YUNA
2 years later.
"Ang gwapo-gwapo talaga ng Amari ko. Look at his abs and biceps. Ang yummy baks!" Humagikgik ako habang nakatanaw kay Amari mula sa malayo. Nasa dagat s'ya ngayon at nagsu-surfing. Kahit malalaki ang alon ay nagagawa n'ya pa rin 'yong lampasan. Nakakabilib! Paulit-ulit lang akong nahuhulog sa kanya dahil sa mga talent n'ya na nadi-discover ko.
"Kung hindi lang kita kilala ay iisipin kong stalker ka gurl." Napapailing na pahayag ni Bea na s'yang kasama ko ngayon. "Bakit kasi hindi mo pa lapitan? Myghad! Paano mo natitiis na pagmasdan lang s'ya mula sa malayo?" tanong n'ya.
"That's because I love him Bea. Kaya kong magtiis dahil mahal ko s'ya." Nakangiting pahayag ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin ko kay Amari. Hindi ko pa kasi s'ya tapos pagnasaan.
"Don't you miss him? His kiss, his touch. Ganern? Shota girl! Parang ako 'tong nahihirapan at nasasaktan sa'yo."
"Of course I missed him pero I'm not hurting."
"Tatag mo gurl ah."
Natawa na lang ako dahil sa naging comment ni Beatrice. Aaminin kong nami-miss ko si Amari kahit abot kamay lang ang distansya namin sa isa't isa pero ang masaktan dahil sa ginawa n'yang paglayo at hindi pagpapakita sa akin? No. Hindi ako nagtatampo sa kanya o nasasaktan dahil alam kong mahal na mahal na mahal n'ya pa rin ako.
"Alam kong darating din ang araw na magkakasama ulit kami at isa pa, hindi ko hahayaang lumaki nang walang ang baby Ada ko. Speaking of my angel." Nabaling ang tingin ko kay Jonah habang naglalakad papalapit sa amin ni Beatrice buhat-buhat ang 1 year old baby girl ko.
Para sa akin ay isang miracle baby si Ada. 1 month after nang insidente ay doon ko lang nalamang buntis ako. Kabado ako noon na baka unhealthy baby ang mailuwal ko dahil sa nangyari sa akin pero nagkamali ako. Baby Ada was a healthy girl. May malaking red birthmark s'ya sa kanang noo at sakop nito ang kanang mata n'ya pero hindi iyon naging hadlang para mabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. She's still the prettiest baby I've seen at isa pa, ang cute at ang unique kaya ng birthmark n'ya. I'll be the proudest mama.
Hindi ko alam kung resulta 'yon nang nangyaring pagkalason ko pero hindi na 'yon mahalaga ngayon dahil sinigurado sa akin ng pediatrician ni Ada na malusog s'yang bata.
Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ang pagkakahawig ni Ada kay Amari. Sinong malulungkot at magagalit kong may baby ako na sobrang ganda at overloaded sa ka-cute-an. Siguradong matutuwa nang sobra-sobra si Atticus kapag nakita n'ya ang baby naming dalawa.
"Hi langga ko." Kinuha ko si Ada mula sa pagkakabuhat ni Jonah ay pinanggigilan ang malalambot nitong pisngi. "Who's the prettiest baby. You are? Of course my langga." Mapaglaro ang boses ko habang yakap ang mini me namin ni Amari.
Humagikgik si Ada at hinawakan ang magkabila kong pisngi gamit ang malilit n'yang mga kamay kaya naman mas lalo akong natuwa sa kanya.
Sa tuwing ganito ako kasaya ay para bang gusto kong lapitan si Amari at ipakilala sa kanya si Ada kaya lang ay pinipigilan ko ang sarili kong gawin 'yon dahil alam kong isinasaayos n'ya pa ang nangyayaring gulo sa utak n'ya. Naiintindihan ko s'ya. Masyado s'yang naapektuhan sa pagkamatay ni France at nangyari sa akin kaya naman hinahayaaan ko muna s'yang ayusin ang sarili n'ya bago ipaako sa kanya ang responsibilidad n'ya bilang ama ni Ada.
"Ate, pwede bang sa kwarto na muna namin si Ada? Kami na muna ang bahala sa kanya para naman makapag-gala ka at enjoy mamayang gabi. Isang taon ka nang nandito sa resort pero parang hindi mo pa nagagawang makapag-ikot-ikot dito." pahayag ni Jonah.
Nagdadal'wang isip ako kung papayag sa sinabi ni Jonah. May tiwala naman ako sa kanila ni Beatrice na maaalagaan nila nang maayos si Ada pero wala ako sa mood na maglakwatsya lalo pa't masaya na akong alagaan na lang ang baby girl ko.
"Balita ko 25th anniversary ng resort today. Bahala ka, kapag may malalanding afam at pokpok na nagka-interes kay Amari mo ay ewan ko na lang kung makita mo pa s'ya kinabukasan." pahayag ni Beatrice.Bigla akong nakaramdam ng takot sa naging pahayag ni Bea. Sa halos isang taon na pagiging anino ko rito sa resort ay wala naman akong nahanap na karibal sa kanya pero sa gaganaping party mamayang gabi ay baka nga dumating ang kinatatakutan ko. No! I won't let anyone take my Amari. Mas tataasan ko pa ang pagbabakod sa kanya kung kinakailangan.
"Fine. Kayo na muna ang bahala sa baby Ada ko."
"Sureness." sagot ni Jonah.
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...