"Mareng Yunaaaa! Si Amariiiii!" sigaw ni Beatrice mula sa kabilang linya. Mabilis na napabalikwas si Yuna sa pagkakahiga ng marinig ang pagpa-panic ng kaibigan. Hindi pa nasasabi ni Beatrice ang dahilan ng pagtawag nito ay sinimulan na s'yang kabahan. Sa tono kasi ng pananalita ng kaibigan at pagbanggit nito sa pangalan ni Amari ay rumihistro kaagad sa isip n'yang may nangyaring masama sa lalaki kaya sinong hindi matataranta at kakabahan.
"A-Anong nangyari kay Amari?"
"Pumunta ka na lang dito sa apartment. Faster mih!" sagot sa kanya ni Beatrice. "Mih, ingat sa byahe. 'Wag mataranta." pahabol nito bago tuluyang putulin ang tawag.
Hindi na nagsayang ng oras si Yuna at dali-daling tinungo ang apartment ng kaibigan. Kahit hindi pa s'ya tapos mag-emote dahil sa nangyaring ayaw sa pagitan nila ni Amari ay ipinagsantabi n'ya na muna ito. Sa ngayon ay gusto n'ya munang masiguradong ligtas ang lalaki.
"Kawawa naman 'yong pinto ko." saad ni Bea nang pagbuksan n'ya ang bisita na halos gibain ata ang pinto ng aparment n'ya.
"Where is he?" pambungad na tanong ni Yuna saka s'ya dali-daling pumasok sa loob at hinanap ang bading na pakay n'ya.
"Chill mih. Ayon s'ya oh. Lasing lang."
Humarap ang dalaga sa kausap na bading at sinamaan ito nang tingin. Sa sobrang pagmamadali n'ya ay magkaibang pares pa ng tsinelas ang naisuot n'ya. Hindi n'ya na rin hinintay ang sukli sa sinakyang taxi dahil sa sobrang pagkatranta tapos malalaman n'yang lasing lang pala ang bading na ilang araw na n'yang pinagtatampuhan.
"Yuna,"
Nabaling ang tingin n'ya kay Amari ng marinig ang pagtawang nito sa pangalan n'ya. Para bang may humaplos na anghel sa dibdib n'ya pero hindi maipagkakailang gusto n'ya itong batukan nang malakas dahil sa paglalasing nito.
"He keeps calling you. Hindi kami makatulog dahil sinisigaw n'ya minsan ang pangalan mo. Kung hindi ka siguro dumating ay baka sinaksakan ko na ng bote ang bunganga ni bakla." pahayag ni Beatrice.
Lumapit ang dalaga sa kinauupuang single sofa ni Amari at inalis mula sa kamay nito ang bote ng beer na hawak-hawak pa nito.
"I'm here." masuyong saad n'ya. Inabot ng binata ang mukha n'ya at hinaplos 'yon na nagbigay ng bulta-bulataheng kuryente sa dalaga. Aaminin n'ya, kahit nagtatampo s'ya sa binata ay miss na miss n'ya na ito. Dalawang araw na rin kasi silang hindi nag-kakausap simula ng magkaroon sila ng alitan na dalawa.
"Ikaw na ang bahala sa kanya Yuna." pahayag ni Beatrice bago pumasok ng kwarto.
"Bakit ka ba naglalasing?" tanong ni Yuna habang pinagmamasdan ang mukha ng binata.
"I love you." mapupungay ang mga matang sambit ni Amari sa kanya nang hindi sinasagot ang taong n'ya.
"I-I love you too." utal na sagot ng dalaga saka s'ya umiwas ng tingin sa binata. Naag-aalala s'yang hindi n'ya mapigilan ang sarili at sunggaban ito ng halik. She missed him. Sa sobrang pagka-miss n'ya sa binata ay baka makalimutan n'ya ang inis n'ya rito.
"You really hate me." pagak na napangiti si Amari dahil sa naging reaksyon ni Yuna. Para bang napilitan lang ang dalaga na sagutin s'ya.
"Hindi. 'Wag mong iisipin 'yon. Kaya nga binigay ko ang sarili ko sa'yo dahil mahal kita at may tiwala ako sa'yo." depensa n'ya. Naupo s'ya sa hita ni Amari saka n'ya hinalikan ang labi ng lalaki. Kaagad naman s'yang tinugunan ng halik ng binata at hinapit ang katawan n'ya dahilan para magkadikit ang katawan nilang dalawa.
"Atticus, what am I doin--Ahhh." Humalinghing s'ya nang hawakan ng binata ang kanyang kaliwa dibdib at paglaruan 'yon habang abala na ang labi nito sa kanyang leeg. Nang magtama muli ang kanilang labi ay doon na mas lalong nanabik ang dalawa sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...