27 - Yakuza Leader

4K 127 7
                                    

"I love her. No doubt with that pero bakit pakiramdam ko ay ang toxic na kaagad nang relasyon namin. Nagsisimula pa lang kami."

"Are you here for my help?"

"No. Nandito ako para may pagbuntungan ka ng frustration ko. Gusto kitang suntukin." sagot ko kay PJ na ikinatawa n'ya lang. Lumapit sa akin si Yuna the dog habang kagat ang paborito n'yan laruan. I smiled.

"Throw it. She wants to play catch with you." So i did.

Isang araw palang kaming hindi nagkikita at nagkakausap ni Yuna pero pakiramdam ko ay umabot na naman kami ng taon nang walang komunikasyon. Heto ang magiging pakiramdam ko araw-araw kapag LDR kami. I want to kiss and hold her. Hindi ko na makakayang mahiwalay pa sa kanya at kung kabaliktaran nun ang nararamdaman n'ya...are we even meant for each other?

"Fine, I'm here for your help. Na-realize ko noong umalis si Yuna na tama ang mga sinabi kaya nga sisingsisi ako sa loob ng limang taon na pinakawalan ko s'ya." pag-amin ko.

"Wow. Hindi ko akaing magiging love advisor mo ako."

"Tss."

"So you told me she's still planning to go back to the state and she want you to go with her. Hmm. Okay. So what's stopping you?"

"My life here, my family, my friends and my work." sagot ko habang hinihimas ang ulo ni Yuna the dog na nakapatong ang ulo sa hita ko.

"But you love her you said."

"Yes. Wala ngang duda roon. Papakasalan ko s'ya sa kahit saang simbahan at bibigyan ng madaming anak kung 'yon ang gusto n'ya."

"Then go with her. Sumama ka sa kanya sa state at bumuo kayo nang masaya at malaking pamilya. You need to give and take. Hindi lahat nang oras ay isa lang sa inyo ang gagalaw para sa relasyong gusto n'yong mag-work. She already sacrifice her happiness and love for you. Nagpaubaya s'ya para maging masaya ka. She've done to much. Sa pinagdaanan n'ya sa loob ng limang taon ay himala nang may pagmamahal pa rin s'ya sa'yo."

My guilt crawled all over my veins. Bakit palaging sapol sa konsensya ko ang mga sinasabi ng bading na 'to.

"Kilala ko si Yuna, hindi s'ya madaling sumuko. Kung hindi ka siguro n'ya nakilala ay baka sa akin pa rin s'ya patay na patay hanggang ngayon." dugtong pa nito.

Sinamaan ko ng tingin si PJ. Matagal na akong nagtitimpi na 'wag basagin ang pagmumukha n'ya dahil may pakinabang pa s'ya sa akin ngayon.

Parehong nabaling ang tingin namin ni PJ sa pinto nang opisina n'ya nang bumukas 'yon at iniluwa si Dra. Georgina.

"Ayan na pala si doktora. Bakit hindi ka sa kanya humingi ng advice. Magaling 'yan sa mag-advice pagdating sa lovelife ng iba."

"Sabi ko na nga ba, nag-away kayo ni Yuna noh? Kaya pala mukhang depress na depress s'ya kanina pag-alis ko." pahayag ni dra. Georgina saka naupo sa kakaharap kong upuan. "Tell me, anong pinag-awayan n'yong dalawa? Ayaw kasing mag-share sa akin ni Yuna kaya ikaw na lang muna ang tatanungin ko." dagdag n'ya.

Marites lang ang peg.

"Nalaman kong may plano pa pala s'yang umalis. Kung hindi ko pa aksidenting narinig 'yon habang may kausap s'ya sa phone ay baka hanggang ngayon ay wala pa rin akong kaalam-alam na balak n'yang bumalik sa state."

"Okay. Nagalit ka dahil hindi n'ya kaagad sinabi sa'yo na babalik s'ya sa state pero ano ba talaga ang totoong ikinagagalit mo? Bukod 'don ay pakiramdam ko ay may iba ka pang dahilan."

Sandali akong natahimik dahil sa naging tanong ni doktora. Wala talaga akong lusot sa katulad n'yang psychiatrist.

"She didn't came back for me. Kasal n'yo lang ang dahilan n'ya kung bakit s'ya bumalik ulit rito. I'm not her priority. Nakakainis lang na malaman na wala talaga s'yang balak na magpakita sa akin kung hindi pa kami aksidenting nagkita sa bahay nina Jenno."

My Trophy Gay | Pechay Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon