01 - Hulog

7K 177 48
                                    

YUNA

Should love be reciprocated? Dapat ba kapag nagmahal ka ay dapat din ibalik ng taong 'yon ang ibinuhos mong pagmamahal sa kanya?

Hindi obligasyon o exchange gift ang pagmamahal na kapag ibinigay mo ay kailangang may makukuha kang kapalit. Love is freely given, with no expectations of return.

After all, loving someone comes without a warning, it's up to you kung itutuloy mo pa o ititigil mo na. Kapag pinili mong ibuhos 'yon sa taong mahal mo ay dapat handa ka rin sa magiging resulta nito. He will break you or build you.

At sa naging resulta nang pagmamahal ko kay Atticus, masasabi kong the love and pain is worth it.

Why?

I learned.

***

Here's the recap of how I pursued a gay.

Lets start in my freshman year. Ang panahon kung kelan ko nakilala ang twittiepie ko.

PAST
(Years Earlier)

"Anong ginawa mo? Bakit mo binura?! Ang bobo mo talaga kahit kelan!" bulyaw sa akin ni Ara saka n'ya ako marahas na itinulak palayo sa laptop n'ya. Tumama ako sa white board pero hindi na ako nagreklamo dahil sa takot na baka mas lalo pa s'yang magalit.

"H-Hindi ko sinasadya." Mangiyak-ngiyak ako habang pinapanood s'yang i-retrieve ang folder na aksidente kong na-delete... permanently.

May presentation kami ngayon sa Humanity at habang inaayos ko kanina ang PowerPoint na pinagpuyatan namin gawin ay 'yon na nga ang nangyari. Bigla din kasing nag-hung ang laptop n'ya kaya nangyari 'yon.

"Tatanga-tanga kasi." narinig kong bulong ni Melissa, ka-groupmate ko.

"Maganda lang pero wala namang utak." segunda naman ng isa na mukhang doll. Voodoo doll nga lang.

Sana hindi na lang sila bumulong. Rinig na rinig ko kasi ang mga nakaka-hurt nilang mga sinasabi.  Pwede naman silang makipag-face to face sa akin. Kahit sabihin nila 'yon sa akin ng harapan ay ngingiti pa rin ako sa kanila. Magaling akong makipag-plastikan sa mga mukhang trash can.

Alam kong hindi ako ganun katalino at fast learner katulad nila pero hindi naman ako bobo para hindi makaabot sa new chapter ng buhay ko, ang college life. Kung bobo ako edi sana hindi ako nakapasa sa entrance exam. Wala naman connect 'yong nagawa kong aksidente sa sinasabi nilang pagiging tanga ko raw.

Aksidente nga diba?!

Gusto kong maging vocal at depensahan ang sarili ko pero natatakot ako. Haist! Kelan ko kaya magagawang ilabas ang saloobin ko? Sa huli ay sarili ko na naman ang kakampi at kausap ko. Me, myself and I. Wakanda forever!

Napaatras ako nang biglang humarap sa akin si Ara at galit na galit. Kitang-kita ko pati buhok sa loob ng ilong n'ya dahil sa paglaki ng butas nun. Para bang gusto n'ya akong wrestling-in pero pinipigilan n'ya lang.

Muli akong napaatras nang itulak n'ya ang balikat ko. Sa payat at liit ko ay kulang na lang ay matumba ako pero nagawa ko pa ring i-balance ang sarili ko. Iyon lang ata ang talent ko, balancing.

"Dapat hindi ka na lang namin sinali sa group! Wala ka na ngang ambag, tatanga-tanga ka pa!" sigaw ni Ara.

Hala! Wala daw ambag! Ako nga itong nagbabayad ng pagkain nila kapag sa labas kami gumagawa ng report. Pati 'yong 5 pesos na pang cr nila sa akin pa nila kinukuha. Mema talaga 'to.

My Trophy Gay | Pechay Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon