22 - Bridal Shower

3.9K 132 14
                                    

Oh my ghadd! Why did he do that? Why did I let him do that? Nababaliw na ako! Alam ko sa sarili kong mahal na mahal ko s'ya pero hindi ibigsabihin nun na isusuko ko na ang virginity ko sa kanya. Bakit ko hinayaan ang lala---baklang 'yon na hawakan ang precious gems ko? Parang gusto kong magsimba at mag-kompisal ngayon.

Kung kaharap ko lang ang dating ako ay baka binatukan ko na s'ya. Natatawa at naiiyak na lang ako sa tuwing naaalala ko ang mga katarantadahan ko para lang makuha ang atensyon ni Amari noon. Gusto kong pangaralan ang dating ako sa mga kalandian at kabaliwan ko 5 years ago.

"Hmm. Something's off with her."

"You tell me. Your the doctor." pahayag ni kuya Uno bago n'ya dampian ng halik ang tiyan ni ate Georgina at yakapin ito sa bewang. Ate Georgina is now 3 months pregnant. Kasal na nilang dalawa next week at 'yon talaga ang naging dahilan nang pag-uwi ko rito.

"Love problem?" sagot ni ate Georgina  habang nakangiting nakatitig sa akin. Napangiwi ako nang hilahin papaupo ni kuya Uno si ate papunta sa kandungan n'ya.

At sa harap ko pa talaga sila naglandian.

"Respeto naman sa single."

"Hahaha. It's not our fault if your single sis. Balita ko marami ka raw manliligaw sa state kaya nakakapagtakang wala ka pa ring boyfriend."

"Ayoko ng jowang foreigner." depensa ko.

"Really?" puno nang pagdududang tanong ni kuya Uno. Alam n'ya ang ginawa kong panliligaw kay Amari at kung paano ito nauwi sa wala kaya siguradong gusto n'ya akong asarin patungkol 'don.

Inirapan ko s'ya saka ko isinubo ang huling kutsara sa plato ko.

"Let's go Yuna? Baka naghihintay na sa atin si PJ." Tumango ako kay ate Georgina saka ko isinabit sa balikat ko ang crossbody bag ko. "Baby, alis na kami." paalam ni ate kay kuya. Mabilis na hinalikan ni ate Georgina si kuya sa labi pero dahil malandi 'tong kapatid ko ay hindi s'ya nakontento sa smack kiss lang. Bago ko pa makita ang gagawin n'ya ay tumalikod na ako at lumabas ng bahay.

Edi sila nang may lovelife!

"Let's go." Nakangiting pahayag ni ate Georgina habang abot tenga ang ngiti sa labi. Pareho sila ni kuya na patay na patay sa isa't-isa.

"Yung red lipstick mo sira na."

"Hahaha. Ang kuya mo talaga." natatawang saad n'ya saka s'ya tumingin sa rearview mirror at inayos ang lipstick n'ya.

Ngayong araw isusukat ni ate ang wedding gown n'ya na ginawa at dinisenyo mismo ni ate PJ samantalang isusukat naman namin ni Freida ang gagamitin naming gown. Pareho kasi kaming brides maid ni ate Georgina.

"Kelan ang balik mo sa state?" tanong ni ate habang nagmamaneho.

"After the wedding."

"After the wedding? Edi next week na rin ang alis mo? Why don't you just stay here? Sa nakikita ko ay mas masaya ka rito kesa sa state."

"K-Kailangan ako ni mama tsaka may naiwan din akong trabaho sa company ni tito Brandon." sagot ko habang nakatanaw sa labas ng bintana.

She's right. Mas masaya nga ako rito pero ayokong pabayaan ang responsibilidad na naiwan ko sa ibang bansa. Hindi ko pa nababayaran ang kabutihang loob na ibinigay sa akin at sa pamilya ko ni tito Brandon. He's a father figure to me.

"Home is where your heart is. Simula nang makilala ko ang kapatid mo ay s'ya na ang naging tahanan ko. I'll sacrifice everything just for him. Ganun ko kamahal ang kuya Uno mo."

"My brother is so lucky to have you."

"And I'm so lucky to have him." aniya nito. "Let me tell you something. Hindi ito payo ng isang doctor bagkus bilang ate mo na rin. Stay where you think you'll find happiness and contentment. You will face doubts, problems, challenges and etc. in life pero kasama na 'yon sa package ng happiness. Timbangin mo Yuna. Ask yourself. Saan ako mas magiging masaya? Don't make excuses para lang takasan ang lugar na ito. After all, life is a gamble. Everyone wins and everyone loses. You just need to learn from it. Running is not an option."

My Trophy Gay | Pechay Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon