"I can't. F*ck! What am I doing?"
"Amari?" Nakakunot ang noo na tawag sa akin ni France.
"Sorry if I'm so unfair to you. Gusto ko munang mag-isip. Gusto ko munang mapag-isa dahil kapag hindi ko ginawa 'yon ay baka may maling desisyon na naman akong magawa." Kinuha ko ang luggage ko na hawak ni France saka naglakad papalayo sa kanya. Narinig ko ang pagtawag n'ya sa akin pero hindi na ako lumingon pa.
Dapat ngayon kami pupunta sa probinsya nila but after battling with my inner self ay napagdesisyonan kong huwag nang tumuloy. I know he's hurting because of my sudden decision but I really want to clear out my mind right now.
I just keep hurting them. Kahit anong gawing kong desisyon para mapabuti ang lahat ay nagreresulta pa rin 'yon sa hindi ko inaasahang sitwasyon.
Akala ko kapag napatigil ko si Yuna sa panliligaw sa akin ay titigil na rin ang feelings ko sa kanya pero nagkamali ako. Nandito pa rin s'ya at hindi umaalis sa puso ko. Akala ko kapag naging kami ni France ay magagawa ko s'yang mahalin at makakalimutan ko ang nararamdaman ko kay Yuna pero nagkamali na naman ako. Hindi ko mapilit ang puso kong mahalin s'ya. Hindi ko mapilit ang puso kong traydurin ako at magmahal na lang ng iba.
Sa dami ng mga napagdaanan ko sa salitang 'Akala ko' ay bakit hindi pa rin ako nadadala? Akala ko ba maraming namamatay sa maling akala pero bakit hanggang ngayon ay buhay pa ako?
Sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa lugar na unang pumasok sa isip ko. Ayoko munang umuwi. Katulad ng sinabi ko kay France ay gusto ko munang mapag-isa at mag-isip kaya pumunta ako sa isang beach resort na sa tingin ko ay magpapakalma sa sarili ko.
I rented a room for 4 days. Katulad 'yon sa bilang ng araw kung gaano kami dapat katagal sa probinsya ni France.
"Enjoy your stay sir." nakangiting pahayag ng receiptionist sa akin.
"Thank you."
Nang makarating sa kwarto ko ay una kong tinungo ang balcony ko at tiningnan kung anong tanawin ang unang bubungad sa akin. Pagbukas ko nang pinto ay kaagad na pumasok sa kwarto ko ang presko at maalat na simoy nang hangin na dala ng karagatan. Mukhang tama ang pinili kong lugar. Sa kalma ng tubig sa dagat ay parang napapakalma na rin nito ang mga alalahanin ko.
Bumaba ang tingin ko nang marinig ang sigaw ng isang lalaki habang tinatawag at hinahabol ang golden retriever n'yang abala rin sa paghabol ng pusa. Nakakainggit silang panoorin na maglaro sa buhanginan.
Nagpasya akong bumaba at maglakad-lakad habang iniisip ang gagawin ko sa apat na araw kong pagtuloy dito sa resort. Habang dinadama ang maliliit na alon na tumatama sa mga paa ko ay narining ko ang sunod-sunod na tahol ng aso sa likuran ko kaya mabilis akong napalingon.
"Purtagis!" tili ko nang talunan ako nito at daganan.
"Yuna!" narinig kong sigaw ng lalaki na sa tingin ko ay amo nito. "Oh ghadd. Sorry. Ayos ka lang ba?" Inabot n'ya ang kamay n'ya sa akin kaya agad ko naman 'yong tinaggap para makatayo ako.
"Y-Yuna?" saad ko habang nakatitig sa golden retreiver na nakita ko rin kaninang nakikipaghabulan sa pusa.
"Yes. Her name was Yuna. Actually she's Yuna the Second." Natatawang pahayag ng lalaki.
Sa dami ng pweding ipangalan ay bakit katulad pa sa pangalan ng tahong na 'yon?
"Pasensya na ulit sa nangyari."
"Ayos lang." aniko habang pinapagpag ng buhangin sa pwet ko.
"I'm PJ."
"Amari." pakilala ko.
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romansa/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...