20 - Hate her

4.2K 140 21
                                    

PRESENT

Instead of missing her, I choose to hate her. Mas madali kasing tanggapin 'yon kesa hanapin s'ya araw-araw sa loob ng limang taon.

Think about it. May kinamumunghian ka bang tao na gusto mo laging nakikita? Diba wala? Asiwa ka sa kanya kaya mas pipiliin mong pumikit na lang kesa makita s'ya. Mas pipiliin mong 'wag huminga kesa malanghap ang parehong hanging nilalanghap n'ya kapag malapit s'ya. Ngayong bumalik na si Yuna ay mas lalo sumiklab ang naramdaman kong galit sa kanya. Nakakabwisit pala talaga kapag malapit sa'yo ang taong kinaiinisan mo.

She have atleast called or emailed me pero mas pinili n'yang mawala ng parang bula nang hindi man lang sinasabi ang dahilan ng pag-alis n'ya. Kahit si Freida na bestfriend n'ya at si PJ na human diary n'ya kuno ay walang alam kung bakit s'ya umalis. Lumapit na rin ako noon kay Uno pero hindi s'ya nagsalita.

Was it because of me? Dahil ba napagod na s'yang mahalin ako? Nasasaktan ba s'ya kapag nakikita ako kaya pinili n'yang magpakalayo-layo? Those question still haunts me pero mas pinili kong ibaon na lang 'yon at kamunghian s'ya.

She's a selfish brat! Sa tingin n'ya ba ay hahanapin ko s'ya? Sa tingin n'ya ba ay maghihintay ako sa kanya? Inaasahan n'ya bang ngingiti ako at yayakapin s'ya sa pagbabalik n'ya?

Naging masaya ako kahit wala s'ya.

"I need to go." Narinig kong saad ni Yuna kaya nabaling ang tingin ko sa direksyon n'ya. Nasa sala sila ni Freida at umiinom ng wine habang kami ni Jenno ay nasa may counter table at umiinom ng can beer.

"Aalis ka na kaagad? Why don't you sleep here for tonight? Gusto ko pang makipagkwentuhan sa'yo." pahayag ni Freida habang pinipilit ang kaibigan n'yang manatili.

"I can't. Tawag na nang tawag sa akin si kuya Uno. Pinaglilihian ata ako ni ate Georgina dahil kanina pa raw ako hinahanap."

"Tsk. Fine. Call me when your free. Marami tayong kailangang gawin at pagkwentuhan. I missed you, sobra."

"I know. Ako lang naman kasi ang bestfriend mo."

"Wait. Magco-commute ka lang ba?"

"Oo."

"Amari, ihatid mo na si Yuna. Anong oras na ohh. Baka mapanu pa 'to."

"I'm drunk. Edi pareho kaming tegi kapag naaksidente kami? Kaya n'ya na 'yan. Nakapag-ibang bansa nga s'ya at nakabalik dito mag-isa 'e." pagtataray ko.

Ibinato sa akin ni Freida ang hawak n'yang throw pillow na kaagad ko namang nasalo pero bago ko pa man 'yon maibato sa kanya pabalik ay nakatanggap na ako nang malakas na batok mula sa asawa n'ya.

"Gusto mo bang ako mismo ang pumatay sa'yo?" pagbabanta ni Jenno bago hablutin ang throw pillow na hawak ko.

"Ayos lang Freida. 10pm palang naman. Madami pang taxi d'yan sa labas." Nakangiting pahayag ni Yuna na nagpaikot ng mga mata ko.

Nanatili ako sa counter table at ininom ang canned beer na hawak ko. Hinatid nina Jenno at Freida si Yuna sa may gate kaya naiwan akong mag-isa sa loob.

"Hindi mo naman kailangang maging rude sa kanya. We all know that you missed her too. 'Wag kang magkunwari." pahayag ni Freida habang masama ang tingin sa akin. "Jenno, kausapin mo 'yang kaibigan mo." Hinalikan ni Freida si Jenno sa labi bago umakyat nang hagdan at iwan kami ng asawa n'ya sa baba.

"Don't look at me like that Jelly."

"Look what?" inosente n'yang tanong sa akin. "Gusto mo bang mawala s'ya ulit sa'yo? 'Wag kang puro pride Amari. Baka sa huli ay pagsisisihan mo na naman ang hindi mo paglapit at pag-amin sa kanya."

My Trophy Gay | Pechay Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon