21 - Baby to the Rescue

4K 137 34
                                    

This Chapter is rated SPG ‼️⚠️ Slight lang 🙈

YUNA

Ngayon ko napatunayan na kahit ilang taon ang lumipas na nagkahiwalay kami ay malakas pa rin ang tama ko sa bading na 'to. Wala pa ring pinagbago. Mahal ko pa rin s'ya. Mahal na mahal ko s'ya to the point na ang sakit-sakit na.

Wala akong karapatang mag-inarte dahil kasalanan ko naman kung bakit s'ya galit sa akin. Umalis ako nang hindi nagpapaalam at alam kung 'don s'ya nasaktan.

"You bad tito!" sigaw ni Cario kaya parehong nabaling ang tingin namin sa kanya ni Amari.

"What did I do?" kunot-noong tanong ni Amari sa bata na nakasimangot na at halos dumulas na ang maliit na katawan sa kinauupuan.

"Away mo s'ya ohh! Away mo!"

"N-No. Hindi ko s'ya inaaway."

"She's sad! Tita ganda is sad na. Hmm. You bad! She's not gonna visit me na kasi you bad her." Dahil sa pag-iyak ni Cairo ay gumaya na rin sa kanya si Rori. Sabay na nag-iyakan ang dalawa kaya bigla kaming nataranta ni Amari. Kapag bumalik sina Freida at mugto ang mga mata ng dal'wa n'yang anak ay siguradong mapapagalitan kami nito.

"O-Okay. I'm gonna say sorry na to tita. Just stop crying."

Bumuntonghininga muna si Amari bago humarap sa akin at pilit na ngumiti. I mouthed sorry to him na muli na naman n'yang ikinabuga ng hangin.

"I-I'm s-sorry." utal na sambit n'ya na halatang napipilitan lang.

"Kiss her."

"What/ Huh?" sabay naming usal ni Amari nang mapalingon kay Cairo.

"Kiss, kiss, kiss." Pumapalakpak na saad ni Rori. She's so innocent. Wala s'yang kaalam-alam sa nangyayari at sinasabayan n'ya na lang ang kuya n'ya sa mga request nito.

"Mama and dada kiss each other when they said sorry. Kini-kiss ko rin sila kapag nag-sorry ako sa kanila. Kiss din dapat kayo." katwiran ng bata. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa gustong mangyari ni Cairo o matatakot sa pagdilim ng mukha ni Amari.

"No." Madiing sambit ni Amari.

Isang malakas na tili at iyak ang pinakawalan ni Cairo na muli na namang sinabayan ni Rori. Mas malakas 'yon sa nauna nilang ginawa kaya halos mabasag ang eardrum ko.

"Fine!" sigaw ni Amari. Bago pa man ako makapag-react sa sinabi n'ya ay kaagad n'yang hinawakan ang isa kong pisngi at hinuli ang labi. It was just a peek. Hindi ko nga sigurado kung pasok 'yon sa one second dahil sa mabilis n'yang paghiwalay sa akin.

F-First kiss ko 'yon kay Amari. Kung dati ay hanggang panaginip lang ang kiss naming dalawa ngayon ay nagkatotoo na. Gusto kong magbunyi pero sa takot na baka samaan na naman ako ng tingin ni Amari ay kinalma ko ang sarili ko.

"Happy?"

"Huh? Di ko naman nakita 'e."

"What the f--- Cairo, I'm not gonna give you ice cream kapag umiyak ka pa. Same with you Rori." pagbabanta ni Amari sa dalawa na lihim kong ikinatawa. Natuwa lang ako kung paano n'ya takutin ang dalawang bata.

"Mama said I can't have Ice cream. Now, kiss her tito. I want you two to be happy na." pagmamatigas ni Cairo saka n'ya pinag-cross ang maliliit n'yang braso sa dibdib n'ya. I love this boy.

"Your enjoying this don't you?" Baling sa akin ni Amari. Napalunok ako ng laway ng makita ang seryoso n'yang ekspresyon. Kung dati ay puro balbal na mga mura at pagtataray lang ang alam n'yang gawin sa akin ngayon ay parang nahuli n'ya na ang takot ko.

Hindi ko mapigilang kabahan at matakot sa kanya. Sa sobrang talim ng mga tinging ipinupukol n'ya sa akin pakiramdam ko ay tagos 'yon hanggang sa bungo ko.

My Trophy Gay | Pechay Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon