Chapter 95: Date With Handcuff

14.3K 403 249
                                    

[DATE WITH HANDCUFF]

LUNA'S P. O. V

NAGISING ako sa sobrang bango ng Adobo. Hindi naman na masakit ang puson ko kaya madali rin akong tumayo at sinundan ang pinanggalingan ng amoy.

Napangiti nalang ako nang makita si Deth na may suot na apron at sinasalin na ang niluto sa mangkok.

"Gising ka na pala. Kumusta na 'yung pakiramdam mo? You want me to change the water again? Wala na yatang-"

Tinapat ko ang daliri ko sa labi niya para patahimikin siya. "Shh..." Nagpunta muna ako sa lababo para magmumog bago naupo sa stool. "Kumain muna tayo. Mas gutom ako."

Kumuha naman siya ng dalawang plato at mga kubyertos saka inilagay ang mga ito sa harap ko. "Okay. Tinawagan ko si Kuya Hades pero mukhang may kikitain sa labas kaya tayo nalang daw ang magtanghalian."

"Sino naman kaya kikitain niya?" Nagtatakang tanong ko. Nagsandok na ako ng kanin at ulam.

Nagsandok na rin siya ng kanin at ulam saka nagkibit-balikat at naupo na sa tabi ko. "Baka may inutos sa kaniya si tanda. Hayaan nalang natin."

"Ilang taon na nga si Kuya Hades?"

"Twenty-two," sagot niya na nag-angat ng tingin habang nakataas ang isang kilay. "Why?"

"Wala pa ba siyang girlfriend?" Usisa ko bago sumubo.

"Why did you ask?" Malamig niyang tanong dahilan para mabulunan ako. Kita kong mariin siyang nakatingin sa akin. Nang umubo ulit ako ay saka niya lang ako inabutan ng tubig.

"Bakit ganiyan ang tono ng pagkakatanong mo at ganiyan makatingin? Nagtatanong lang naman, e," sabi ko pagtapos kong makainom.

Bumuntong-hininga siya at nagbaba ng tingin sa pagkain niya. "He had a girlfriend but he let go of her."

Namilog naman ang mga mata ko. "Hala, bakit?"

"Because he wanted to keep his woman safe away from his dangerous dirty works na pinagagawa sa kaniya ni tanda."

Malungkot naman akong nagbaba ng tingin sa pagkain ko. "Nagagawa nga naman ng pagmamahal."

"I want to keep you safe as well, Luna."

Nag-angat ako ng tingin. "Huh?"

"I want you to eat your food and go back to sleep again." Pag-uulit niya.

May pangalan ko sa dulo 'yun, ah? Humaba rin ang sinabi niya.

"Na naman?" Umiling-iling ako. "Ayoko na matulog."

"Hmm?"

"Can I ask about your-" Natigilan ako nang makita ang mga mata niya na malungkot. Gusto ko sana magtanong tungkol sa mommy niya kaya lang kung ganiyan ang nakikita ko sa mga mata niya, hindi naman siguro ako insensitive para lalo pa siyang ibaon sa kalungkutan para lang mapunan ang kuryosidad ko.

Humarap siya sa akin. "My?"

"Relationship with Elisse."

Shit! Ako naman ang mababaon nito sa kalungkutan. Katangahan goes to me.

"Why all of a sudden?" He asked flatly. Flatly! Ano'ng ginawa ko?! Ready, heart.

"I'll be straightforward here, Deth. Don't you love her?" I asked.

"I only love the past of her... Lucy. I told you about our first meeting, right? Lucy ang pinakilala niyang pangalan sa akin."

I nodded as I felt my heart beating wildly against my ribcage.

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon