Nagpalingalinga ako at hinanap si France sa paligid. I'm 100% sure na s'ya 'yon. Who invited him? As far as I know hindi s'ya acquintance nina ate Georgina at kuya Uno. Nag-lakad ako papunta sa may fountain at hindi ako nabigong makita s'ya na nakatayo sa tabi nito. Sapat na ang mga fairy light sa garden para makita ko nang malinaw ang mukha n'ya at makompirmang s'ya nga ang lalaking ex ng boyfriend ko.
"France." tawag ko sa kanya. "Who invited you here?" tanong ko. Ayokong maging mean sa kanya dahil hangga't maaari ay ayokong ma-trigger ang ano mang masamang plano na tumatakbo sa utak n'ya.
"No one. I followed Amari's car." pag-amin n'ya na nagpakunot nang noo ko.
"You followed my boyfriends car? Why would you do that?"
"Boyfriend? Hahaha. Kayo na pala." Natatawang pahayag nito.
"O-Oo. France, katulad ng ginawa kong paglayo noon kay Amari nang piliin ka n'ya ay sana magawa mo ring tanggapin ang desisyon n'ya at lumayo na lang din. Please." pakiusap ko.
Isang pilyong ngisi ang sumilay sa labi ni France. Nakatuon pa rin ang atensyon n'ya sa fountain at hindi ako tinatapunan ng tingin. Mas gugustuhin ko pang 'wag n'ya akong tingnan dahil hindi ko kakayaning salubungin ang mga mata n'ya. Nakakapangingilabot kasi ang ekspresyon n'ya. His evil smiles gives me goosebumbs.
"Kahit lumayo ka ay ikaw pa rin ang lagi n'yang hinahanap Yuna. Kahit nasa akin na s'ya ay hindi pa rin nagbago ang nararamdaman n'ya para sa'yo." pahayag n'ya. Bumuntonghininga s'ya bago humarap sa akin. "Fine. Lalayo ako pero sa oras na magkalamat ang relasyon n'yo ay kukunin ko sa'yo si Amari."
"Don't threathen me. 'Wag kang gagawa nang kahit anong ikapapahamak ni Amari dahil hindi ako magdadal'wang isip na ibigay ko sa pulisya ang ipinadala mong regalo sa kanya. I saw it. Hindi 'yon alam ni Amari kaya pasalamat kang hindi ka pa n'ya kinamumunghian. Huh, nag-abala ka pa talagang gumawa ng ganoong ka-creepy na art work." pagak akong napatawa.
"How sure are you na ako nga ang magpadala nun?"
"Gusto mo bang ipa-handwriting analysis ko pa ang sulat mo sa pulisya o ipa-hanap ang finger print mo sa package na 'yon?" tanong ko na nagpatiim nang bagang n'ya.
"Don't be to confident on yourself Yuna." pahayag ni France suot pa rin ang ngisi n'ya sa labi. Naglakad s'ya palayo sa akin pero tumigil ito at muling humarap sa direskyon ko. "Watch your back. This night will change your life." pahabol n'ya bago muling maglakad paalis.
Napahawak ako sa dibdib ko nang kumalabog ito nang sobrang lakas. Dali-dali akong naglakad papasok sa reception area at hinanap si Amari.
"Loka, bakit ang tagal mo? Tumae ka noh?" natatawang tanong n'ya.
"Gaga, hindi." giit ko. Naupo ako sa tabi n'ya at ipinatong ang ulo ko sa balikat n'ya.
"Hey, ayos ka lang ba? What's wrong?" tanong n'ya. Napansin n'ya siguro ang panginginig nang kamay ko nang hawakan ko ang kamay n'ya.
"I'm fine. Penge na lang kiss." saad ko saka ngumuso sa harap n'ya. I don't want him to worry. Hangga't maaari ay ayokong malaman n'ya ang patungkol sa mga pagbabanta sa akin ni France. I will solve this problem on my own. Gusto ko mahalin lang ako ni Amari nang walang iniisip na ibang problema.
Ang selfish ko ba?"I love you." saad n'ya bago n'ya ako dampian nang halik sa labi.
"Excuse me. Ma'am, Sir, wine?" tanong sa amin ng waiter.
"Sure." sagot ni Amari.
Inabutan kami ng wine glass nang waiter na may laman nang alak.
"Amari," tawag ko sa kanya. Nang makainom mula sa basong hawak n'ya ay bumaling s'ya sa akin. "I love you too." saad ko na nagpalawak ng ngiti n'ya.
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...