05 - B*ner

5.2K 157 1
                                    


"You can sleep at my room." pahayag ko habang pinipigilan ang sarili kong kiligin sa harap n'ya.

"Utot mo! Dito na lang ako sa couch. Wala akong tiwala sa mukhang mong 'yan. Base on your expression I can already tell that your planning something evil. " Napanguso ako dahil sa sinabi ni Amari. Grabe naman s'ya.

"Anong kakainin natin for dinner?"

"Let's eat each other." He bites his lower lips and smirked at me. I freeze. Ang hot at ang gwapo n'ya sa part na 'yon. Pwede na akong mamatay pero after na naming magkainan.

"At hindi na nga huminga ang lukaret." narinig kong dugtong ni Amari habang nagpa-panic pa rin ang buong sistema ko.

Oh sh*t! Iniisip ko palang na magkakainan kami ay nawe-wet na ako.

"S-Saan mo gustong magkainan? Sa countertop, sa couch, sa center table o sa kwarto ko na lang para safe?"

"Huli ka tahong. Sinasabi ko na nga ba, binabalak mo akong rape-in tapos kapag nagsumbong ako sa pulis sasahin mong ako ang nanamantala sa'yo!" sigaw ni Amari sa akin habang dinuduro-duro ang noo ko.

"Huh?"

"Naku naku naku! Isusumbong kita kay tita! Iyang kaharutan mong 'yan hindi ko mapapalampas 'yan."

"Ikaw kaya ang unang nang harot. May pa-let's eat each other ka pang nalalaman. Syempre, gowch ako kasi marupok ako pagdating sa'yo. Hindi ko papalampasin ang chance na kainin ka at magpakain sa'yo."

Umawang ang bibig ni Amari habang salubong ang mga kilay. Maya-maya pa ay tumakbo na s'ya papuntang sink at sumuka ng hangin.

"Tatahiin ko na talaga ng combat wire 'yang bibig mo!" pagbabanta n'ya na ikinatawa ko na lang.

Narinig ko ang pagtunog ng tiyan ko kaya dumiretso ako sa ref para kumuha ng hotdog. Iyon lang kasi ang mabilis na lutuin kaya 'yon na lang kakainin namin.

"Hotdog?"

"Ayaw mo? Nagugutom na ako tsaka ito lang mabilis lutuin 'e."

"Wait. May ulam kami sa bahay. Mas healthy 'yon kesa d'yan. Dito ka lang, babalik din kaagad ako." paalam ni Amari bago lumabas ng bahay.

Habang naghihintay ay ininit ko na rin ang natirang kanin namin. Naghanap din ako ng chichirya para mamaya ay may papakin kami in case na pumayag si Amari na mag-movie marathon kami. Dapat pala bumili na ako kanina paglabas ko. Tsk. Hindi ko naman kasi alam na mago-overnight dito si Amari.

Mabilis akong lumabas sa pinto ng marinig ang sunod-sunod na doorbell. Akala ko ay si Amari pero nagkamali ako. May lalaki ngayon sa labas ng bahay namin. Mukha naman s'yang mabait pero malay ba nating mukha lang. Nag-aalangan ako kung kakausapin s'ya dahil hindi ko naman kasi kilala.

"Ija, anak ka ba ni Alexander Arevalo?" tanong ng lalaki habang nakasilip sa gate namin. Parang magkasing edad lang sila ni papa.

"Opo. Bakit po?" tanong ko.

"Kaibigan ako ng mama at papa mo. Ako si Brandon." pakilala ng lalaki. Lumapit ako sa kanya at binuksan ang gate sa pagitan namin. Baka sabihin n'ya hindi ko man lang s'ya pinagbuksan.

"Ano pong kailangan n'yo?"

"Nand'yan ba ang papa o mama mo?"

"Si papa po nasa business trip tapos si mama naman baka buk-" Naputol ako sa pagsasalita nang tawagin ako ni Amari. Malalaki ang hakbang n'ya na lumapit sa amin bago harapin si tito Brandon.

