78: Farewell Party

12.4K 608 380
                                    

[FAREWELL PARTY]

CHAOS' P. O. V

MAGULO. Sobrang gulo na ng section namin. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari pero ang alam ko lang ay magulo na kami. Magmula lang naman 'to nung nawala si Luna halos dalawang buwan na ang nakakaraan. Kung paminsan-minsan ay pasikreto nila siyang dinadalaw sa puntod.

Tinanggap na ng iba sa amin ang pagkamatay ni Luna pero hindi kami nina Rance, Xenor, Gavin, Knoxx, Steven, Stella, at Eunice. Ni isa sa amin, walang nagtatangkang dumalaw sa puntod daw ni Luna. Si Deth naman ay ayaw ng pag-usapan si Luna. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya o hindi.

"Nasaan si Deth?" Tanong ni Elisse na kalalabas lang ng room.

"Bakit mo sa amin hinahanap? Mukha ba kaming hanapan ng nawawala?" Mataray na tanong ni Eunice saka niya inirapan si Elisse.

"He's outside," sagot ko. "Intindihin mo na lang, napagalitan kasi ni Sarmiento." Pagsisinungaling ko.

"Again?" Kunot-nuong tanong ni Sander. Again kasi halos araw-araw ay umaalis siya though nabalik naman makalipas ang isang oras. Bagsak na balikat na pumasok si Elisse sa room na sinundan naman ni Sander.

"Steven, kumusta na kayo ni Leo?" Tanong ko nang maupo siya sa railing.

"Hangga't hindi pa siya natatauhan, mananatili ang galit ko sa kaniya."

"Steven, hindi na dapat pa umabot sa magkasakitan kayo. Hindi ikaw ang Ste-" Naputol ang iba ko pang sasabihin nang matalim niya akong tiningnan. "Hindi na ako 'yun. Magmula ng mawala si Ate pati na rin ang pagpasok sa buhay natin ng babaeng 'yun, nawala na ang dating ako. Idagdag pa natin na parang wala na sa sarili si Deth. Hindi ko na alam, Chaos." Bumaba siya saka nakapamulsang pumasok sa room.

"Ikaw naman Rance, nag-away na naman kayo ng kuya mo," sabi ni Stella nang dumaan sa gilid namin si Rance na may bangas na naman ang mukha.

Kung minsan kasi ay pasikreto itong nalabas at dun naglalabas ng sama ng loob kaya ayan. Kahit papaano ayaw niya pa rin saktan si Gavin.

"Dahil lang naman 'yun sa paglayo niya sa akin na hindi ko naman alam kung bakit. Wala naman akong ginagawang masama," pagalit niyang sabi saka marahas na bumuntong-hininga at pumasok ng room nang lumapit sa amin sina Leo at Wolf.

"Leo and Wolf, huwag na muna kayong lumapit kay Elisse. Magkakaproblema kayong tatlo ni Deth." Pagkausap ko sa kanila. Kahit pa misyon ni Deth si Elisse, dapat hindi makahalata si Elisse kung hindi magkakaroon kami ng malaking problema.

"But Deth doesn't treat Elisse what a boyfriend should do," naiinis na sabi ni Wolf. Ito ang problema! Dahil magmula nang mawala si Luna, nawalan na talaga siya ng amor kay Elisse. Parang wala na siyang pake sa misyon niya.

"Basta. Layuan niyo si Elisse." Wala siyang maidudulot na maganda sa inyo. "Please don't make things complicated. Masyado na tayong magulo, 'wag na kayong dumagdag."

"We're not the same before because there's no Luna here," sabi ni Stella dahilan para umalis ang dalawa at pumasok sa room.

"Stella!" Sigaw ni Eunice.

Napaigtad si Stella dahil sa sigaw ni Eunice. "W-Why?"

Nanggagalaiting itinuro ni Eunice ai Stella. "Why do you keep hanging on Elisse, huh?! I told you to stop na! I saw you kanina, eh! Well, always pala! You are fucking laughing with her as if you two are best of friends!" Sigaw niya saka pabagsak na binaba ang kamay.

Napahilot sa sintido si Stella. "She's nice, Eunice."

"Oh shut the fuck up, Stella! Sa ating dalawa, ikaw 'tong panay sabi sa akin na plastic 'yang si Elisse and yet, nawala lang si Luna, nagkaganiyan ka na."

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon