17 - Boyfriend

3.7K 141 38
                                    

Pagak akong napatawa nang makita si Yuna na nagtago sa likuran ni Freida. She's been avoiding for days at para s'yang ninja sa bilis n'yang tumakbo at magtago. Para bang na si-sense n'ya ang presensya ko dahil nagagawa n'yang makatakas kaagad sa akin.

Unbelievable! Nasaan na ang sinasabi n'yang kahit anong mangyari ay freindship pa rin kami.

"Hoy putra! Anong nakakatawa?" tanong sa akin ni Beatrice.

"High na naman siguro si bading sa MariYuna." saad ni Jelly na puno pa rin ng kakornihan sa katawan.

"Paano maha-high 'e iniiwasan nga s'ya ni mareng Yuna."

"Weh. Really? Ano ba kasing ginawa mo baks?" tanong sa akin ni Jelly.

"Diba nga kasi may boylet na s'yang manliligaw. Malamang binasted n'ya si Yuna para sa hombre na 'yon."

Hinampas ko nang malakas ang braso si Beatrice gamit ang bag ko dahilan para mapatili s'ya na parang sinasakal na kambing. Bakit mas marunong pa s'ya kesa sa akin?

"Luhh. Bakit wala akong alam d'yan? May manliligaw kang hombre? Daks ba? Gwapings?" sunod-sunod na tanong sa kin ni Jelly.

"Saan ka ba kasi nagsususuot at lagi kang nawawala? May tinatago ka ba sa amin Jelly?"

"Ewan ko sa'yo Bea! Change topic ka."

"Ewan ko rin sa inyong dalawa. Napapansin kong masekreto na kayong dalawa sa akin. Kapag ako nagkaroon ng secret hindi ko rin 'yon ishi-share sa inyo."

"Wala kaming paki beh." pagtataray ko dahilan para makatanggap ako ng irap mula kay bading.

Mabilis na naagaw ang atensyon ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. France is calling.

"France." tawag ko sa pangalan n'ya.

Ngumisi naman na parang mga timang ang dalawang bading. Sa sobrang creepy ng mga itsura nila ay very satisfying sigurong hampasin ng frying pan ni Rapunzel ang mga pagmumukha nila.

"Hi Amari. Pwede ba tayo magkita mamaya?"

"Sure. Saan ba?"

"Susunduin na lang kita. Diba 6pm last mong pasok?"

"Oo."

"Sige. Kitakits. I love you." saad n'ya bago tuluyang ibaba ang tawag.

To be honest, wala akong nararamdamang kilig o sparks kay France pero may chance na baka pagdating ng mga araw ay mahulog din ako sa kanya katulad ng nangyari sa akin kay Yuna.

"Magkikita kayo ni France?" usisa ni Bea.

"Oo. Mamayang uwian." sagot ko.

"May plano ka na bang sagutin s'ya?" panibagong tanong ni bading. Sa aming tatlo si Beatrice talaga ang chismosa at madada. Minsan gusto ko nang i-vulcaseal ang bibig n'ya para makahanap ako ng katahimikan.

"Wag mong pilitin ang puso mo sa taong hindi mo naman gusto. Hindi ka magiging fair sa sarili mo pati na rin sa kanya kapag sinagot mo s'ya kahit wala ka namang nararamdamang espesyal sa kanya." pahayag ni Jelly. Wow. Ngayon ko lang ata narinig na mag-advice si Jelly nang hindi pabalbal.

"True." segunda naman ni Beatrice. "Taralets mga baks. Panoorin na lang natin ang practice nina Yuna at Freida sa gym. Alam ko last practice na nila ngayon para sa cheerleading competition na gaganapin bukas." dugtong nito.

Pagdating sa gym ay nakita naming abala sa pagpapractice ang buong grupo. Hindi kami pumasok sa loob bagkus ay nakasilip lang kami sa isang tabi. Hinanap ng mga mata ko si Yuna at hindi naman ako nabigong makita s'ya.

My Trophy Gay | Pechay Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon