Chapter 106: Find

6.8K 335 72
                                    

[LOST]

LUNA'S P. O. V

DALAWANG araw. Dalawang araw na wala na akong narinig mula kay Deth tungkol do'n sa necklace. Hindi na rin kami nagkakausap. Naging mailap na rin siya sa mga kaklase namin. Humahaba lang ang pagsasalita niya sa tuwing nagbababa siya ng announcements at sumasagot sa mga tanong ng mga gunggong.

Nasa tabi kami ng dagat at tiinuturuan si Jax ng mga physical attack at tamang paggamit ng dagger at baril. Pinangungunahan ito nina Zai at Wolf dahil lang naman sa selos.

Napag-usapan kasi namin nina Eunice at Stella na kami nalang magtuturo kay Jax kaya lang panay ang epal ng dalawa.

"Eunice, I told you na nga na we'll take care of him," maarteng sabi ni Wolf dahilan para tumaas ang isang kilay ni Eunice.

"Are you-"

Nanlaki ang mga mata ni Wolf sa takot at nagmadaling tinalikuran si Eunice. "Aron! Halika na ulit!"

"So, ano na ang gagawin natin?" Tinatamad kong tanong sa dalawa.

"Tutunganga?" Sagot ni Stella habang si Eunice naman ay nagkibit-balikat.

Sabay-sabay kaming napabuntong-hininga. Kumunot ang noo ko nang makuha nina Sander, Rance, at Tev ang atensyon ko. "Ano'ng ginagawa nila?"

"Nagpapaturo sila kay Sander kung paano mag-teach me how to dougie!" sagot ni Chaos na hinahabol ni Leo na may hawak na putol na sanga ng puno. Malamang may sinabi na namang hindi maganda o 'di kaya may narinig na naman si Chaos na hindi niya dapat narinig na ikinaputol sa napakaiksing pisi ng pasensya ni Leo.

"Paano naman kami matututo kung panay ka lang sabi ng ganito ganiyan?!" Galit na galit na sigaw ni Rance na parang tangang sinasayaw ang tinuturo ni Sander sa kanila. Alam kong sayawin ang teach me how to dougie at masasabi kong parang tanga si Rance.

"Xenor, sub na!" Sigaw ni Tev.

"Xenor, turuan mo nga kami! 'Yung bata mo, magaling lang sumayaw, hindi marunong magturo!" Sigaw naman ni Rance na lumapit na kay Xenor. Nakaupo ito at nasa malayo ang tingin.

"At least magaling sumayaw," mayabang na sagot ni Sander.

Madali namang umiling si Xenor. "Ayoko. Tinatamad ako."

"Ate Luna!" Sabay na sigaw nina Tev at Rance na hindi man lang nag-abalang hagilapin at tingnan ako. Basta-basta na lang tinawag ang pangalan ko dahilan para kumunot ang noo ko. "Ano?!"

Napatingin sa gawi ko si Xenor na ikinatawa nina Tev at Rance. Ako naman ay nagtatakang nakatingin lang sa kaniya.

"Ano?" I mouthed to him.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya saka tumayo at nagpagpag ng puwitan at kamay. "Eto na nga."

"Salamat, ate!" Sabay na sigaw ng dalawa na nilingon na ako. Ang lapad ng ngiti nila na akala mo'y nanalo sa lotto.

May naitulong ba ako para magpasalamat sila? Eh hindi ko naman tinakot si Xenor, ah!

Napalingon naman kaming tatlo nina Stella at Eunice sa gawi ng mga jowa nila na nagdidiskusyon na naman ng walang kwentang bagay sa mundo.

"Bobo at tanga na, bingi pa! Nung nagpaulan yata ng kamalasan, naligo ka na nagsahod ka pa sa balde para ipangbanlaw mo!" Singhal ni Wolf kay Zai. Nakaduro pa siya rito at nanginginig sa galit.

"Kaysa naman sa'yo! Ikaw lang yata 'yung pangit na mahangin pa! Kapag pangit, bumabawi dapat sa ugali!" Sigaw naman pabalik ni Zai. Napapagitnaan nila si Jax na umaawat sa kanila. Mukha ring gulong-gulo na ang mukha niya. Tila mababali na ang leeg niya kakalingon sa dalawa. "Tama na, mga kuya. Parehas ko namang pinakikinggan ang mga sinasabi niyo."

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon