"Freida, where are you? Tara gimik." pag-aya ko kay Freida habang nakadapa sa kama at kaharap ang laptop ko. Naghahanap ako ng magandang restobar na pwede naming puntahan na dalawa."May trabaho pa ako." Sumimangot ako ng marinig ang sagot n'ya. Matatapos na ang unang buwan ng bakasyon pero hindi pa kami nagkikitang dalawa para makapag-gala o gimik man lang.
Gusto kong magkaroon kami ng girls night out pero kung gan'to naman s'ya kasipag sa mga part time job n'ya ay imposible ko nang makamit ang simpling pangarap ko na iyon. S'ya lang ang kaibigan ko kaya s'ya lang din ang pwede kong mayaya.
"F-Freida naman." maktol ko habang napapasipa na lang ng mga paa.
"Next time na lang Yuna. Busy talaga ako."
"Kainis ka!"
"Si Amari na lang ayain mo."
"Gusto ko 'yan pero hindi n'ya sinasagot mga tawag at text ko. Gusto ko s'yang sugurin sa bahay nila pero baka ipakain n'ya ako sa alaga n'yang T-Rex na iniluwa ata ng impyerno. So, yeah, ang saklap ng buhay ko ngayon."
"Hahaha! Sige na. Babye na. Tapos na breaktime ko."
Tumalon ako pababa ng kama at lumabas ng bahay. Sinilip ko mula sa gate ang bahay ni Amari para i-check kong nasa labas s'ya. Kung wala lang talaga silang aso ay baka inaraw-araw ko na ang pagpunta sa kanila.
Iharap n'yo na sa akin ang kahit anong uri ng hayop o insekto 'wag lang aso dahil may traumatic experience na ako sa kanila. Sinong hindi matu-trauma kung kagatin ka nito sa pwet? I was just 7 years old back then. Ang inosente ko ng mga panahon na 'yon. Haist. Ayoko nang mag-flashback. Mas lalo lang akong nai-stress. Basta I hate dog. Period.
Pumunta na lang sa malapit na mini store para bumili ng pweding kainin. Habang pumipili nang ice cream sa freezer ay nakatanggap ako ng text message galing kay mama.
"Sweety baka late na makauwi si mommy. Bibisitahin ko lang saglit sa apartment ang kuya Uno mo baka kasi puro unhealthy foods na naman ang mga kinakain n'ya."
"Okay ma. Ingat. Wuv u." I texted back before placing my phone back to my pocket.
"Masarap ang buttermilk cheese ice cream ng brand na 'to."
Napaangat ako ng tingin sa lalaking nagsalita sa tabi ko.
Si Ash.
"Gusto mo bang i-try?" walang emosyon n'yang tanong kaya tumango na lang ako. Ayokong mabawasan ang points ko sa future bayaw ko.
"Thanks." saad ko. Kumuha rin s'ya ng kapareho kong ice cream bago maunang maglakad sa akin papuntang cashier. Gusto ko sanang ako na ang magbayad ng mga pinamili n'ya kaya lang ay nakita ko ang iba n'ya pang bitbit. 300 lang dala ko kaya kakapusin ako kung pati pangahit, facial wash at deodorant n'ya ay babayaran ko.
Next time na lang ako magpapalakas sa kanya.
"Nasa bahay n'yo ba si Amari?" tanong ko habang nakapila sa likuran n'ya.
"Wala. Umalis kaninang umaga si bakla. May gala raw silang magbabarkada. Manlalaki ata. Tsk."
Imbes na mainis ako kay Amari dahil sa paghahanap n'ya ng iba kahit nandito naman ako ay kay Ash ako na bubwisit. The way he said it, para bang nandidiri s'ya sa kapatid n'ya. I can feel it. Napansin ko na 'yon noon una palang, kung paano n'ya sagutin at kausapin si Amari ay halata nang ayaw n'ya rito.
Bakit? Dahil ba bakla ito?
Nanggigil talaga ako sa mga katulad n'ya na may mga problema sa bading.
"Do you live here?" tanong n'ya habang naglalakad kami pauwi.
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...