"Yuna, what did he do to you? Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba n'ya?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Amari. Humiwalay ako sa kanya sa pagkakayakap nang hawakan n'ya ang magkabilat kong balikat at pakatitigan ako. Bakas sa mukha n'ya ang matinding pag-aalala kaya naman hindi ko mapigilang mailang sa kanya.
"Hoy!" narinig kong sigaw ni kuya sa lalaking humahabol sa akin.
"A-Ayos lang ako. Bigla n'ya lang akong hinabol." sagot ko saka umiwas ng tingin sa kanya. Ang puso ko, nagwawala na naman sa loob ng ribcage ko.
"Uno, hiramin ko muna si Yuna."
"Huh?"
"Sure, kahit 'wag mo nang ibalik." sagot ni kuya na nagpabilog ng mga mata ko. Bago pa man ako makapag-reklamo kay kuya ay hinilla na ako ni Amari papalayo sa kanila.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Amari.
"Home. Uuwi na tayo." sagot n'ya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
"Pwede naman akong sumabay kay kuya."
"I'm not taking you to your house loka. Sa bahay namin ka uuwi."
"Teka bakit?"
"Mom wants to see you."
"Pwede naman bukas ko na lang s'ya bisitahin."
"Sa bahay ka matutulog."
Ano bang problema ng bading na 'to? Noong first week na balik ko rito ay galit na galit s'ya sa akin at halos hindi n'ya ako pansinin sa tuwing nagtatagpo kami sa bahay nina Freida. At nang may muntik nang mangyari sa amin ay hindi s'ya nagparamdam na para bang wala lang ang ginawa n'ya sa akin. Sana man lang ay kinontak n'ya ako para pag-usapan ang bagay na 'yon. Naghintay ako ng tawag o text n'ya kahapon pero wala, wala s'yang ginawa.
Mabilis akong napalingon sa kanya at sinamaan s'ya ng tingin habang abala s'ya sa pagmamaneho.
"If your thinking na makikipag-ano ulit ako sa'yo ay hindi ko na hahayang mangyari 'yon."
"Hmm. Ikaw lang naman ang nag-iisip nun. Iuuwi lang kita para matulog. Bakit? Gusto mo bang ituloy natin ang naudlot nating s*x? Pwede naman. Alam ko namang bitin na bitin ka sa nangyari." mapang-asar na pahayag ni Amari habang nakangisi.
Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko dahil sa mga sinabi n'ya. Nakita ko ang repleksyon ko sa bintana at kahit madilim 'yon ay alam kong pulang-pula na ang mukha ko sa sobrang kahihiyan.
"G*go ka talagang bakla ka!"
He just laughed at me. Gusto ko s'yang sakalin pero kapag ginawa ko 'yon ay baka maaksidente kami.
"Stop laughting! Nakakairita!" sigaw ko sa kanya.
"Do you want me to moan then? Hindi ka na ba maiirita kapag ginawa ko 'yon?"
Oh my ghadd! What's with this gay?
Itinigil n'ya ang kotse sa harap nang bahay nila bago lumingon sa akin suot ang mapangasar na ngisi n'ya sa labi.
Napalunok ako nang tanggalin n'ya ang seatbelt n'ya at umusog papalapit sa akin.
"W-What are you doing?" kabadong tanong ko habang isinisiksik ang sarili ko sa gilid ng kotse n'ya. Sinubukan kong buksan ang pinto para makalabas pero naka-auto lock ito.
"I'm seducing you."
"W-What?"
"Kagaya ng kung paano mo ako inakit noong college tayo." He cupped my face and pulled me closer to his. "Pumunta ka lang ng state ay nakalimot ka na kaagad. Tell me, who helped you moved-on?"
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Roman d'amour/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...