Gusto kong matawa dahil sa itsura ni Amari. Para kasi s'yang nalugi nang limpak-limpak na halaga habang kumakain nang pansit na niluto ni tita. Nasa harap ko s'ya kaya naman kitang-kita ko ang reaksyon n'ya. Hindi kasi natapos ang session namin kanina sa banyo dahil kinatok na kami ni tita Athena sa kwarto. Kung kelan papunta na kami sa final stage ng session namin ay doon naman naudlot ang sarap.
To be honest, kahit ako ay nabitin din. Ito ang pangalawang beses na nabitin ako at nakakainis ang feeling na 'yon.
"I'm so glad you're here Yuna. Heto, kumain ka pa." Pinagsandukan ulit ako ni tita Athena ng pansit. Mabilis ko kasing naubos ang naunang serving dahil sa matinding gutom.
"Thank you po."
"Mabuti na lang pala nagluto ako ng pansit na pangmeryenda. Hindi ko akalaing nakabalik ka na. Kamusta na ang mama mo?" tanong ni tita.
"Ayos naman po. Salamat sa Diyos at hindi po s'ya nagkakasakit dahil sa malamig na climate sa state." sagot ko. Naramdaman ko ang paghaplos ni tita sa buhok ko habang nakatayo s'ya sa tabi ko.
"Masaya ako't nakabalik ka na iha. Mukhang inspired na naman ang anak kong nagbibinata na."
"Ma!" suway ni Amari sa mama n'ya habang may laman pa ang bunganga n'ya. Kitang-kitang ko rin ang dungis sa gilid ng labi n'ya. Kung wala lang siguro si tita ay baka lumapit na ako sa kanya at dinilian s'ya. Ayiiiee! Gusto ko ma-try 'yon.
Tumawa si tita Athena dahil sa pagbusangot ng mukha ni Amari. Gustong-gusto n'ya talagang inaasar lagi ang anak n'ya. Nakakatuwa silang mag-ina. Nakaka-miss ang family dinner na ginagawa namin noon. Puro tawanan at kwentuhan kami sa tuwing nagkakaharap sa hapagkainan. Iyon ang pangalawa sa na miss ko noong nasa state ako. Syempre si Amari ang no. 1 na hinahanap-hanap ko.
"Hija, dito ka na lang kaya muna mag-stay sa bahay." pahayag ni tita.
"Ano po kasi tit--"
"Ipapaalam na lang kita kay Uno. Kahit ilang araw lang." pakiusap n'ya kaya naman nabaling ang tingin ko kay Amari na halatang tinatago ang ngiti habang nakatuon ang atensyon sa pansit n'ya.
"S-Sige po."
"Good. Doon ka sa kwarto ko matulog."
"Mama!"
"Oh bakit?"
Nakita ko ang pamumula nang mga tenga ni Amari kaya naman lihim akong napatawa. Napaghahalataang gusto n'ya akong solohin.
"Kuya nag-online shopping ka na naman ba? May package ka." tawag ni Ash kay Amari habang may hawak na maliit na kahon.
"Pakilagay sa kwarto.Thanks." pahayag ni Amari. "Ma, sa kwarto s'ya matutulog." muling baling n'ya kay tita.
"Sige, but make sure na may mabubuo." pahayag ni tita na ikinagulat ko.
"Sure basta ba mapapalitan ang lock ng kwarto ko."
"Deal."
Kulang na lang ata ay sumayad ang panga ko sa sahig dahil sa naririnig kong usapan nang mag-ina sa harap ko.
Seryoso ba sila?
***"Bwisit kang bakla ka! Bakit mo naman sinabi 'yon kay tita?" Hinampas ko s'ya sa braso dahil sa magkahalong inis at hiya na nararamdaman ko. "Paano kung mag-expect na naman si tita na mabuntis ako?"
Naalala ko noong nahuli kami ni Ash na magkapatong sa kama. Ipinagkalat n'ya sa mga magulang namin na gumagawa raw kami ng milagro sa kwarto. Nakaabang si tita sa paglobo nang tiyan ko at halos araw-arawin n'ya ang pagpapadala ng mga kung ano-anong pagkain sa akin para raw sa mga cravings ko.
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...