18 - Heart Transplant

3.7K 139 10
                                    

"Amari,"

"B-Bakit?"

"Kanina ka pa nakatulala at malalim ang iniisip. What's wrong?" tanong sa akin ni France kaya mahina akong napatikim at napaayos ng upo.

"Wala. Sorry, ano na nga palang sinasabi mo?" Kinuha ko ang tasang kaharap ko saka humigop ng kape rito.

Who made this? Ang pait. Ibinagsak ko ang tasa sa harap ko.

Damn! Hindi talaga ako pinapatahimik nang narinig ko noong isang araw sa kwarto ni Yuna. She's planning to go on a blind date. Kung sino man ang pumulit sa kanyang gawin ang bagay na 'yon ay sana mabilaukan s'ya dahil tinataga ko na s'ya ngayon sa utak ko. Nakakainis!

Get hold of yourself Amari! May boyfriend ka na pero si Yuna pa rin ang laging laman ng isip mo.

This is wrong! Hindi ko binibigyang halaga ang pagmamahal sa akin ni France. Kapag ako na karma, ewan ko na lang talaga

"Gusto mo bang sumama sa akin sa probinsya? Gusto sana kitang ipakilala kina mama at lola. Naisip ko kasing imbis na mag-camping ay mas magandang doon na lang tayo sa amin pumunta. What do you think?" tanong ni France.

"Kelan?"

"This coming week. Kaya lang may pasok ka pala."

"Okay lang. Pwede naman akong lumiban ng ilang araw."

Maybe this trip will help me love him. Baka sa gagawin kong pagsama sa kanya ay mas makilala ko pa s'ya at magawa nung buksan ang puso ko para sa kanya. I want to try this one more time before letting him go kung wala talaga.

"S-Sure ka?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya sa akin.

"Oo naman."

"Yes! Thank you Amari. Thank you!" Niyakap ako ni France saka n'ya ako hinalikan sa pisngi. Imbis na kiligin ay wala akong naramdamang kahit ano. Halos isang buwan na simula ng manligaw s'ya sa akin at maging kami pero wala pa rin ako nararamdamang sparks kahit anong gawin n'yang sweet gestures at effort.

Ang sama ko ba?

"No problem. Kelan ang ali-"

"Wait. Is that Yuna?" tanong ni France kaya naman sinundan ko nang tingin ang direksyong tinitingnan n'ya. Mula sa loob ng restaurant na kinalalagyan namin ay kitang-kita namin si Yuna sa labas na nakasimangot at masama ang tingin sa sementong kinatatayuan n'ya.

"Tara, lapitan natin."

"W-Wag na." Pagpigil ko kay France.

Date namin 'tong dalawa kaya bakit ko hahayaang isama namin si Yuna? Hindi ako magiging komportable na magkasama-sama kaming tatlo.

"Mukhang wala naman s'yang kasama."

"Meron." usal ko nang makitang may lumapit na lalaki kay Yuna pero kaagad din akong napatayo nang marahas na hablutin ng lalaki ang braso n'ya. "Mukhang wala nga s'yang kasama." saad ko saka dali-daling lumabas ng restaurant at tinungo ang kinaroroonan ni Yuna.

"Get your filthy hands off her." madiing utos ko sa lalaki nang makalapit ako sa kanila.

"Amari." Nang bitawan s'ya ng lalaki ay kaagad na lumapit sa akin si Yuna at yumakap sa bewang ko. Sinamaan lang ako nang tingin ng lalaki bago naglakad papalayo sa amin.

"Ayos ka lang ba loka?" tanong ko habang hinihimas ang likuran n'ya. Ramdam ko kasi ang panginginig ng katawan n'ya sa takot.

Sa dami ng aksidenting kinasangkutan n'ya ay lagi na akong kabado pagdating sa kaligtasan n'ya. Kung pwede ko lang s'yang bantayan 24/7 ay gagawin ko pero dahil mas pinili kong dumistansya sa kanya at makipagkaibigan na lang ay may karapatan pa ba akong gawing 'yon?

My Trophy Gay | Pechay Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon