Chapter 91: Bunot

11.5K 531 554
                                    

[BUNOT]

LUNA'S P. O. V

PAGKAGISING na pagkagising ko ay text ni kamatayan ang natanggap ko. Hindi ko alam kung anong trip nito sa buhay.

From: Gunggong na Kamatayan

Good morning :>

Ako:

G'morning. May almusal na ba?

From: Gunggong na Kamatayan

Storm and I are cooking. What do you want to eat so I can cook it for you. Are Eunice and Stella awake?

Ako:

Ayokong kumain ng kanin. Is there any bread? Tapos gusto ko palaman ay itlog or ham. And no, hindi pa gising ang dalawa.

From: Gunggong na Kamatayan

Okay, I'll prepare those. Are you hungry? If not, just wait for Eunice and Stella to wake up before standing up.

Is he asking me to sleep again? Kung hihintayin ko 'tong dalawa na 'to malamang aantukin lang ako.

Ako:

Okay. Matutulog na lang ako ulit dahil hindi pa nagalaw ang dalawa. Malamang mamaya pa 'tong mga 'to. Hindi pa rin naman ako gutom. Basta 'yung sandwich ko, ha?

From: Gunggong na Kamatayan

Okay po. Is there anything else you want? Just sandwich, ham, and egg?

Ako:

Okay na 'yan. Thanks. Tulog na ulit ako.

From: Gunggong na Kamatayan

Sleep tight *⁠\⁠0⁠/⁠*

Pinatay ko ang tawag at phone saka bumalik ulit sa pagtulog. Hindi ko pa naman ramdam ang gutom. Gusto ko rin kasabay ang dalawang bruha kumain.

PAGKALABAS na pagkalabas naming tatlo, halos bumagsak ang katawan namin dahil sa itsura ng sala. Gusto kong maiyak dahil sa gulo.

Sina Rance at Tev na nagsasabunutan, sina Sander at Gab na nagdidiskusyon tungkol sa manok at itlog, sina Xenor at Kuya Luci na parehas na nakahiga sa sahig habang ang kalahati ay nasa couch. Sa terrace naman ay sina Warren na nakikinig ng music sa earphone, Leo na nagpapaikot ng bola sa daliri, at River na nagbabasa. Mga kumportable silang nakaupo sa railing, hindi alintana ang taas ng pagbabagsakan nila.

Sina Knoxx, Vincent, at Wolf na nakakrus ang mga binti at nakaupo sa sahig habang nakahawak sa baso. Naglalaro sila spirit of the glass. Papel ang gamit nila na may mga nakasulat na kapapangit na letters. At si Gavin na hinahabol ng walis si Zai.

"Zairus Arellano!" Sigaw ni Stella dahilan para mapatigil si Zai sa pagtakbo dahilan para maabutan siya ni Gavin at mapalo ng walis sa braso.

"Ang gugulo niyo!" sigaw ko. Umayos naman ng upo ang iba. Pumasok na rin 'yung mga nasa terrace kanina. Pabagsak akong naupo sa couch at sinipa si Sander na nakahiga na.

"Nasaan sina Deth, Storm, at Elisse?" Tanong ni Eunice saka tumabi sa akin. Ganun din si Stella.

"Sina Storm at Deth ay nasa baba nagluluto. Si Elisse naman nasa kwarto niya pa yata," sagot ni Knoxx.

Bigla na lang tumunog ang intercom kaya nag-uunahang tumakbo papunta roon sina Tev at Rance. Tumango-tango sila bago kami hinarap.

"Luto na raw. Baba na raw tayo para kumain!" Imporma ni Tev na ang lapad ng ngiti. Basta talaga pagkain. Tumakbo naman na papunta ng pinto sina Gab at Sander, nag-uunahan.

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon