliligaw mo. Hindi ba 'yan makakaintindi at lapit pa rin sa'yo ng lapit?"
Ouch! Parang ganyan din naman ako ka determinadong makuha si Amari ko.
Ang inis at pagkairita ko sa tuwing lumalapit sa akin si Zion, siguro ganun din ang nararamdaman ni Amari kapag nakikita n'ya ako.
Naupo si Zion sa harap ko at inilapag ang mga pagkaing dala n'ya.
"For you." Nakangiting pahayag nito.
"Sorry pero kumain na ako. Tara na Freida."
Pagtayo ko ay mabilis na hinawakan ni Zion ang braso ko at hinila ako papalapit sa kanya. Laking gulat ko nang bigla n'ya akong halikan sa labi. Gumuho sa mismong harap ko ang pangarap kong si Amari ang magiging first kiss ko dahil sa ginawa n'ya. Lahat ng mga ginawa kong pagpapantasya sa magiging kissing namin ni bading ay wala na.
Inabutan ako ng tray ni Freida. Parang alam n'ya ang gusto kung gawin sa hayop na kaharap ko. Nang mahawakan ko ang tray ay walang pag-aalinlangan ko 'yong inihampas sa ulo ni Zion dahilan para mapadaing s'ya.
"B*tch!" Nanggagalaiti n'yang sigaw sa akin. Hawak n'ya pa rin ang braso ko kaya mabilis n'ya akong naitulak dahilan para lumanding ang pwet ko sa sahig.
Lumabas din ang totoong ugali ng animal na 'to.
Akmang susugurin n'ya sana ako nang pigilan s'ya nina Samuel at Arlo. Mabuti na lang ay malapit lang ang table nilang magbabarkada dahil kung hindi ay baka na jombag na ako ni Zion. Mukha na kasi 'yang papatay 'e.
Tinulungan akong makatayo ni Freida saka n'ya ako inakay palabas ng cafeteria. Hindi ko mapigilanag maiyak dahil sa ginawa ni Zion na pagnakaw sa first kiss ko. Ang tagal ko nun ni-reserve para kay Amari tapos kukunin n'ya lang?!
P*kyu s'ya.
Para akong tanga na ngumangawa habang naglalakad sa hallway palabas ng building. Siguradong hiyang-hiya na si Freida na tumabi sa akin dahil sa atensyong nakukuha ko mula sa mga estudyante pero kahit ganun ay nagawa n'ya pa ring hindi ako iwanan.
Nang makarating sa quadrangle kung saan kami madalas tumambay ay doon na ako mas lalong napaiyak. Nakaupo kami sa damuhan habang nakasilong sa mayabong na puno na nagpo-protekta sa amin sa mainit na sinag ng araw.
"W-Wala! Wala na Freida." Hagulgol ko.
"Alam ko. Naikwento mo pa nun sa akin ang pangarap mong under the moon kissing session n'yong dalawa ni Amari."
Mas lalo akong naiyak nang maisip na hindi na 'yon mangyayari.
"Hoy! Saan ka pupunta?" tawag sa akin ni Freida.
"Banyo. Huhugasan ko ang lips ko." sagot ko saka tumakbo papunta sa pinakamalapit na banyo. Nakakasukang isipin na lumapat ang labi ni Zion sa akin. Isa s'yang malaking germs.
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...