"Tita, she's awake!" Narinig kong sigaw ni ate Georgina. Una kong hinanap si Amari sa puting kwarto na kinalalagyan ko nang buksan ko ang mga mata ko.
Where is he? He's not here.
Ramdam ko ang pangingilid nang luha ko. I want to see him. I want him here. Gusto kong itanong kina ate Georgina at mama kung nasaan si Amari pero hindi ko magawa dahil sa tubong nakasalpak sa lalamunan ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko, kahit ang mga daliri ko ay naging mabigat para sa aking pagalawin ito. Kung ano man ang lason na nainom ko ay nagdulot 'yon nang masamang epekto sa katawan ko.
Dumating ang doctor at mga nurse para ichineck ang mga vitals at condition ko. Nalaman kong limang araw na pala akong walang malay simula ng mangyari ang insidente. Nahuli ang waiter na naglagay ng lason sa wine ko at nasa prisinto na pero hindi ako kampante na s'ya nga ang utak sa krimen para lasunin ako. Si France, alam kong may kinalaman s'ya sa nangyari sa akin. Gusto ko man magbigay ng impormasyon ay masyado pa akong maghihina para gawin 'yon. Kahit ang pagsulat sa papel ng pangalan n'ya ay hindi ko magawa.
That guy deserve to be behind the bars! Hindi ko papalampasin ang kademonyahang ginawa n'yan sa akin.
So, I waited. Iyon na lang ang magagawa ko. Ang hintayin na maka-recover ako at maisiwalat ang nangyari nang gabing 'yon bago ako malason.
Weeks have passed. Kasabay nang paghihintay kong gumaling ay ang araw-araw kong paga-abang kay Amari na bisitahin ako sa hospital. But he didn't come. Inisip ko na lang na baka abala s'ya sa pagtulong kay kuya Uno na maipakulong ang taong may gawa nito sa akin. Gusto ko mag-assume para hindi ako masaktan. Gusto kong umasa na ako pa rin ang dahilan n'ya sa pagiging busy n'ya sa mga araw na hindi n'ya ako nagagawang bisitahin.Mula sa hawak kong tablet ay nagsulat ako para kausapin si Freida na s'yang kasama ko ngayon sa kwarto ng hospital na kinalalagyan ko.
'Can you call Amari. Please. I missed him :('
Kahit boses n'ya lang ang marinig ko ay magiging masaya na ako.
Mag-iisang buwan na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapagsalita. Naging malaki kasi ang epekto nang lason na nainom ko sa vocal cords ko. Sabi nang doctor ay gagaling naman daw ito pero it will take months or maybe a year to heal.
"Yuna," tawag sa akin ni Freida. Naupo s'ya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "We'll tell you everything when you get discharge." dagdag n'ya na nagpasalubong ng mga kilay ko.
Hindi ko mapigilang kabahan dahil sa naging tono nang pananalita ni Freida. Seryoso s'ya pero puno nang matinding pag-aalala ang mga mata. Mamayang hapon na ako lalabas hospital at kasalukuyang inaayos ngayon nina mama at ate Georgina ang mga papeles sa paglabas ko.
'Your making me nervous.'
She only gave me an assurance smile.
Sa araw-araw at paulit-ulit kong pagtatanong sa kanila patungkol kay Amari ay lagi silang umiiwas na sagutin ako. Hindi ako mapalagay sa mga ikinikilos nila pero sinubukan kong mag-focus muna sa recovery ko kaya hindi muna ako magpumilit. Gusto ko rin kasi na harapin si Amari na maayos na ang lagay ko at hindi na mukhang haggard na labanos kapag nagkita kami.
"Yuna," Nabaling ang tingin ko sa pinto ng kwarto nang dumating sina mama. "Mapapaaga ang pag-uwi mo baby. Are you excited to go home?" tanong ni mama kaya tumango ako bilang sagot sa kanya. Kasunod ni mama at ate Georgina na dumating si tito Brandon na may tulak-tulak na wheelchair.
"Time to go home Yuna." pahayag ni tito Brandon. Binuhat n'ya ako papaupo sa wheelchair samantalang inayos naman nina mama ang mga gamit kong iuuwi namin pabalik sa bahay.
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...