Nakahiga lang ako sa kama habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Matapos ang kagagahang ginawa ko ay mas lalo lang lumamig ang trato sa akin ni Atticus-slash-Amari. Naging mailap din s'ya, sa tuwing nagkakasalubong kami sa loob ng campus ay para akong multo na hindi n'ya nakikita. Kahit ata mag-twerk ako sa harap n'ya ay snob lang s'ya.
Hindi n'ya ba nagustuhan ang boobey ko? Malambot naman at may laman ah. Hinawakan ko ang boobs ko at pinisil iyon para masiguradong may nahawakan nga si Attic- I mean Amari nung araw na 'yon. Sasanayin ko na ngang tawagin s'yang Amari kahit labag sa loob ko. Baka matuwa pa s'ya sa akin kahit kaunti kapag ginawa ko 'yon.
Summer vacation na at dalawang buwan pa ang hihintayin ko bago muling makita ang gay of my life ko. Kainis!
"Maxime!" tawag sa akin ni mama sa labas. Napasimangot ako nang marinig ang pangalang ginamit n'ya. Naiinis talaga ako sa tuwing naririnig ko ang totoo kung pangalan.
Maxime Yun Arevalo ang buo kong pangalan. Palayaw ko lang ang Yuna. Marami nang nakakarinig kaya iyon na rin ang itinawag nang karamihan ng mga nakakakilala sa akin. Mas bet ko ang Yuna dahil asiwa talaga ako sa Maxime. I don't know why, siguro tunog maasim? Hindi naman ako maasim.
"Wait lang ma! Magba-bra lang ako." sigaw ko saka hinanap ang bra ko na suot ko lang kanina. Nasaan na ba 'yon? Naglakad na naman ata mag-isa. Napagdesisyonan ko na huwag nang magsuot ng bra dahil hindi ko iyon mahanap. Si mama lang ang kasama ko rito sa bahay 'e.
Naka-croptop sando ako kaya bakat na bakat ang nipples at malulusog kong dibdib. Naka-pajama naman ako kaya hindi ganun kahalay ang looks ko. Nasa bahay lang naman kasi ako.
"Bakit ma-" naputol sa ere ang sasabihin ko nang makita sa labas ng kwarto ang taong hindi ko inaasahang makikita sa oras na ito.
"A-Amari?" Nanlaki ang mata ko nang makita s'ya. Anong ginagawa n'ya rito?
"I-Ikaw si M-Maxime?" Bakas sa mukha n'ya ang pagkagulat.
Well, same honey, same! Nagulat din ako na nandito s'ya sa harap ko. Wala pa nga akong ligo kaya maasim-asim ako.
"Anak, mag-make up session muna kayo d'yan! Lalabas lang kami ng mama ni Atticus!" sigaw ni mama sa baba.
"O-Opo!" balik kong sigaw hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pinto ng bahay namin.
"Amari!" excited na sigaw ko saka s'ya mahigpit na yinakap. "Akala ko maghihintay pa ako ng dalawang buwan para lang makita ka ulit. I can't believe that you're here!" Tumatalon na pahayag ko habang nakakapit sa leeg n'ya.
"Haliparot ka! Stop rubbing your tits! Kadiri! Mag-bra ka nga!" sigaw ni Amari kaya mabilis ako napahiwalay sa kanya nang mapagtantong wala nga pala akong suot na bra.
"Nahawakan mo naman na 'to kaya 'wag ka nang mahiya." Nakangusong depensa ko.
"I'm not ashamed. Ikaw dapat ang mahiya dahil katawan mo 'yan na halos ingudngod mo na sa akin." Napahilot s'ya sa kanyang sintido bago n'ya ulit ako taliman ng tingin. "Ang sakit mo brain." dugtong pa n'ya.
I chuckled.
Mas lalo s'yang gumagwapo kapag naiinis. Para kasing mas nagiging lalaki s'ya sa paningin ko kapag ganun.
"Tuloy ka sa room ko." Mas nilakihan ko ang pagkakaawang ng pinto para makapasok s'ya. "Pero sabi ni mama mag-make out session daw tayo. Ayan, may approval na tayo kay mama."
"Lukaret ka talaga! Make-up hindi make out!" pagkaklaro n'ya sa akin.
I know. I know. Pinagti-tripan ko lang s'ya.
"Paano ka nga pala napadpad dito?" tanong ko habang sinusundan ng tingin si Amari. Abala s'yang tinitingnan ang kabuoan ng kwarto ko. Blush pink ang paint color ng kwarto ko. Hindi halatang favorite color ko ang pink.
![](https://img.wattpad.com/cover/301665411-288-k20328.jpg)
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romansa/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...