AMARI
"Amari, hijo." Iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakapatong nito sa gilid ng kama ni Yuna at ibinaling ang tingin kay tita Marie. "Umuwi ka na muna at magpahinga. Apat na araw ka nang nandito at nakabantay sa anak ko. Kailangan mo ng sapat na pahinga at tulog anak."
"I'm fine tita. Gusto ko pong bantayan si Yuna." tipid ang ngiting pahayag ko.
"No. Umuwi ka na Amari. Ako naman ang bahala sa kanya. Tatawagan kita kaagad kapag nagising s'ya. Hindi kakayanin ng anak ko kapag pag-gising n'ya ay ikaw naman itong may sakit at nasa hospital. Take care of yourself, not just for us but for Yuna." pakiusap ni tita habang nakahawak sa balikat.
"O-Okay po." pagsuko ko.
Sa apat na araw ko rito sa hospital ay hindi ko nagawang umuwi ng bahay at maligo. Hangga't maaari kasi ay ayokong umalis sa tabi ni Yuna. Gusto kong paggising n'ya ay nandito ako at hindi nakabitaw sa kamay n'ya. Kahit wala na sa panganib ang lagay n'ya ay hindi ko pa rin mapigilang mag-alala.
Paano kung may pumasok rito sa kwarto n'ya at pagbantaan ulit ang buhay n'ya?
Humarap ako kay Yuna at hinalikan ang likod ng kamay n'ya na hawak ko. Kitang-kita ko ang pangingitim ng gilid ng mga kuko n'ya at mga namumuong pasa sa kanyang braso. Hindi ko mapigilang masaktan para sa kanya. She don't deserve this. Bakit kailangang umabot sa ganito?
"I'll comeback. I promise." Hinalikan ko s'ya sa noo bago tuluyang lumabas ng kwarto n'ya.
Habang naglalakad palabas ng hospital ay doon ko lang naramdaman ang bigat ng mga pilikmata ko at pangangalay ng balikat ko. I'm tired. Wala akong maayos na tulog simula nang ma-confine si Yuna sa hospital.
Kinuha ko sa bulsa ang phone ko at tinawagan si kuya Uno. Gusto kong makibalita sa kung ano ang nangyayari sa kaso ng waiter na naglagay ng lason sa inumin ni Yuna. Gusto kong pumunta sa prisinto at patayin ang hayop na 'yon pero pinipigilan ako nina kuya Uno at tita na makipagkita rito. Siguro ay alam nilang maaari kong gawin sa demonyong 'yon.
"He keeps on denying it." pahayag ni kuya Uno sa kabilang linya. Hanggang ngayon kasi ay ini-interrogate pa rin ang tarantadong waiter na 'yon. Hindi s'ya umaaamin sa krimen na ginawa n'ya. We still don't know his motive dahil hindi naman namin s'ya kilala.
"That f*cker!" asik ko.
"I'll get back to you Amari. I will talk to him again." pahayag ni Uno bago ibaba ang tawag.
Pagdating ko sa kotse at isinandal ko muna sa manibela ang ulo ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na naman ang pagkawala ng luha ko habang iniisip ang lagay ngayon ni Yuna. Kung pwede lang akong makipagpalit ng pwesto sa kanya ay gagawin ko huwag ko lang s'yang nakikitang nahihirapan.
***
"Anak," tawag sa akin ni mama pagpasok ko sa bahay. "Kamusta ang lagay ni Yuna?""Hindi pa rin s'ya gumigising ma." sagot ko. "Magpapahinga lang po muna ako." walang kabuhay-buhay kong paaalam bago maglakad papasok sa kwarto ko. Nang ibagsak ko ang katawan ko sa kama ko ay doon na ako mabilis na tinangay nang matinding antok.
"Sumasakit ang ulo ko sa kanya." pahayag ko habang hinihilot ang sintido ko.
"Infairness, atapang a merlat na magnet mo baks." natatawang pahayag ni Beatrice.
Simula nang mag-confess si Yuna ng feelings n'ya sa akin sa maraming tao ay lagi na kaming inaasar ng mga estudyanteng nakakakita sa amin kaya naman iwas to max ako sa kanya sa tuwing nakikita ko s'ya. Bukod sa gusto ko s'yang kalbuhin ay gusto ko ring kurutin ang singit n'ya dahil sa pagiging maharot n'ya.
Juskoday! Stress ang bangs ko dahil sa kanya!
"Hoy baks! 'San punta mo?" tanong ni Jenno nang tumayo ako mula sa bench na kinauupuan namin.
"I'm going home. Baka makita ko na naman ang lukaret na 'yon. Balitaan n'yo na lang ako kung makukulayan na ang drawing nating outing. Happy summer mga bading! Babosh!" paalam ko sa dalawa.
Sa wakas! Summer na! Hindi ko na makikita ang haliparot na pechay na 'yon. That's what I thought.
"Amari, anak! Put your belongings to your room na para mabawasan ang mga kalat dito sa labas." utos ni mama.
Kakalipat lang namin sa bago naming bahay kaya naman nagkalat sa loob ang mga naka-box pa naming mga gamit. May ibinababa pang malalaking gamit sa canter kaya naman padagdag pa nang padag ang tambak sa labas ng bahay at sa sala.
Lumabas ako sa bahay at naabutan ko si mama na may kausap na babaing mukhang kaedaran n'ya lang din.
"Marie, anak ko nga pala si Amari." pakilala sa akin ni mama.
"How old are you hijo? Para kasing kaedaran mo lang ang Maxime ko."
"19 po." sagot ko.
"Tama nga ako. You should meet my daugther. Sigurado akong magkakasundo kayo ng dalaga ko." pahayag n'ya. "Athena, let's have a dinner at my house tomorrow. What do you think?"
"Sure."
"Amari, punta sa bahay bukas ah. Ipapakilala kita sa anak ko." Baling sa akin ni tita Marie kaya napatango na lang ako.
The next day.
"A-Amari?"
"I-Ikaw si M-Maxime?" Hindi makapaniwalang usal ko nang makita ang babaing kinaiinisan at iniiwasan ko. Kung alam ko lang na iisang tao lang si Maxime at Yuna ay gumawa sana ako nang dahilan para hindi nag-cross ang landas naming dalawa nang araw na 'yon.
Ayaw na ayaw ko sa kanya. Walang duda pero unti-unti 'yong nagbago nang naging madalas ang pagkikita namin dalawa, nang makilala ko s'ya ng husto. From being my headache and my friend she became my everything.She's my life now.
Naupo ako sa gilid ng kama nang magising ako. Kahit halos walong oras ang naging tulog ko ay ramdam ko pa rin ang bigat ng ulo at katawan ko. Kinuha ko sa bulsa ang singsing na dapat sana ay ibibigay ko kay Yuna. Plano ko nang mag-propose sa kanya nang gabing 'yon kung hindi lang nangyari ang masalimuot na pangyayaring naglagay sa kanya sa kapahamakan.
Mabilis na nabaling ang atensyon ko sa phone nang mag-vibrate ito sa tabi ko.
France is calling. Wala akong oras na makipag-usap sa kanya ngayon. Pinabayaan ko ang paulit-ulit n'yang pagtawag sa akin. Kukunin ko na sana ang phone ko na nakapatong sa bedside table nang mahulog mula sa kamay ko ang singsing na hawak ko. Gumulong 'yon sa ilalim ng kama ko kaya kaagad ko 'yong hinanap pero imbis na singsing ang makita ko ay isang box ang napansin ko. Nakuha nito ang atensyon ko dahil hindi ito pamilyar sa akin.
"What the hell." madiing usal ko nang makita ang laman nito. Hindi ko mapigilan ang pagragasa nang matinding galit sa dibdib ko. Napakuyom ako ng kamao nang pumasok sa isip ko ang taong maaaring nagpadala nito.
Si France. That psycho!
I want to torture him to death. Hindi ko mapapalampas ang ginawa n'yang 'to kay Yuna. He almost killed her!
"Kuya," tawag sa akin ni Ash pero hindi ko s'ya pinansin at dire-diretsong lumabas ng bahay.
Una kong pinuntahan si Yuna sa hospital. She's always been my priority now. Isinuot ko sa daliri n'ya ang singsing bago muling umalis para harapin at pagbayarin ang taong gumawa nito sa kanya. Hindi ko na magagawa pang maghintay at umupo na lang. Akala n'ya siguro ay makakaligtas s'ya dahil may ibang tao nang nakakulong para sa kanya. I won't let him excape. Kailangan n'yang pagbayaran ang ginawa n'ya kay Yuna.
Tatawagan ko na sana si France nang s'ya na mismo ang tuwag sa akin.
"Amari, narinig ko ang nangyari kay Yuna. How's her condition?" tanong nito na mas lalong nagpasiklab ng galit ko para sa kanya.
"Where are you? I want to talk to you." kalmado kong tanong sa kanya.
"I'm in my apartment. I'll wait for you. I miss you Amari."
Hindi ko na s'ya sinagot at dali-daling nagtungo sa apartment n'ya. Nang pagbuksan n'ya ako ng pinto ay isang malakas na suntok ang pinakawalan ko na unang bumungad sa kanya. Napaatras s'ya dahil sa ginawa ko habang hawak ang panga n'yang tinamaan ko.
"Kulang pa 'yan sa ginawa mo kay Yuna! Hayop ka!" nanggagalaiti kong sigaw kay France. Muli akong lumapit sa kanya at marahas na hinablot ang kwelyo n'ya. Isang suntok ulit ang pinakawalan ko and this time mas may pwersa 'yon. Natumba s'ya sa harap ko bago gumapang papalapit sa akin at kumapit sa binti ko.
"Please don't get mad. P-Please. I love y-you." hagulgol n'ya na nagpatiim ng bagang ko.
"Kung mahal mo ako ay dapat hindi mo ako sinasaktan ng ganito! Paano mo nagawa 'yon France?! Sinong demonyo ang sumapi sa'yo para gawin ang bagay na 'yon?!" I couldn't contain my anger. Gusto ko pa s'ya saktan ng paulit-ulit, so I pulled his hair and kicked him.
"I-I love you A-Amari." Wala pa rin s'yang tigil sa paghagulgol habang nakayakap sa binti ko. Kahit anong pilit kong ilayo s'ya sa akin ay mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa binti ko.
"I treated you as my friend France pero dahil sa ginawa mo sa babaing mahal ko ay pagkamunghi ang nararamdaman ko ngayon sa'yo! I want to kill you right now. Hindi ko na masisikmura pang tingnan ang pagmumukha mo ngayong ginawa mo ang isang bagay na nagpapabigat sa dibdib ko ngayon." asik ko na nagpatahimik sa kanya.
Dahan-dahan s'yang tumayo at naglakad palayo sa akin. Walang bakas ng kahit anong emosyon ang mukha n'ya na nagpakunot ng noo ko. Lumapit s'ya sa isang cabinet at mula roon ay inilabas n'ya ang isang revolver na nagbigay kaba at takot sa akin.
"It's not my fault that I fell for you Amari. Nagmahal lang ako. Hindi ko rin kasalanan kung bakit nasaktan ang babaing mahal mo. Nagsimula ang lahat ng gulong 'to dahil sa'yo. Dahil pareho ka naming minahal. Ikaw ang dahilan kung bakit napahamak si Yuna." Humarap sa akin si France at itinutok ang baril n'yang hawak sa akin.
This scumbag!
***
So ito na nga, hahahaha 2 chapter + FINALE na lang pala ang natitira ng My Trophy Gay.
(ꈍᴗꈍ)
👉👈
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...