"Wake up chaka! Alas-nueve na! Hindi ako pumunta rito para gutumin ang sarili ko!"
Kung alam ko lang na gan'to ang aabutan ko ay hindi na sana ako pumunta rito. May niluto na kaninang pansit bihon si mama, sana pala ay 'yon na lang ang kinain ko. Gumalaw si loka at isiniksik ang sarili n'ya sa stuff toy na kayakap n'ya. It was Patrick the starfish. Hindi na ako magdududa kung sa cartoon character na 'to n'ya natutunan ang mga kabaliwan n'ya.
"Ano ba Yuna!" sigaw ko saka hinila ang kumot n'ya pero pinagsisihan ko rin kaagad ang ginawa ko dahil sa nakita kong suot n'ya. She's just wearing a thin pair of silky camisole. Sa sobrang ikli ng short n'ya ay kitang-kita ko ang kuyukot n'ya.
Putragis! Ibinato ko pabalik ang kumot n'ya bago mapahilamos ng mukha.
"Amari." Namamaos n'yang tawag sa akin kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya. Nakaupo na s'ya habang kinukusot ang mapupungay n'yang mga mata. Sunod-sunod ang naging paglunok ko ng makitang halos lumuwa na ang dibdib n'ya. Bakat din ng mga nipples n'ya dahil sa nipis ng suot n'yang camisole at idagdag pa ang isang strap nito na halos mahulog na sa balikat n'ya.
Para s'yang model sa isang sexy magazine dahil sa nakakaakit n'yang itsura. Her beauty was effortless.
F*ck! Bakit nag-iinit ang katawan ko?
"Mag-ayos ka na! Hihintayin kita sa baba." saad ko saka naglakad papalapit sa pinto pero kaagad din ako napahinto ng muli na naman n'ya akong tawagin.
"Atticus."
Bakit kapag sa bibig n'ya nanggagaling ang totoo kong pangalan ay ang ganda nitong pakinggan? Ayaw na ayaw ko noon na binabanggit n'ya ang pangalan ko pero ngayon ay gusto kong i-record ang boses n'ya at gawin 'yong ringtone ko.
Ohemgeeee! I'm insane! Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader dahil sa mga naiisip kong labag sa kabaklaan ko! This is her fault! She's making mo confuse!
"B-Bakit?" Tumikhim ako bago muling lumingon sa kanya. Kumunot ang noo ko nang makita ang pamumutla ng mukha at labi nito. "Ayos ka lang ba loka?"
"H-Hindi ata kita maipagluluto ngayon. I'm not feeling well. D-Dapat kanina pa ako bumangon pero hindi kinaya ng katawan ko. Nakalimutan ko ring itext ka na huwag nang pumunta ngayon. Hehehe. Sorry." paliwanag n'ya habang nakangiti pa rin sa akin. Sa kabila ng ngiting 'yon ay halata sa mga mata n'yang may iniinda s'ya.
Kaagad akong lumapit sa kanya at sinipat ang noo n'ya. She's burning.
"Ang init mo? Uminom ka na ba ng gamot? Wait, kumain ka na muna bago uninom ng gamot."
"I'm not hungry. Gusto ko lang matulog nang matulog." Halos pabulong na pahayag ni Yuna saka n'ya ipinatong sa balikat ko ang noo n'ya. Ramdam ko ang init na lumalabas sa katawan n'ya pati na rin ang mabigat n'yang paghinga.
"Gaga, you need to eat."
"Hmm." usal n'ya habang umiiling sa balikat ko pero kaagad n'yang iniangat ang tingin sa akin bago umusog palayo. "Baka mahawaan kita. Umuwi ka na lang muna."
Para s'yang normal na tao kapag nagkakasakit. Naibabalik ata sa tamang ayos ang mga turnilyo n'ya sa utak kapag ganito ang lagay n'ya. Ang hinhin n'ya. Hindi ako sanay.
"Malakas ang resistensya ko. Sa tagal mo ba namang pamimirwisyo sa akin ay immune na ako sa virus mo.""Sinasabi mo bang isa akong malaking virus?"
"Oo, ganun na nga."
"Inaantok na ko. Mag-usap tayo kapag magaling na ako. Get out of my room." pagtataboy n'ya.
