I hide and denied my feeling for her. Hinihintay ko na sa pagdaan ng panahon ay nawawala rin ang nararamdaman kong 'to para sa kanya. Bakla ako at sigurado akong malilihis din ang atensyon ko sa iba kapag may nakilala akong lalaki na magmamahal sa akin ng totoo. If hurting her is the only way to get rid of this feeling then I'll do it without remorse.
"Sila na 'yon oh!" excited na pahayag ni Beatrice habang nakaturo sa tatlong lalaki na nakaupo 'di kalayuan sa kinatatayuan namin. "Taralets na mga bading!"
Senior year. Imbis na mag-focus kami sa huling taon ng college life ay nagawa pa rin naming gumimik at manlalaki. Pumayag ako sa alok ni Beatrice na mag-bar dahil gusto kong nagliwaliw at subukang lumandi ng lalaki. Sa buong buhay ng kabaklaan ko ay hindi ko pa nasubukang makipagrelasyon sa isang hombre. Tamang pagpapantasya lang ang ginagawa ko at kaunting landi pero kapag commitment na ang pinag-uusapan ay iilag na ako.
Hindi dahil kay Yuna kundi dahil hindi ako komportable sa idea na 'yon. Bakla ako for sure pero takot akong gamitin at perahan lang ng mga lalaki na katulad sa mga naririnig ko sa ibang bading.
"Hi boys!" bati ni Beatrice sa tatlong otoko.
Infairness, magaling pumili si Beatrice ng lalaki. Hindi mukhang convicted na mga kriminal ang nahanap n'ya.
Warren, Ohio at Nord ang pangalan ng tatlong lalaking kasama namin. Mula sila sa kabilang university at katulad namin ay graduating din sila ngayong taon na ito. Tumabi si Jelly kay Nord, ako kay Ohio at si Bea naman kay Warren.
Maayos naman kakwentuhan ang tatlo pero duda akong bakla nga ang hinahanap nila. Parang barkada lang kasi ang turing nila sa amin kahit pa may paakbay-akbay silang nalalaman.
"Dude, ako na." presenta ni Ohio. Siya na ang nagbukas ng beer para sa akin.
Dude?
Alam kong mas magandang lalaki kesa sa kanya at may mas ipagmamalaki pero ang tawaging dude? What the f*ck! Sa ganda kong 'to? Dude?!
"Thanks." Nakangiting saad ko.
"So, question, please don't get me wrong pero nasubukan n'yo na bang magkagusto sa babae kahit bakla kayo?" tanong ni Warren sabay tungga ng beer na hawak n'ya.
"Ako never pa. Ewan ko lang kay Amari. Tanong mo jan." pahayag ni Beatrice dahilan para mabaling ang tingin nilang lahat sa akin.Lintik na baklang 'to!
"Amari? Nagkagusto ka na sa babae?" tanong sa akin ni Ohio pero bago pa man ako makasagot at bigla na lang sumulpot ang babaing hindi ko inaasahang makikita ko ngayong gabi 'to.
"Amari!" masiglang pagtawag sa akin ni Yuna.
Kumunot ang noo ko nang makita ang suot n'yang spaghetti strap na floral dress. Hapit na hapit ito sa kanya kaya makikita ang magandang hubog ng katawan n'ya, idagdag pa ang mapuputi n'yang hita na nakabalandra sa harap naming lahat dahil sa ikli ng damit n'ya.
Gusto n'ya bang magpa-rape sa mga lalaking nandito sa bar? Sa suot n'ya palang ay siguradong hinuhubaran na s'ya ng mga hombre na nandito. Bahala nga s'ya sa buhay n'ya! Saan n'ya ba nakuha ang lakas ng loob para magsuot ng gan'yang damit. Napaka-revealing nito!
"Hoy p*ta, anong ginagawa mo rito?" mataray kong tanong sa kanya. Inilagay ko ang ulo ko sa balikat ng lalaking nakaakbay sa akin at hinaplos ang dibdib nito.
Nakita ko ang inis na gumuhit sa mukha ni Yuna pero mabilis din 'yong nawala saka muling ngumiti na parang wala lang sa kanya ang ginawa ko.
Operation: Break her Heart - Sana lang ay mapanindigan ko ang gagawing kong ito.
"Twittiepie ayaw mo bang nandito ako?" tanong n'ya. Napaayos ako ng upo nang bigla s'yang lumapit sa akin. Pinagtulakan n'ya palayo sa akin si Ohio saka kumandong at kumapit sa leeg ko.
Ang kapal talaga ng peslak ng merlat na 'to!
"Get off me! Jokjok bolante ka talagang pechay ka!" pagtataboy ko sa kanya habang pilit na inilalayo ang katawan n'ya sa akin. Halos isubsob na n'ya ang cleavage n'ya sa mukha ko.
"Freida. Halika na rito!" tawag n'ya kay Freida na kasama n'ya rin pala.
"May upuan naman bakit sa akin mo gustong maupo?! Ilayo mo nga 'yang dede mo sa akin. Lintik 'yan!" reklemo ko.
"Baby, bakit hindi ka na lang sa akin umupo? Your always welcome to sit on top of me." Nag-igting ang panga ko hindi dahil sa sinabi ni Ohio kundi sa ginawa n'yang paghawak kay Yuna para kunin ito sa akin. Ipinulupot ko ang braso ko sa bewang ni loka saka tinapunan ng masamang tingin si Ohio. Umangat ang gilid ng labi ng lalaki pero hindi ko na lang s'ya pinansin.
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...