YUNA
"Sure na ba 'yan? Wala na talagang atrasan?" tanong sa akin ni Freida. Nabanggit ko na kasi sa kanya ang plano naming pag-alis ni Amari papuntang state after ang kasal nina kuya.
"Oo. 'Wag kang malungkot, magkakausap pa naman tayo kahit nasa malayo kami." paninigurado ko sa kanya.
Napabuntonghininga s'ya bago muling ibalik sa airfryer ang tingin n'ya. Nasa mall kami ngayong dalawa habang naghahanap ng wedding gift para kay kuya at ate Georgina. Sa makalawa na kasi ang wedding nang dalawa.
"Masaya ako para sa inyo ni Amari pero iba pa rin kasi kapag nandito kayo, 'yong buo ang buong barkada."
"I know."
Kahit ako ay nalulungkot din sa tuwing iniisip na may pamilya at mga kaibigan akong maiiwan dito. Parang bumalik ang pakiramdam ko noong unang alis ko 5 years ago. Ewan ko pero kahit excited akong makasama si Amari sa state ay may parte pa rin sa akin na hindi ko mapigilang malungkot. Dahil ba alam kong nalulungkot si Amari sa pag-alis n'ya rito? Sa sobrang pagmamahal n'ya sa akin ay nagawa n'ya akong piliin kahit pa alam n'yang marami s'yang mami-miss sa pag-alis n'ya sa lugar na 'to.
"Itong airfryer na lang siguro. What do you think?" tanong ni Freida.
"Oo. Iyan na lang."
"Sh*t!" I cursed. Mabilis akong tumalikod at sinubukang maging kalmado.
"Yuna, what's wrong?" narinig kong tanong sa akin ni Freida. Hinawakan n'ya ang balikat ko para iharap ako sa kanya pero tinigasan ko ang katawan ko para hindi n'ya ako matinag sa kinatatayuan ko.
Nakita ko si France na naglalakad papunta sa direskyon namin. Hindi ako sigurado kung nakita n'ya ako pero ipinagdarasal ko na lang ngayon na sana'y hindi n'ya ako namukhaan.
"Freida, bayaran mo na 'yan sa counter hihintayin na lang kita sa may labasan." pahagay ko nang hindi pa rin s'ya nililingon. Baka kasi pagharap ko ay makita ko na naman si France. Malalaki ang mahakbang ko na tinungo ang exit. Nang makalabas ay nagtago ako sa isang stall na nagbebenta nang mga perfume para doon na lang abangan si Freida.
"Are you avoiding me?"
"Ay lintik ka!" usal ko dahil sa matinding pagkagulat nang bigla na lang sumulpot sa likuran ko si France.
Tawa s'ya ng tawa sa naging reaksyon ko. Gustong n'ya sigurong atakihin ako sa puso at mag-agaw buhay sa harap n'ya. Mabuti na lang pala at wala akong heart disease.
"S-Sorry. Ikaw kasi. Hahaha. So, bakit mo ako iniiwasan?"
'Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong sakalin ka dahil sa pagiging obsessed mo sa boyfriend. So yeah, iniiwasan kong patayin ka.' - Syempre sa isip ko lang ito.
"Hindi ah. Bakit naman kita iiwasan?" Nakangiting tanong ko.
"That's what I'm thinking also."
Aaminin kong nagselos at nainis talaga ako noon kay France dahil sa bigla n'yang pagsingit sa eksena na dapat ay kami lang ni Amari ang bida. Kinuha n'ya ang atensyon ni Amari na sa akin lang dapat. We became plastic friends. Aware naman s'ya 'ron dahil sa naging pag-uusap namin noon.
"Yuna, he made up his mind. He already choose me. Sana na ay tanggapin mo ang naging desisyon n'ya at 'wag nang ipagsiksikan ang sarili mo para kunin s'ya sa akin." pahayag ni France. Nanatiling nakapako ang tingin ko sa popcorn at drinks na inihahanda sa harap namin.
Napakuyom ako ng kamao ko habang pilit na pinipigilan ang sarili ko na hindi umiyak sa harap n'ya. Inakala n'ya bang nandito ako dahil plano ko pa ring landiin si Amari? S'ya ang nagpumilit na isama ako sa date nila tapos maririnig ko na gan'to ang mga sasabihin n'ya sa akin?
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...