"Amari, where have you been? Alam mo bang ilang araw kitang hinanap? Alalang-alala ako sa'yo." pahayag ni France nang makalapit ako sa kanya. Yinakap n'ya ako nang mahigpit pero hindi ko s'ya ginantihan ng yakap at nanatili lang na nakatayo sa harap n'ya. Bago n'ya pa man ako mahalikan sa labi ay umatras na ako palayo sa kanya.
Sa apat na araw na pagninilaynilay ko sa resort ay naisip kong hindi tama ang pagpupumilit kong mahalin s'ya. Hindi tamang gamitin ko s'ya para makalimutan ko ang nararamdaman kong pagmamahal para kay Yuna.I fell hard to a girl. Iyon ang na realized ko at hindi ko na kayang i-deny pa 'yon. I need to accept this feelings.
"France, I made up my mind. Ayoko nang gamitin ka pa. Ayokong pilitin ang sarili kong mahalin ka. This need to stop now. I'm sorry." pahayag ko na nagpaluha kay France. He became a great and loving boyfriend to me pero hindi ko kayang suklian ang ibinibigay n'yang pagmamahal kaya habang maaga pa ay dapat pakawalan ko na s'ya.
"Hindi ko pa rin pala magawang palitan si Yuna d'yan sa puso mo." pagak s'yang napatawa. He wiped his tears and smiled at me. "I'm not letting you go Amari. Gagawin ko ang lahat para makuha ang puso mo mula kay Yuna."
"I'm sorry but my decision is final." Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanya pero kaagad din akong napahinto nang yumakap s'ya mula sa likuran ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso n'ya sa bewang ko at muli s'yang hinarap.
"Let's be friend France. Iyon lang ang maio-offer ko sa'yo."
"No! I want more than that! Hindi ako papayag. Hindi ako papayag na mapunta ka sa iba." disididong pahayag n'ya.
His eyes gives me chills. May pagbabanta ito at natatakot akong na-trigger ko ang nakatagong kasamaan sa lalaking kaharap ko.
France will never hurt me.It was 5 years ago when we broke up at katulad nang hindi ko pagkalimot sa pagmamahal ko kay Yuna kahit malayo s'ya ay ganun din ang magmamahal ni France para sa akin.
This love triangle is exhausting.
Maybe it's really was may fault.
"France, put the gun down." madiing utos ko sa kanya. Hindi ko akalaing aabot ang obsesyon n'ya sa gan'tong sitwasyon. What the hell is he thinking?!
"Dinala ako ng pagmamahal ko sa'yo sa point na ito." Malumbay na pahayag n'ya. Ginawa n'yang pangkamot sa ulo ang bunganga ng revolver na hawak n'ya na mas lalong nagbigay kaba sa akin. Isang mabigat na paglunok ang ginawa ko. "This is all your fault Amari. Look closely. Ito ang resulta ng ginawa mo sa akin."
Itinapat n'ya ang bunganga ng revolver sa sintido n'ya saka n'ya kinalabit ang gatilyo.
"No!" sigaw ko.
Napaluhod ako dahil sa panghihina ng mga binti ko. Kahit hindi 'yon pumutok ay para akong aatakihin sa puso.
He scared the crap out of me!
"Are you scared Amari? Are you scared to lose me?" sunod-sunod n'yang tanong sa akin. His eyes are begging. Nangungusap ang mga mata n'yang sabihin ko ang gusto n'yang marinig mula sa akin.
"France!" sigaw ko. "P-Put the gun down. P-Please." pagmamakaawa ko.
"You still don't love me huh." Muli na naman s'yang umiyak sa harap ko. "Kung hindi mo kayang ibalik ang pagmamahal ko sa'yo...I'd rather die Amari."
Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa buong paligid ng kalabitin n'ya sa pangalang pagkakataon ang revolver na hawak n'ya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagtumba ni France sa harap ko. Bumulwak ang napakaraming dugo mula sa ulo n'ya dahil sa ginawa n'yang pagbaril sa sarili n'ya. Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa kamay kong nakatukod sa sahig nang maramdaman ang malapot na likidong nahawakan ko. Mula sa katawang kaharap ko ay umagos ng dugo papunta sa kinaroroonan ko.
"Kuya!" narinig kong tawag sa akin ni Ash pero hindi ko s'ya nilingon. Nakapako lang ang tingin ko kay France habang sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Nakita ko ang mga pulis at medic na lumapit sa katawan ni France at sinubukang i-revive s'ya pero huli na dahil wala na s'yang pulso.
This can't be happening!
H-He's dead. France is dead.'It's not my fault that I fell for you Amari. Nagmahal lang ako. Hindi ko rin kasalanan kung bakit nasaktan ang babaing mahal mo. Nagsimula ang lahat ng gulong 'to dahil sa'yo. Dahil pareho ka naming minahal. Ikaw ang dahilan kung bakit napahamak si Yuna.'
'This is all your fault Amari. Look closely. Ito ang resulta ng ginawa mo sa akin.'His words hunts me.
Tumatak sa akin ang mga sinabi ni France bago s'ya magpakamatay. Ayokong paniwalaan 'yon pero ramdam ko ang ibinigay nitong lamat sa pagkatao ko lalo na nang masaksihan ko ang pagkamatay n'ya.
Kung naging matapang sana ako noon na aminin at tanggapin ang nararamdaman ko kay Yuna ay hindi sana madadamay si France sa problema ko. Hindi sana lumalim ang pagmamahal n'ya sa akin kung noong una palang ay tinanggap ko na ang pagmamahal sa akin ni Yuna. Dahil sa mga mali kong desisyon ay nalagay silang dalawa sa panganib. His death and Yuna's accident was all my fault.
"She's awake and she's looking for you Amari." pahayag ni PJ nang pumasok s'ya sa kwarto na naging kulungan ko sa loob ng halos isang buwan. "Hindi mo kailangang magtago rito na parang kriminal dahil wala ka namang ginawang masama. Yuna needs you. Bumalik ka na." dugtong n'ya pa.
Masaya akong marinig na gising na si Yuna. Gustuhin ko man na bumalik at yakapin s'ya nang mahigpit ay may parte sa akin na nagsasabing mas magiging ligtas at masaya s'ya kung aalisin n'ya ako sa buhay n'ya.
F*ck! Kakayanin ko ba?
Nanatili akong nakaupo sa gilid ng kama ko at nakatanaw sa asul na karagatan na nasa labas ng hotel na kinaroroonan ko. Sa ngayon ay tanging si PJ palang ang nakakaalam nang kinalalagyan ko. Nakiusap ako sa kanyang huwag sabihin kahit kanino ang lokasyon ko at mukhang tinupad n'ya naman dahil wala pang sumusugod dito na kapamilya o kaibigan ko.
Ito rin ang naging takbuhan ko noong gulong-gulo ang isip ko dahil sa nararamdaman ko kay Yuna. I'm such a coward. Kahit noon pa ay panay pagtakbo lang ang alam kong gawin.
Yuna must be so disappointed to me right now. Nagising s'ya nang wala ako sa tabi n'ya.
She don't deserve a stupid gay like me.
"Aray!" reklamo ko ng may tumamang kung ano sa ulo ko. Sapatos. "Problema mo bading?!" asik ko kay PJ.
"Naririnig mo ba ang mga sinasabi ko? Jusko pong bakla ka! Nai-stress ako sa'yo." aniya nito saka lumapit sa akin at kinuha ang ibinato n'yang sapatos.Punyeta! Ang sakit. Leather pa naman ang sapatos n'ya.
"Leave me alone!" pagtataboy ko sa kanya. Nagsi-senti pa ako, istorbo ang p*ta!
Wala ako sa mood para makinig sa mga pangaral n'ya. I want to be alone and drown myself from my thoughts.
"Yuna's leaving next week. Babalik s'yang state para 'don ipagpatuloy ang pagpapagaling n'ya. She can't speak because her vocal cords was damaged." pahayag ni PJ na sandaling nagpatigil sa paghinga ko. "You have 3 days to finalize your life decision Amari. Kapag pinakawalan mo ulit si Yuna ay ewan ko na lang talaga kung may pag-asa ka pang balikan s'ya. Don't make the same mistake. What happened 5 years ago should be a lesson to you now."
Naiwan akong muli sa kwarto ng mag-isa. Marahas akong napasabunot sa buhok ko dahil sa panibagong alalahanin na gugulo sa utak kong sabog na sabog na.
"Yuna," wala sa sariling sambit ko sa pangalan n'ya.
Lumabas ako sa kwarto at nagpasyang pumunta sa dalampasigan. I need to clear out my mind. Hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin kay Yuna. This will be my final decision to make.
Should I let her go or should I stay with her?
Ito ang pinakamabigat na desisyong gagawin ko para kay Yuna. Sa nangyayari ngayong gulo sa isip at pagkatao ko ay mas nangingibabaw sa akin na isuko s'ya. Hindi dahil sa hindi matimbang ang pagmamahal ko sa kanya kundi dahil mahal na mahal ko s'ya. I love her so much to the point I'm ready to let her go. Even though she'll find happiness without me.
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...