16 - Friends. Period

3.4K 136 28
                                    

Hindi ko mapigilang sulyap-sulyapan si Yuna habang kumakain kami. Nakikipagtawanan, kwentuhan at asaran s'ya kina mama pero bakit hindi ko maiwasang mag-alala sa ipinapakita n'yang kasiyahan ngayon.

"Stop staring at her. Para kang manyakis." sita sa akin ni Ash kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Walangyang shopatembang ko 'to. Sa ganda kong ito ay pagkakamalan n'ya akong manyakis? "Sinaktan mo noh?" tanong n'ya.

"G*go."

"Kaya ba malungkot s'ya ngayon dahil binasted mo na?"

"Malungkot ba 'yan?" pabulong na tanong ko kay Ash.

"Yan ang hirap sa'yo. Kung ano ang nakikita ng mga mata mo ay 'yon ang pinaniniwalaan mo. Tss. I warned her. Hindi s'ya nakinig sa akin."

"What do you mean?"

"Sinabi ko lang naman na tumigil na s'ya sa kabaliwan n'ya sa'yo dahil masasaktan lang s'ya. Look at her now. Deep inside she's hurting. Hindi mo nakikita dahil manhid ka." pahayag ni Ash.

Ibinalik kong muli ang atensyon ko kay Yuna at nang magtama ang mga mata naming dalawa ay mabilis s'yang umiwas ng tingin sa akin.

"Yuna, Amari, anong plano n'yo after graduation?" tanong ni mama habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa amin ni Yuna. "May plano na ba kayong bigyan kami ng apo."

Wtf?!

Naibuga ko ang kinakain ko sa mukha ni Ash samantalang ubo naman nang ubo si Yuna habang tumatawa ang kuya n'yang hinihimas ang likuran n'ya.

"Mama naman!" sita ko kay mama.

"Hindi ko makakalimutan ang sinabi noon sa akin ni Yuna. Sige, kung ayaw n'yo pang magkaanak ay magpakasal na lang kayong dalawa para maging daughter-in-law ko na 'tong si Yuna."

"Mama!"

"A-Ang talas ng memorya mo tita." saad ni Yuna matapos makainom ng tubig.

"Syempre naman. Kahit binabae 'tong anak ko ay umaasa pa rin akong mabibigyan n'ya ako ng apo o manugang."

Napailing na lang ako dahil sa mga lumalabas sa bibig ni mama. Ako itong nahihiya sa mga pinagsasabi n'ya. Apo? Manugang? Akala ko ba tanggap n'ya ang pagiging bading ko? Bakit ngayon ay kung makapag-request s'ya parang ang dali-dali lang nang hinihingi n'ya.

***

"Kuya, nakita mo ba si Yuna?"

"She's in her room. Sabi n'ya ay inaantok na raw s'ya. Himala nga, 8pm palang." pahayag ni Uno saka n'ya ipinatong ang kamay n'ya sa balikat ko. "Go check on her. You have my blessing." Mapaglaro ang ngiti n'ya sa labi at alam ko na kung bakit.

"Hindi kami gagawa ng baby."

"Twins will be great."

Napangiwi ako sa pahabol na sinabi ni Uno pero hindi ko na s'ya nilingon at dire-diretso nang nagtungo sa kwarto ni Yuna. Nang kumatok ako sa pinto ng kwarto ay kaagad n'ya naman akong pinagbuksan pero hindi n'ya ako pinatuloy. Nanatili s'yang nakatayo sa may pinto habang nakasilip sa kaunting awang nito.

"Can I come in?"

"Hmm. A-Ano kasi, m-matutulog na ako."

Katulad ng kung paano n'ya ipakita sa akin ang totoo n'yang emosyon at nararamdaman ay ganun din kahalata ang ginagawa n'yang pagsisinungaling ngayon sa harap ko. This girl don't how to hide her emotions.

'Tss. Pero kanina ay halos maniwala kang okay lang s'ya.' - Pagsingit ng konsensya ko.

Ako na mismo ang tumulak sa pinto, sapat na para makapasok ako sa loob ng kwarto n'ya.

My Trophy Gay | Pechay Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon