10 - Sweet Home

3.6K 141 8
                                    

Sana nanatili na lang ako sa nakaraan. Kahit hindi naibalik ni Amari ang pagmamahal ko ay sapat nang nand'yan s'ya palagi sa tabi ko. Masakit na hindi n'ya nagawang suklian ang nararamdaman ko pero kahit ganun ay mas nangibabaw pa rin ang saya sa dibdib ko dahil sa pagtanggap n'ya sa feelings ko.

Present
(5 years have passed after Graduation)

After college graduation akala ko'y mananatili akong masaya, kontento at wala ng hihilingin pa sa magiging buhay sa lugar na kinalakihan ko kasama ang magulang, kaibigan at syempre si Amari na wala pa ring palya sa pagpapakilig sa akin kahit wala kaming label...pero nagkamali ako. Akala ko lang pala ang lahat ng iyon.

I leave my friends and Amari without saying goodbyes. Hindi na ako magtataka kung sa pagbabalik ko ay galit sila sa akin.

After ng graduation ay kinailangan kong sumama kay mama at tito Brandon sa ibang bansa para puntahan si papa na nag-aagaw buhay na. Itinago n'ya sa amin ang pagbagsak ng ipinundar n'yang kompanya na nagdulot din ng pagkakasakit n'ya. Napabayaan ni papa ang kalusugan n'ya dahil sa matinding stress at pag-aalala sa amin. He was so sick to the point na isang araw na lang ang itinagal ng buhay n'ya nang makita namin s'ya ni mama. He just waited for us before he died.

I was so devastated.

Hindi ko man lang alam na matagal na palang may problema si papa sa kompanya at kalusugan n'ya. Alam ni mama at kuya ang mga nangyayari pero itinago nila 'yon lahat sa akin. Nagpapakasaya ako sa buhay samantalang nahihirapan sila. Pakiramdam ko ay wala na akong karapatang maging masaya matapos ang mga nangyari.

Nagalit ako sa kanila. Handa na silang harapin ang pagkawala ni papa samantalang ako ay parang sinaksak ng paulit-ulit dahil sa pagtatraydor nila sa akin kasabay ng pagkamatay ni papa. Doble ang sakit na ginawa nila sa akin. Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa sarili kong pamilya. I was betrayed. But still, family is everything. Hindi ko natiis si mama at kuya. Nagawa ko silang patawarin dahil sila lang ang pamilyang meron ako at hindi rin magugustuhan ni papa kung makikita n'ya kaming nagaaway-away.

5 years have passed. Sa loob ng limang taon ay naging parte ako ng itinayong kompanya ni tito Brandon sa state. Kaibigan at business partner s'ya ni papa noon. Nang mamatay si papa ay s'ya na ang tumayong tatay-tatayan ko. He's a good guy. Hindi n'ya kami pinabayaan ni mama habang nakatira kami sa poder n'ya.

Sa limang taong lumipas pero may isang taong hindi pa rin mawala-wala sa isip ko. Kamusta na kaya s'ya?

Kuya Uno's calling...

"Kuya,"

"Where are you? Kanina pa ako naghihintay sa'yo rito sa airport." aboridong saad n'ya sa kabilang linya.

"Hindi mo ba nabasa ang text message ko?"

"Aling text message?"

Mabilis kong sinilip ang inbox ko at chineck kung na send ba sa kanya ang kaninang text ko. "Hindi pala nag-send. Hehehe. Sorry. Umalis na ako ng airport. Pinahatid ko na lang ang mga gamit ko sa address mo."

"What? Pinaghintay mo ako rito ng halos isang oras!"

"Sorry na nga. I love you po kuya." I giggled.

"Call me if you need a ride. Excited pa naman si Georgina na makita ka. Kanina pa 'yon naghihintay sa'yo. Ikaw talaga."

"Tell her na magpapa-bridal shower ako sa kanya. Maghi-hire ako ng maraming macho dancer para parehong busog ang mata naming dalawa."

"Maxime! I'm warning you!"

Tawa ako nang tawa. Siguradong nagngingitngit na s'ya sa galit ngayon. Napaghahalataang patay na patay s'ya kay ate Georgina.

"Yuna," Napaangat ako ng tingin sa lalaking nakatayo ngayon sa tabi nang table ko. Nasa cafe ako at nagbe-breakfast nang sumulpot sa harap ko si France.

"H-Hi."

"Yuna, ikaw nga. Wow. It's been a long time. Kamusta ka na?"

"Kuya, I'll call you back. Bye." paalam ko kay kuya bago ibaba ang tawag at harapin si France. Kung dati ay si Noomi lang ang kaagaw ko sa atensyon ni Amari ay dumagdag pa ang isang 'to.

Sila pa rin ba kaya ni Amari?

"Heto, kakabalik lang. Ikaw, kamusta na?"

'Kayo pa rin ni Amari?'- Gusto ko 'yon idagdag pero mas pinili kong 'wag na lang tanungin.

"Heto, doing great." sagot n'ya. "Can I sit here?" tanong n'ya kaya tumango ako bilang tugon. Umupo s'ya sa kaharap ko na upuan. "Alam kong gusto mong itanong kung kami pa ni Amari. Hahaha. Naalala ko pa noon na halos agawin mo sa akin ang atensyon ng boyfriend ko."

"Yahh. Sorry about that. Don't worry, hindi ako bumalik rito para agawin s'ya ulit sa'yo. Hindi ako nagtagumpay noon paano pa kaya ngayong going strong kayo?" natatawang pahayag ko kahit deep inside ay nasasaktan ako.

"Good to hear that. Plano naming magpakasal ni Amari sa state sa susunod na taon. Wala pang eksaktong petsa pero sisiguraduhin naming invited ka."