Huwow! Ngayon ko lang ata s'ya nakitang nagsungit sa akin. Naku! Pagsisisihan n'ya ang aksyon n'yang ito paggising n'ya. Ako lang dapat ang pweding magsungit sa aming dalawa. Charr!
"Tss. Kung wala ka lang talagang sakit." bulong ko habang pinanlalakihan s'ya ng mata. Bipolar ang babaing 'to ngayon! Pagbibigyan kita! Humanda ka kapag wala ka nang sakit dahil titirisin kita.
Bumaba ako sa kama n'ya at nagsimula nang maglakad palabas pero muli na naman akong napatigil ng tawagin n'ya ako ulit.
"Ano na naman!"
"Stay.""Akala ko ba gusto mo na akong umalis."
"I changed my mind. I want you here." pakiusap n'ya habang mapupungay ang mga matang nakatitig sa akin. Urggh! Not those kind of eyes. Parang hinihipnotismo n'ya ako papalapit sa kanya. "Please." dugtong n'ya.
"F-Fine. Dito lang ako kaya matulog ka na." Naupo ako sa swivel chair n'ya habang hindi mapakali ang mga paa kong napapatapik sa sahig.
"Tabihin mo ako."
Nagsimula akong pagpawisan ng malamig dahil sa sunod n'yang request. Aba't! Abusado na s'ya ah.
"Ayoko. Baka rape-in mo ko."
"I don't have strength to do that. Nilalamig ako. Heat me up."
H-Heat me up? Wait, wala akong dalang gas at lighter para masunog s'ya ng buhay. F*ckkkkkk! Of course I know what she mean!
Kinalma ko muna ang sarili ko bago maglakad papalapit sa kama n'ya at tabihan s'ya. Wala akong dapat na ipagalala dahil bakla ako at kahit kelan ay hindi ako maaakit ng merlat na kagaya n'ya. Gina-guide ako ng diyosa ng mga kabaklaan kaya imposibling maligaw ako ng landas.
Gusto ko sanang sabihin na nandiyan naman si Patrick the starfish para painitan s'ya pero baka samain na naman ako.
"Kapag nagkasakit ka aalagaan na lang kita." she whispered. Umusog s'ya papalapit sa akin at ginawang unan ang braso ko. Yumakap rin s'ya sa dibdib ko kaya naman ramdam ko ang matinding init na inilalabas ng katawan n'ya. Ang init-init n'ya na pero gusto n'ya pang magpainit.
"Ooohhh sh*t!"
Did I just moaned?
Bigla kasi s'yang pumatong sa ibabaw ko kaya nagulat ako sa posisyon namin ngayon. I can feel my manhood rubbing her right now. Kaagad kong ipinulupot ang mga braso ko sa bewang n'ya para suportahan ang katawan n'ya.
Para s'yang lasing na ewan. Binabawi ko na ang sinabi kong nasa maayos na lagay ang turnilyo sa utak n'ya dahil ngayon ay parang mas lumuwag ata ang mga ito.
Isiniksik n'ya ang mukha n'ya sa leeg ko habang nakapatong sa akin. Kailangan ko s'yang mapaalis kaagad sa ibabaw ko dahil duda akong mapipigilan ko ang sarili kong hawakan s'ya kahit may sakit s'ya. I'm feeling arouse and it's a bad news.
"Y-Yuna, I can't breath. Ibababa kita." Itatagilid ko na sana ang katawan ko para maibaba s'ya sa kama nang idiin n'ya pa lalo sa akin ang katawan n'ya.
This is torture.
"Loka, are you aware of what you are doing right now?" masuyong tanong ko sa kanya.
Dahan-dahan ko s'yang ibinaba sa tabi ko at tiningnan ang inosente n'yang mukha na mahimbing nang natutulog ngayon.
"Kaloka ka." bulong ko saka s'ya hinapit papalapit sa akin para mayakap s'ya nang mahigpit. I sniffed her neck and planted a soft kiss on her. She bewitched me.***
"Amari,"
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ang masuyong pagtawag sa akin ni Yuna. I saw her smiling from ear to ear kaya mabilis akong napabalikwas. Shota! Nakatulog din pala ako habang nakayakap sa kanya. I mentally pulled my hair. Dapat ay umalis na ako kanina nang makatulog s'ya. Ano bang nangyayari sa'yong bakla ka?"Akala ko talaga iniwan mo na ako kanina." Hinila n'ya ang braso ko at inihilig ang ulo n'ya sa balikat ko. "Feeling ko, gagaling lang ako kapag binigyan mo ako ng kiss."
"Che! Ayan ka naman sa pagiging abnormal mo."
May sakit man o wala ay talagang abnormal ang babaitang ito at iyon ang napatunayan ko ngayon araw.
"Malay mo. Ayaw mo bang i-try natin?"
"Ayoko. Baka mahawaan mo pa ako ng sakit mo."
"Akala ko ba immune ka na sa virus ko?"
"Tss."
I was cornered by her question. Lahat na lang ata ng mga sasabihin ko ay may maibabato s'yang pambara sa akin."Amari, nagugutom na ako."
"Sinabi na kasing kumain ka muna kanina 'e. Ang tigas kasi ng ulo mo." inis na saad ko na ikinasimangot n'ya. Sinubukan kong ibalik sa dati ang tono ng pananalita ko dahil ayokong ipahalatang affected ako sa kanya. Bakla ako at hindi dapat ako nakakaramdam ng arousal sa merlat na tulad n'ya.
Sinipat ko ulit ang noo ni Yuna para i-check kung nilalagnat pa s'ya. Namumutla pa rin kasi s'ya hanggang ngayon. Sa sobrang putla ay nagmumukha na s'yang labanos.
"Mainit ka pa rin. Hindi ka kasi kumain at uminom ng gamot mo. Tara na nga sa baba." Umalis ako sa kama at hinawakan ang kamay n'ya para alalayan s'ya sa pagbaba. Based from her expression ay mukhang nage-enjoy s'ya sa ginawa ko.Sa huli ay ako rin pala ang magluluto para sa kanya.
"Nasaan nga pala si mama?" tanong ni Yuna habang nakapangalumbaba sa mesa.
"Umalis s'ya kaninang umaga para bumili ng gamot sa sakit ng ulo n'ya. Sabi n'ya saglit lang s'ya." sagot ko habang inaahon ang scrambled egg na niluto ko.
"Iyak s'ya nang iyak kagabi. Sabi n'ya masakit lang daw ulo n'ya pero duda akong 'yon nga ang dahilan." Bakas sa mukha n'ya ang pag-aalala. Hindi ko s'ya masisisi dahil nanay n'ya ang nakita n'yang umiiyak at nasasaktan. Kahit ako ay mag-aalala rin kung makikita kong ganun si mama.
"Don't overthink. Kung ayaw n'yang sabihin sa'yo ang problema ay 'yon ay dahil ayaw ka n'yang mag-alala. Kumain ka na loka para makainom ka na nang gamot mo."
"Thanks." walang kabuhay-buhay n'yang saad. Tumabi ako sa kanya at kinuha ang hawak n'yang kutsara. Sa bagal n'yang kumilos ay baka antukin na naman ako.
"Susubuan na lang kita."
"Sana pala lagi na lang akong may sakit para lagi mo akong inaalagaan."
"Ngayon lang 'to gurl! Kung hindi mo ako pinapunta ay hindi ko malalamang may sakit ka! Scam ka! Ako dapat itong pinagsisilbihan mo."
"Babawi ako. Promise."
"Don't promise. Promise are meant to be broken." giit ko.
"Basta babawi ako. Just wait for it." Nakangiting pahayag n'ya kahit hindi sumasabay ang mga mata sa labi n'ya. "Inaantok na naman ako." dugtong n'ya pa na mahina kong ikinatawa.
I hate seeing her like this. Para bang gusto ko s'yang alagaan hanggang sa masigurado kong magaling na s'ya. Mas gugustuhin ko pang kulitin at bwisitin n'ya ako nang paulit-ulit kesa ganito na nakikita ko s'yang may sakit.
BINABASA MO ANG
My Trophy Gay | Pechay Series #2
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #2| Atticus Lagari ♥️♥️♥️ Noon pa man ay patay na patay na si Yuna kay Atticus o mas kilalang rin sa pangalang Amari dahil sa pagiging mermaid nito. For her, Atticus was her happy pill. Kahit pechay ito on the ins...