WARNING ⚠️ SPG ‼️ SPG ‼️ SPG ‼️
***
"Pwede bang lumayas na kayo sa harap ko? Hindi ako makapag-concentrate sa pinapanood ko dahil sa kalandian n'yong dalawa." inis na pahayag Ash habang nakaupo sa sofa na katulad n'ya ay single rin.
Bitter ang p*ta!
Nasa sala kami ngayong tatlo at nagmo-movie marathon. Nakasandal sa dibdib ko si Yuna habang yakap ko s'ya sa bewang. Sa sobrang cute nang posisyon namin ay hindi ko mapigilan ang sarili kong panggigilan si tahong.
"Ash, wala ka pa rin bang girlfriend?" tanong ni Yuna.
"Wala. I'm a busy man."
"Busy daw. Ang sabihin mo wala talagang pumapatol sa'yo." pambabara ko sa kanya.
"Shut up!"
"Ang suplado mo kasi Ash pero okay lang 'yan. May dadating din na babae para sa'yo. Bakla nga nagka-jowa ng babae, ikaw pa kayang straight na lalaki. Kahit pinaglihi ka sa sama ng loob ay siguradong makakahanap ka rin ng katapat mo." pahayag ni Yuna.
"Compliment ba 'yan o insulto?"
"Mixed." tugon ni Yuna na mahina kong ikinatawa. Hinalikan ko s'ya sa leeg bago ipatong ang baba ko sa balikat n'ya. Nang tingnan ko si Ash ay parang na stroke ang mukha n'ya dahil sa pagkakangiwi nito habang nakatingin sa amin.
"Ayon kasi ang Tv oh." turo ko sa kanya. Sinamaan n'ya muna ako nang tingin bago tuluyang umiwas. "Tahong, punta na tayo sa kwarto." bulong ko Yuna.
"Mamaya na, gusto kong tapusin ang movie. Ang gwapo ng bida 'e."
"Ako na lang titigan mo. Mas gwapo naman ako jan."
"Oo na pero hayaan mo munang mangaliwa ang mata ko kahit sa artista lang."
"Sino ba 'yang lintik na 'yan?" inis na tanong ko.
"Ang iingay n'yo!" sigaw ni Ash kaya muli na namang nabaling ang tingin namin sa kanya ni tahong ko. "Peste!" Tumayo si Ash saka naglakad paalis. Narinig namin ang malakas na pagbagsak ng pinto sa kwarto n'ya kaya nagkatinginan na lang kami Yuna bago mahinang napatawa.
"Ang ingay mo kasi." pagsisi sa akin ni Yuna na ikinakunot ng noo ko. "Pero okay na rin dahil masosolo na naman kita." dugtong n'ya. Humarap s'ya sa akin saka n'ya hinalikan ang labi ko. Napangiti ako sa gitna ng kissing session naming dalawa. Alam na alam n'ya talaga ang kiliti ko.
"Let's go out tomorrow. Date tayo."
"Sure. Where do you want to go?"
"Kahit saan. Basta magkasama tayo." sagot n'ya na nagpanginig sa mga bituka ko. "Baka dalhin mo kaagad ako sa hotel. Maghulos dili ka Amari." dugtong n'ya na malakas kong ikinatawa.
***
"Yuna, is that you?" Pareho kaming napalingon ni Yuna sa lalaking tumawag sa kanya. Mabilis na nawala ang ngiti ko nang makita ang lintik na lalaking hindi ko pa nababasagan ng mukha matapos ang ginawa n'ya noon kay loka.
"Zion!"
"Wow. 5 years. Mas lalo kang gummanda. Kamusta na?" tanong ni Zion. Akmang yayakapin n'ya nasa si loka nang hilahin ko ito palayo sa kanya. Hindi lang mukha n'ya ang babasagin ko kapag hinawakan n'ya ang akin. Pati bungo n'ya ay sisiguraduhin kong madadamay kapag dumikit s'ya sa kahit anong parte ng katawan ni loka.
Don't me!
"Heto, maganda pa rin naman." sagot ni Yuna na ikinatawa ng lintik.
Nang malipat ang tingin sa akin ni Zion ay doon ko na s'ya mas lalong sinamaan ng tingin.
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...