"Anong pong kailangan nila? Wala po si tita, bukas pa darating." pagsingit ni Amari.

"Sige, babalik na lang siguro ako sa sunod na araw. Pakisabi na lang sa kanila
na bumisita ako." Nakangiting pahayag ni tito Brandon bago tuluyang umalis.

"Aray!" daing ko nang bigla akong hampasin ni Amari sa braso. "Inaano ka ba?"

"Tanga ka! Bakit mo pinagbubuksan ang taong 'di mo naman kilala? Paano kung magnanakaw 'yon o rapist edi na rape ka na?"

Mabilis akong kumapit sa braso ni Amari at inihilig ang hulo ko sa balikat n'ya. "Ayiee. Worried s'ya." pang-aasar ko dahilan para ulo ko naman ang hampasin n'ya.

"Aray!"

"Hindi ako nag-aalala sa'yo loka, mas nagaalala ako sa sasabihin sa akin ni tita. Hmp." Inirapan n'ya ako bago dire-diretsong naglakad papasok ng bahay. Basta maga-assume ako na nag-alala talaga s'ya sa akin. Pilit n'ya man na itanggi 'yon sa sarili n'ya ay halata naman sa ikinilos n'ya kanina.

"Bakit nga pala kayo magkasama ni Ash kanina?" tanong sa akin ni Amari habang kumakain.

"Nagkita lang kami sa tindahan habang bumibili ng ice cream." Speaking of my ice cream. Saan ko na nga ulit nailagay 'yon?

"May sinabi ba s'ya sa'yo patungkol sa akin?"

"That you two are step-brothers? Yup."

"Aside from that, ano pang mga sinabi n'ya?"

"Wala na. Ako ang maraming sinabi sa kanya patungkol sa'yo. I told him that you're nice, talented and intelligent bading. Hindi basihan ang kasarian para husgahan ang isang tao at kaayawan ito. Also, liking or loving someone comes without a warning at iyon ang nangyari sa akin."

And then he smiled. Nalaglag na naman ang panty ko na double garter na nga pero wa-epek pa rin sa kanya.

Katulad ng sinabi ni Amari ay sa couch s'ya natulog kaya wala na akong nagawa. Pagkatapos namin manood ng dalawang action movies ay natulog na rin kami kaagad. Okay na rin, kahit hindi ganun ka-memorable ang first night namin na magkasama at least nagawa ko pa rin s'yang solohin. Kahit walang kainan na naganap, malay natin next time ay meron na.

Tiwala lang.

***

"Good morning po tita Athena." masiglang bati ko sa mama ni Amari na abala habang nagdidilig ng mga halaman sa mini garden n'ya.

"Oh iha, napadalaw ka?"

"Pinapabigay po ni mama, puto at bibingka."

"Salamat. Nagabala pa kayo."

Ang totoo n'yan ay ibinigay lang din sa akin kanina ng kapitbahay namin itong mga pagkain. Imbis na kay mama ko ibigay ay dumiretso ako sa bahay ni Amari para magkadahilan akong bisitahin s'ya. Matapos kasi ang gabing matulog s'ya sa amin ay hindi ko na naman s'ya nakikita.

"Nasaan po si Amari?"

"Sa kwarto n'ya. Nasa pinakadulo ng hallway ang room n'ya. Katukin mo na lang."

"Thank you po tita." Akmang papasok na sana ako ng bahay nang maalala ko na naman ang mortal kong karibal. "Tita,"

"Yes hija?"

"Hmm. Si Noomi po?"

"Hahaha. Nasa kwarto ni Ash so don't worry." paninigurado ni tita habang tawang-tawa sa akin. Naikwento ko kasi ang nangyari noong last na punta ko sa bahay nila kaya alam n'yang bwisit ako sa diyablo nilang pet.

"Okay po. Hehehe."

Nang makarating sa tapat ng kwarto ni Amari ay kumatok ako sa pinto n'ya, not just 3 but multiple times. Napasya na akong pasukin ang lungga ni bakla without his permission dahil naririnig ko na ang tahol ni little diyablo. Baka magkaharap pa kami ng wala sa oras kaya magtatago na ako.