Parang nahulog sa mga kamay ko ang puso ko dahil sa balita ni France. I can see my own heart bleeding right now. Hindi ko alam kung nangi-inis ba s'ya o ano. Gusto n'ya atang isampal sa akin na s'ya ang nanalo sa puso ni Amari.

Hindi lang pala kasal ni kuya ang dadaluhan ko, may nalalapit pang isa. Tumayo ako saka isinukbit ang bag sa balikat ko. "I'm going. Balitaan mo na lang ako kung kelan ang kasal."

"Sure. Good to see you Yuna. Siguradong matutuwa si Amari kapag nakita ka n'ya. Bibisitahin mo ba s'ya ngayon?"

"N-No. May iba akong pupuntahan." sagot ko.
Gusto kong makita ang inaanak ko kay Freida. Ilang taon rin ang utang ko kay baby boy at baby girl kaya babawi ako hangga't nandito pa ako.

"Okay. Ipagda-drive sana kita."

"Bye France."

"Bye."

Ang totoo n'ya ay gusto ko lang tumakas sa mga susunod n'yang sasabihin patungkol sa kanila ni Amari. It's been 5 years. Sa tagal at layo namin sa isa't-isa ay dapat nakalimutan ko na ang naramdaman ko sa kanya pero hindi. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong magawa n'ya akong mahalin kahit kaunti.

Hindi ko sinabi kay Freida na bibisita ako ngayong araw na 'to. Sa pagkakaalam n'ya kasi ay sa susunod pa na araw ang dating ko. I wanted to surprise her and may mga inaanak. Pumunta muna ako sa toy store at binilhan sila ng sandamakmak na mga laruan na katumbas ng limang taon kong pagkukulang sa kanila. Nag-taxi na lang ako papunta sa bahay nila dahil sa dami ng mga bitbit kong paper bag.


"Y-Yuna?" Surpresang sambit ni Freida sa pangalan ko. "Yuna! Walanghiya ka! Bakit hindi ka nagsabing darating ka?!"

Sinugod ako nang mahigpit na yakap ni Freida na halos ikatumba naming dalawa. Kung hindi ko lang nagawang ibalanse ang katawan namin pareha ay baka sa semento na ang bagsak naming dalawa. Naniniwala na talaga akong balancing ang talent ko.

Nabitawan ko ang dala kong mga paperbag at ginantihan s'ya ng yakap. Halatang alagang-alaga s'ya ni Jenno. Mas lalo s'yang gumanda. Ito ba ang epekto kapag araw-araw nadidiligan?

Natigil lang kami sa pagtalon at pagyakap sa isa't-isa nang tawagin ako ni kuyang taxi driver.

"Sorry po kuya. Heto po, keep the change." Abot ko kay kuya ng bayad bago pulutin ang mga paperbag na nagkalat sa semento.

"Siguradong matutuwa si Amari kapag makita ka n'ya. Tara sa loob."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang sinabi ni Freida. Mukhang wrong timing ata ang punta.

"F-Fre---" Hindi ko na natuloy ang pagpapaalam kong umalis nang biglang sumulpot si Amari sa likuran ni Freida.

Katulad ng reaksyon ni Freida ng makita ako kanina ay ganun din ang reaksyon si Amari.

"A-Amari! Long time no s-see!" Pinilit kong maging masigla kahit ang totoo ay nangangatog ang mga binti ko sa takot at hiya sa kanya.

Akala ko after 5 years ay makikita ko s'yang mag-cross dressing, may pekeng boobs at transgender na pero nagkamali ako. Lalaking-lalaki na ang itsura ni Amari. Wala nang mga kung ano-anong abubot sa buhok, foundation sa mukha at lip tint sa labi. Halata sa tindig n'ya ang maganda n'yang pangangatawan na siguradong paglalawayan ko kapag inalis n'ya ang suot n'yang t-shirt. Mukhang babad s'ya sa gym para mag-work out...o mag-chansing? Ah basta, nalaglag na naman ata ang panty ko sa kanya.

"Tsk. B*tch." bulong ni Amari bago n'ya ako irapan at maarteng talikuran. Bumagsak ang panga ko dahil sa sunod n'yang naging reaksyon. Hindi dahil sa maarte n'yang paggalaw, sanay na ako 'ron kundi sa talim at sama ng tinging ipinukol n'ya sa akin.

Ini-expect ko na 'to pero mas masakit pala kapag harapan na.

He's mad.

Tinapik ni Freida ang likuran ko kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.

"I'm sure he missed you."

"I don't think so." Pagkontra ko habang bagsak ang mga balikat ko.


"Welcome back, Yuna." bati sa akin ni Jenno saka s'ya nakipag beso-beso sa akin. Hinanap ng mga mata ko si Amari at nakitang busy s'ya ngayon habang buhat-buhat si Rori, ang 2 years old na anak na babae ni Jenno at Freida.

"Nasaan si Cairo?"

Si Cairo ang panganay na anak nilang lalaki. 5 years old going to 6.

"Nasa taas nagtatampo dahil hindi ko pinayagang kumain ng ice cream. Sinisipon kasi." sagot ni Freida. Nanay na nanay na talaga.

Hindi ko mapigilang mainggit sa buhay na may roon ngayon ang bestfriend ko. She deserved it. Having a loving husband, adorable kids and happy marriage is the best treasure in life. I'm so happy for her.

Ako kaya. Kelan ko kaya makikita ang sarili ko sa gan'tong buhay? I doubt it.

***
A/n:
Hi, sana hindi kayo malito sa transitioning ng past and present.😆😆😆
Past
Chapter 1 to 10 - YUNA'S POV
Chapter 11 to 20 - AMARI'S POV
Present (5years after)
Remaining chapters

My Trophy Gay | Pechay Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon