Annoyed, confused and disappointed.
Ewan ko ba pero hindi ko maipaliwanag kung bakit bwisit ako nitong mga nagdaan na araw. Lagi akong inaasar ng mga kaibigan ko na baka kulang lang daw ako ng tinatawag nilang 'Energizer Yuna' pero kapag nakikita ko naman ang lukaret na 'yon ay mas lalo lang akong naiinis.
I keep avoiding her this past few days. Matapos ang nangyari sa amin sa loob ng kotse ay lagi na akong ilag sa kanya. Ako naman ang unang nag-initiate na gawin 'yon pero bakit parang ako pa itong pa-victim?
Hindi lang naman patungkol kay Yuna kung bakit nagkakaroon ako ng ganitong mixed emotions. This is about myself. Confuse na confuse na talaga ko.
Kung mahal ko naman si Yuna ay bakit hindi pa ako umamin sa kanya at gawin s'yang girlfriend ko?
I'm scared.
Paano kung kelan kami na ay 'don naman sumipa ang kabadingan ko? Paano kung ma-inlove ako sa isang otoko at masaktan lang s'ya sa huli?
Ayokong sumugal at dumating sa point na makita ko s'yang umiiyak dahil sa mali kong desisyon. Kung ngayon palang ay litong-lito na ako sa totoo kung pagkatao dahil lang sa isang tahong na tulad n'ya, paano pa kaya kapag nakakilala na ako ng lalaking magmamahal din sa akin ng sobra katulad ng ginagawa n'ya?
I need to end this feeling now. One way or the other sasaktan ko pa rin si Yuna pero kung tatapusin ko ito ngayon ay minimal damage lang ang magagawa ko sa kanya.
I don't trust myself. Duda akong mapapasaya ko s'ya. Bading ako at hindi nararapat ang isang katulad ko sa isang tahong.
"Here's your order." Napaangat ako ng tingin sa lalaking nagsalita sa harap ko. "Ang lalim ata ang iniisip mo Amari." puna n
"S-Sorry, kanina pa ba pini-paige ang number ko?"
"Oo." Nakangiting saad n'ya. "What's bothering you? Kanina pa kita pinapanood at mukhang seryoso 'yang iniisip mo."
"Kanina mo pa ako pinapanood? Naku ah. Sabi ko naman sa'yong itigil mo na ang pagpapantasya mo sa akin." Pagbibiro ko na ikinatawa n'ya lang.
Last year nang magtapat sa akin si France na may gusto s'ya sa akin pero dahil takot nga akong makipagrelasyon sa otoko ay tinanggihan ko ang feelings n'ya pero kahit ganun ay naging magkaibigan kami. Mabait s'ya, responsable at masipag. Working student s'ya at s'ya mismo ang nagpapaaral sa sarili n'ya. Nakakahanga ang mga katulad n'yang nagsusumikap para makapagtapos ng pag-aaral.
"Wala na ba talaga akong pag-asa?" tanong n'ya.
'Wala na dahil may mahal na akong iba.'"Sorry." Iyon na lang ang naisagot ko sa kanya.
"Dahil ba gan'to lang ako?"
"O-Of course not! Judger ka, hindi naman ako ganun kasama para maliitin ka." depensa ko.
"Then I want to prove myself to you. J-Just give me a chance." Bakas ang hiya sa mukha n'ya habang kinakamot ang batok n'ya. I find it cute kaya lihim akong natawa sa isip ko.
"Bakit ba patay na patay kayo sa ganda ko? Ang hirap talagang maging pretty sa panahon ngayon."
"May iba ka pa bang manliligaw?" tanong ni France kaya sandali akong natigilan.
"Hmm. Yes."
"Plano mo na ba s'yang sagutin kaya ayaw mo nang magpaligaw sa akin?"
Ba't ba ang dami n'yang tanong?
"No. H-Hindi ko sasagutin ang merlat na iyon."
"Merlat? Babae ang manliligaw mo? Kung ganun ay babae pala ang karibal ko sa puso mo." Hindi makapaniwalang saad ni France. "Amari, give me a chance to prove my love to you. Please." Nagulat ako nang bigla s'yang lumuhod sa harap ko kaya nataranta ako at pinatayo s'ya ulit.
"F-Fine. Oo na but please don't do that again. Nakakahiya." pabulong na saad ko na ikinatawa n'ya lang.
"Ganyan kita kamahal. Wala akong pake sa iisipin ng ibang tao kapag kasama kita." Nakangiting pahayag n'ya bago n'ya ako mahigpit na yinakap.
I can feel my chicks heating up. Ang cheesey n'ya. Parehong-pareho sila ng ugali ni Yuna.
"Kumain ka na. Ayokong nagugutom ka."
"Che. Bumalik ka na sa trabaho mo." pagtataboy ko sa kanya.
"Be prepared. Lagi na kitang guguluhin. Hindi ako titigil hangga't hindi ka nahuhulog sa akin." He winked at me before walking away. Ang gwapo n'ya sa part na 'yon.
This is what I'm talking about. Ito na ang simula ng kinatatakutan ko. Ang pumili at mag-let go ng isang tao sa kanilang dalawa.***
France never failed to suprise me. Sa loob palang ng isang linggo n'yang panliligaw sa akin ay hindi s'ya nabigong patunayan ang pagmamahal n'ya sa akin. Para sa lalaki na nagkagusto sa isang bakla ay ibang-iba s'ya sa mga kwento ng mga bading. Nilalahat kasi nila ang mga lalaki na manloloko at pera lang daw ang habol kaya naniwala ako noon at natakot na sumubok pero ngayon na nai-experience ko na kung paano ligawan ng lalaki ay masasabi kong iba si France.
Kung marupok siguro akong bading ay baka sinagot ko na s'ya kahit wala pang isang linggo ang panliligaw n'ya sa akin.
"Amari!" Nabaling ang tingin ko kay France na naglalakad patungo sa direksyon ko. Para s'yang runaway model sa paningin ko. Mabuti na lang at hindi ko kasama si Beatrice at Jelly dahil kung hindi ay baka pinagpyestahan na ng dalawang 'tong manliligaw ko.
Pwede ko naman s'yang i-share sa kanila pero syempre dapat pagkatapos ko na.
"Wala ka na bang pasok?" tanong ko kay France nang makalapit s'ya sa akin.
"Wala na. Ikaw ba?"
"Wala na rin.""Pwede ba kitang mayayang mag-dinner sa labas?"
"Huh? Ah e."
May family dinner kami ngayon kasama sina Yuna. Baka magalit sa akin si mama kapag hindi ako pumunta.
"Okay lang kung hindi ka pwede ngayon. Pwede namang next ti-"
"Amari!" Tawag sa akin ni Yuna kaya parehong nabaling ang tingin namin ni France sa kanya. Kaagad na kumapit si loka sa braso ko bago harapin si France."Hi." Nakangiting bati ni Yuna kay France.
"You must be Yuna."
"Oo. Paano mo nalaman?"
"Nabanggit ka na noon sa akin ni Amari."
"Talaga?" Bumaling sa akin si Yuna saka n'ya mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa braso ko.
"Yup. Ako nga pala si France. I'm Amari's soon-to-be-boyfriend."
"Eh?" kunot-noong usal ni Yuna kaya mabilis akong napaiwas ng tingin sa kanya. Bigla kasing sumama ang timpla ng mukha n'ya kaya natakot akong titigan s'ya.
I feel awkward. Nagkaharap ang dalawang manliligaw ko.
"Nice to meet you, France. May the best suitors win." Inilahad ni Yuna ang kamay n'ya sa harap ni France na kaagad namang tinanggap ng lalaki. Nag-shake hands sila sa harap ko. Bakit ako itong kinakabahan para sa kanilang dalawa?
Bala kayo jan!
"Tara na Amari. Hinihintay na tayo nina mama at tita. Bye France. Nice to meet you nga pala."
"Bye, France. M-Mauna na kami." Tumango lang sa amin si France bago ako tuluyang magpahila kay Yuna.Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang silip-silipin ang gawi ni Yuna. Ito kasi ang unang beses na tahimik s'ya at hindi dumadada ng mga kung ano-anong kaganapan sa araw n'ya.
"You must have like him already."
"Huh?"
"Si France. Gusto mo na s'ya."
"Tss. Paano mo naman nasabi?"
"Dahil pumayag kang ligawan ka n'ya samantalang ako ay nagpumilit lang na isiksik ang sarili ko sa'yo." Nakangiti pa rin s'ya pero hindi na ito umangot hanggang sa mga mata n'ya. "May karibal na pala ako sa'yo. Bakit hindi mo kaagad sinabi." dagdag n'ya. Hinampas n'ya nang mahina ang braso habang nakanguso at masama ang tingin sa akin. Lihim akong natawa dahil sa reaksyon n'yang ipinapakita. Cute.
"Baka kasi takutin mo."
"Hahaha. Grabe ka naman. Hindi naman ako ganun kasama para gawin 'yon. Kahit hindi ako literal na sporty sa mga PE namin noon ay sporty naman ako pagdating sa panliligaw ko sa'yo. Gusto kong maging patas sa laban namin ni France sa puso mo."
Ayan na naman s'ya. Pinapakilig n'ya na naman ako.
Stop! Baka masagot ko s'ya nang wala sa oras. Charr!
Pagdating namin ay s'ya ring pagdating ng isa pang kotse sa harap ng bahay nina Yuna.
"Si kuya Uno." excited na pahayag ni Yuna.
Sa ilang taon naming magkakilala ni Yuna at family dinner na nadaluhan kasama sila ay ngayon ko lang makikilala ang kapatid n'ya. Naging busy kasi ito sa pag-aaral at pagre-review sa bar exam at nang makapasa ay kaagad ding nagtrabaho. May time pa bang maghanap ng lovelife ng kapatid n'ya?
"Kuya!" tawag ni Yuna sa kapatid saka n'ya ito mahigpit na yinakap.
"Sis! Hindi ka na pandak." pang-aasar ni Uno kay Yuna. Kung hindi ko alam na magkapatid sila ay baka binakuran ko na si Yuna para hindi s'ya makalapit sa lalaki.
"You must be Amari."
Chopopo pala itong kuya ni Yuna! Sana s'ya na lang ang nanligaw sa akin imbes na ang kapatid n'yang lukaret.
"O-Oo." utal kong saad.
"I'm Uno." Akmang hahawakan ko na sana ang kamay ni Uno na nakalahad sa harap ko nang biglang hulihin ni Yuna ang kamay ko at pinagsaklob ang mga daliri naming dalawa.
"Ayoko nang madagdagan ang karibal ko sa kanya." Nakasimangot na pahayag ni Yuna.
"Hindi ka pa girlfriend pero ang possessive mo na." natatawang pahayag ni Uno saka n'ya ginulo ang buhok ng kapatid n'ya. "Mabuti at natitiis mo ang kakulitan ni Yuna."
"Kuya! Pumasok ka na nga!" pagtataboy ni Yuna sa kanya kaya wala nang nagawa si Uno ng itulak s'ya papasok sa gate ng kapatid n'yang lukaret.
"Tara na." Papasok na sana ako nang hulihin ni Yuna ang braso ko kaya muli akong napalingon sa kanya.
"Tell me, should I give you up? Gusto kong ipaglaban ka pero kung mas matimbang s'ya para sa'yo ay hindi ko na hahadlangan ang kasiyahan mo. J-Just tell me. Titigil ako."
"Sorry pero mas mabuti ngang tumigil ka na." Mahigpit akong napakuyom ng mga kamao habang pinipigilan ang sarili kong bawiin ang mga sinabi ko.
"Okay." She smiled. "Titigil na ako sa panliligaw sa'yo but we can still be friends right?"
"O-Oo naman."
"Good. Tara na sa loob." Nauna s'yang maglakad sa akin papasok habang ako ay nakatanaw lang sa kanya at sinusundan s'ya ng tingin.
I didn't expect that she'll accept my decision so easily. And her reaction, something is off.
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
عاطفية/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...