Sinilip ko ang wristwatch ko at nakitang ala-otso na nang umaga. Tulog na tulog pa rin hanggang ngayon si Amari. Napahagikgik ako nang marinig ang mahina n'yang paghilik. Dahan-dahan akong lumapit sa kama n'ya at humiga patagilid para tingnan ang morning face n'ya.

Ekkkkk! Kenekeleg ako. Na-miss ko ang pagmumukha nang bading na 'to. Ilang araw lang kami hindi nagkita pero parang matagal na panahon. Kelan kaya ako magigising na s'ya ang katabi ko? Na ako naman ang kayakap n'ya at hindi ang unan n'ya, na ako ang magpapainit sa katawan n'ya at hindi ang lintik na comforter n'ya. When kaya? Tell me! When kaya?

"Atticus, asawahin mo na ako please tapos gawa tayo ng maraming baby. Kahit ilan payag ako." bulong ko habang kinakabisado ang bawat parte ng mukha n'ya. Hindi mo aakaling bakla s'ya kapag tulog. Lalaking-lalaki ang itsura n'ya ngayon. Walang hairband or hairclip sa buhok n'ya, just his soft and wavy hair.

"Kuya! Ika-"

Mabilis akong napabalikwas ng biglang bumukas nang malakas ang pinto ng kwarto ni Amari. Kumunot ang noo ni Ash ng makita ako kaya ganun din ang ginawa. Sinenyasan ko pa s'yang umalis pero sumimangot lang s'ya. Wrong timing ang lintik! Kaagad na nalipat ang atensyon ko kay Noomi na nasa may paanan ni Ash. Tumahol ito ng sunod-sunod na nagbigay nerbyos sa akin pero mas lalo akong kinabahan nang bigla itong tumakbo papunta sa direksyon ko. Para na naman s'yang T-rex na nakakita ng kakainin n'ya.

Pucha! 'Wag ang pwet ko.

"Kyaaaahhhh!" I screamed from the top of my lungs.

"Holy sh-" Hindi na natapos pa ni Amari ang sasabihin n'ya nang mabilis akong tumalon papunta sa ibabaw n'ya at yumakap sa kanya.

Hindi ako nag-iinarte. Huhuhu! Natatakot talaga ako.

"Kyahh! Ilayo n'yo 'yang diyablong 'yan sa akin!" sigaw ko. Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg ni Amari at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakapulupot ng mga binti ko sa bewang n'ya habang nakakandong sa kanya.

"Ash! Ilabas mo nga muna si Noomi! Isara mo rin ang pinto! Jusme! Umagang-umaga pinapainit n'yo ang ulo ko!"

Nang marinig ang pagsara nang pinto ng kwarto ni Amari ay doon na ako napaangat ng tingin. Check ko kung nasa loob pa si little diyablo at nang masiguradong wala na s'ya ay bumaling na ako kay Amari.

"G-Good morning." nauutal na saad ko ng makita ang masama n'yang tingin sa akin.

"Get of me." madiing utos n'ya.

"O-Okay." Akmang paalis na sana ako ng maramdaman ko ang kakaibang bagay na tumutusok sa pwet ko. "What's this?" tanong ko habang pinapakiramdaman ito pero bago ko pa man masagot ang sarili kong tanong ay bigla na lang akong lumagapak sa sahig.

"Shotangina ka!" sigaw ni Amari saka n'ya tinakpan ng unan ang hita n'ya.

"Omg. I-Is that a b-boner?" Hindi makapaniwalang tanong ko pero napadaing muli ako nang ibato ni bading ang unan na hawak n'ya sa mukha ko.

Mapanakit!

"Get out of my room now!" sigaw ni Amari. Wala akong ibang choice kundi ang lumabas. Hindi kasi maipinta ang mukha n'ya. Galit s'ya mga besh.

My Trophy Gay | Pechay Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon