Sophomore Year. Para sa akin ay panibagong simula sa buhay ko ang taon na ito. Hindi ko 'yon nagawa noong freshman kaya ngayon ako bumabawi. I become more confident of myself and started to meet new people.
Gimikera? Yes, I was living my life. Masyadong maikli ang buhay para magmukmok at magkulong sa loob ng bahay. But I have my limitations. Alam ko kung kelan ako titigil. Ayokong pagsisihan sa huli ang mga ginawa ko kaya binigyan ko pa rin ng limitasyon ang sarili kong mag-enjoy at respetuhin ang buhay ko. Life balance.
Kung noon ay hindi ako makabasag pinggang sa harap ng mga kaklase ko at hindi ko nailalabas ang mga saloobin ko, ngayon ay ibahin n'yo na. Mas dumami ang mga naging kaibigan. Mas dumami ang mga taong nangailangan ng tulong ko pero iisa lang ang nanatiling totoo. Freida, she's my bestfirend. Kung nagagawa ng ibang plastikin at pakisamahan ako dahil lang kailangan nila ako ay ibahin n'yo si Freida. Walang filter ang bibig ng babaing 'yon and that's what I liked about her. Nakakasakit ang talas ng bibig n'ya para sa kanila but not for me.
Kung nagawa kong maka-attract ng mga bagong kaibigan ay hindi rin syempre maiiwasan magkaroon ako ng kaaway. Well, wala akong pakiaalam sa kanila. Ang totoo n'yan ay pareho kami ni Freida na may group of haters pero snob lang kami. Ang papangit nila para pag-aksayahan pa namin sila ng oras.
How about Amari? Amari and I become more distant pero kahit ganun ay wala pa rin pinagbago sa nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko pa rin s'ya. Kyahhh! Nagagawa ko naman s'yang solohin kapag pumupunta s'ya ng bahay 'e pero kapag may occassion or family dinner nga lang.
Sa ngayon ay sapat na sa akin na nakikita ko s'ya sa malayuan at pinagpapantasyahan. Hanggang doon muna tayo mga tol. He has his own group of friends at syempre meron din ako. Kahit hindi ko madalas nakakasama si Freida dahil busy s'ya sa mga parttime job n'ya ay may nakakasama naman ako kahit papaano.
Diba nga may plastic friends ako.
"Look. Regalo sa akin ni mommy nang umuwi s'yang galing Germany." Inilahad ni Mayumi ang kamay n'ya at ipinakita ang relong suot n'ya.
"Parang katulad 'yan ng regalo sa akin ng ate ko noong sweet sixteen ko. Twinnie sana tayo kung hindi ko 'yon nawala ng mag-outing kami." pahayag naman ni Annika. "Ikaw, Yuna. Nakauwi na ba daddy mo sa business trip niya? Anong pasalubong n'ya sa'yo?"
"My dad's not home yet." sagot ko habang sinisipsip ang natunaw na yelo sa coke float ko.
"Still now? Hindi ba't halos isang taon nang hindi umuuwi ang dad mo sabi mo?" tanong ng isa pa naming kasama na si Zoe.
"Y-Yup. Busy lang talaga s'ya sa company." depensa ko na nagpataas ng kilay ni Mayumi.
"Naku. Baka may ibang babae na tatay mo. Hahaha." Alam kong binibiro lang ako ni Mayumi pero hindi ko mapigilang mainis sa kanya. Gusto kong kumuha ng lupa at isalpak 'yon sa bunganga n'ya.
"Hala oo nga. Tapos binahay na pala ng tatay mo 'yong babae n'ya." segunda naman ni Zoe habang abala sa pagkulot kay Annika.
"Shut up! Kung wala kayong sasabihing maganda ay pwede bang itikom n'yo 'yang mga bibig n'yo!" sigaw ko dahilan para matigilan sila. Umiwas ng tingin sa akin si Annika at Mayumi samantalang tinaasan naman ako ng kilay ni Zoe.
B*tches!
"Woah! What's happening girls?" tanong ni Samuel na kakarating lang kasama si Arlo.
Hindi ko pinansin ang tanong n'ya at mabilis na naglakad palayo sa kanila. I-dialed Freida dahil sa ngayon ay s'ya lang ang taong napaglalabasan ko nang sama ng loob ko.
She's not answering her phone.
May dalawang subject pa akong natitira ngayong hapon pero nagpasya akong 'wag na lang pumasok dahil sa sama ng loob ko.
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romansa/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...