"Noong pinagbubuntis ko si Amari ay sure na sure akong babae ang gender n'ya. I even brought all the girly things I could find just for him kahit fetus palang s'ya sa tiyan ko. When I'm 5 months pregnant to him, my husband and I went to the OBGyne to confirm his gender and hindi nga ako nagkamali. Babae ang lumabas sa ultrasound ko."
"Mama," suway ni Amari sa mama n'ya.
We're having a dinner and fun conversation sa bahay. Ang saya ka-bonding ng mama ni Amari dahil pala-kwento at madaldal ito. Very much like my mom.
"So heto na nga. Nang manganak na ako ay baby boy ang lumabas. Imbis na ma-disappoint ako ay tawa ako ng tawa. Paano ba naman kasi ang dami ng dress na binili ko para sa kanya. Lahat ata ng gown ng mga disney princess ay may collection na s'ya. Pati pang JS prom at debut n'ya ay naka-ready na rin kahit ipinagbubuntis ko palang s'ya."
Tawa kami nang tawa dahil sa kwento ni tita Athena, except kay Amari na nakasimangot lang sa tabi. Kahit noon palang na nasa sinapupunan s'ya ni tita ay prinsesa na ang turing nito sa kanya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit naging binabae s'ya.
Well, kahit ano pa s'ya ay mahal ko pa rin s'ya.
"I'm still proud of my son-slash-daughter Amari. Napakabait at napakatalinong bata." dugtong pa ni tita saka sinulyapan si Amari.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan silang mag-ina. Kahit bading si Atticus ay tanggap at mahal na mahal pa rin s'ya ni tita Athena. Hindi katulad ng ibang mga magulang na nagagawang itakwil ang sarili nilang anak dahil lang sa hindi pasado ang kasarian ng anak nila sa kanila.
"Sabihin n'yo lang po tita kung gusto n'yo pa rin ng anak na babae. Handa po akong maging daughter-in-law n'yo o di naman kaya bibigyan na lang po namin kayo ni Amari ng apo."
Naibuga ni Amari ang iniinom n'yang juice samantalang nakatanggap ako kay mama ng hampas sa braso.
"Ikaw talagang bata ka. Kung ano-ano ang lumalabas d'yan sa bibig mo." suway sa akin ni mama na ngayon lang ata hindi naging supportive sa happiness ng unica ija n'ya.
"Hahaha. Kung maibibigay n'yo sa akin pareha ang sinabi mo ay matutuwa talaga ako ng sobra pero bago 'yon syempre dapat mag-aral at makapag-tapos muna kayo."
"Ayan Amari, may blessing na tayo ni tita."
Inirapan lang ako ni Amari na parehong ikinatawa ng mga magulang namin.
Bakit kasi pa-hard to get pa ang baklitang ito. Nakuuu! Makukuha rin kita. Maghintay-hintay ka lang!
"Amari, hindi ba't may watermelon pa tayo sa bahay? Pakikuha nun anak para may paghimagas tayo." pahayag ni tita Athena kaya mabilis akong tumayo para magpresentang samahan si Amari.
"Ma, sasamahan ko si Amari."
Nang tingnan ko si Amari ay masama ang tingin n'ya sa akin pero kinindatan ko lang s'ya na ikinangiwi n'ya.
"Amari, pakibantayan ang anak ko. Takot kasi s'ya sa aso kaya baka biglang tumakbo. Nakagat na kasi si Yuna sa pwet kaya may truama na s'ya."
"Mama naman,"
Hindi ko mapigilang mangamatis sa kahihiyan dahil sa pagsiwalat ni mama sa nakakahiya kong sekreto. Ngumisi si mama at 'don palang ay alam ko nang pinagti-tripan n'ya ako. Gan'yan s'ya kapag alam n'yang may gusto ako sa isang lalaki o 'di naman kaya 'yong lalaki ang may gusto sa akin. Hindi ko alam kung sinasabotahe n'ya ang lovelife ko o nagi-enjoy lang talaga s'yang asarin ako.
"Sure po tita,"
Nang makalabas ng bahay ay kaagad akong kumapit sa braso ni Amari at katulad ng inaasahan kong gagawin n'ya ay inalis n'ya 'yon at naunang maglakad palayo sa akin.
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Roman d'amour/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...