When you love someone, you'll do dumb and wise things just to protect them. Kahit pa gawin mong bulletproof vest ang katawan mo para sa taong 'yon ay gagawin mo nang walang pag-aalinlangan. You'll fight and stand against the bullets and arrows. Tataya ka sa taong 'yon kahit pa ikaw ang unang masasaktan. Tataya ka kahit walang kasiguraduhang ibabalik n'ya ang sakripisyong ibinigay mo even though you didn't asked for return.
***
Good mood ako hanggang sa matapos ang huli kong klase. Sinong hindi matutuwa kung mabigyan mo ng kiss mark ang lalaking mahal mo? Para ka na rin naka 3-points-shoot kahit hindi ka marunong sa basketball. Sa tuwing naaalala ko ang ginawa kong kalandian kanina ay parang gusto kong mangisay at mag-twek sa kinatatayuan ko. Kung makapal lang talaga ang mukha ko ay baka nagawa ko na.
Habang inaayos ang mga gamit ko ay lumapit sa pwesto ko sina Samuel at Arlon.
"Hindi mo dapat ginawa 'yon Yuna." pahayag ni Arlon na nagpataas ng kilay ko.
Kung ang ginawa kong paghampas ng tray sa kaibigan nila ang iniiyak nila ay baka hindi rin ako magdal'wang isip na gawin 'yon sa kanila.
"Tama s'ya. Dapat ay naglakad ka na lang palayo kung hindi mo nagustuhan ang ginawa ni Zion." segunda ni Samuel.
Mabilis kong isinukbit ang bag sa balikat ko saka nagsimulang maglakad palayo sa kanila.
"Yuna, kilala namin ni Zion. Sinto-sinto ang utak nun. Hindi ikaw ang pupuntiryahin n'ya para saktan ka kundi ibang tao." paliwanag ni Samuel kaya muli akong napalingon sa gawi nila.
"W-What do you mean?"
"Nakita ka n'ya kanina, kayo ni Amari. Malakas ang hinala namin na si Amari ang pagbubuntungan n'ya ng galit imbes na ikaw." sagot si Arlon. Kaagad na timabol ng kaba ang dibdib ko dahil sa sinabi nito.
"Sabihin n'ya sa kaibigan n'yo na kapag may ginawa s'yang masama kay Amari ay ako mismo ang makakalaban n'ya."
Dali-dali akong lumabas ng silid at hinanap sa phone ko ang schedule ni Amari. May 6:30pm class pa s'ya na natitira kaya kaagad kong tinungo ang room n'ya. Isang oras ang subject na 'yon kaya nag-antay na lang ako sa labas. Kung totoo nga ang sinasabi nina Samuel at Arlon ay mas makakabuting bantayan ko si Amari. Ayokong ako ang maging dahilan para mapahamak ang taong mahal ko. Makakapatay ako ng tao kapag nangyari 'yon.
"Baks! 'Yong manliligaw mo nandito!" Narinig kong sigaw ni Beatrice. Nang magsalubong ang mga mata namin ni Amari ay kaagad s'yang bumasangot.
Ayy. Wala pa ring pinagbago sa reaksyon n'ya kapag nakikita ako. Akala ko pa naman may improvement na since nakagat ko na s'ya. I was wrong!
"Amariii!" sigaw ko habang kumakaway sa kanya suot ang malawak na ngiti sa labi ko.
"Una na kami bading! Byieeee!" paalam ni Jelly at Beatrice kay Amari. Kumaway rin sa akin ang dalawa kaya naman kinawayan ko rin sila.
"Anong ginagawa mo rito?" mataray na tanong sa akin ni Amari.
"Ihahatid kita syempre."
"Tss. Ako lang may kotse sa ating dalawa tanga! Ending ako rin maghahatid sa'yo."
"Oo nga pala. Hahaha!"
Sumunod ako kay Amari nang magsimula na s'yang maglakad palabas ng building. Nang makita ang madilim ng paligid ay mas lalo akong hindi napakali. Palinga-linga ako para i-check kung nasa tabi-tabi si Zion at nakamasid sa amin.
Ang lintik na 'yon! Siguraduhin n'ya lang na hindi ko s'ya mahuhuli dahil tatanggalin ko isa-isa ang ngipin n'ya gamit ang plies. Pangarap ko pa naman noon na maging dentist kaya hindi ako magaatubiling s'ya ang gawing first client ko.
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...