Chapter 92: Trespassed

11.6K 411 373
                                    

[TRESPASSED]

LUNA'S P. O. V

KATATAPOS lang namin lahat magbanlaw. Napagod kaming lahat sa mga ginawa namin. Naligo, naglaro, nagharutan, at naglunuran.

"Luna."

Kunot-nuong hinarap ko ang tumawag sa akin. "Yes?" Kumunot ang noo ko nang si Elisse lang pala na nakakrus ang braso.

"Can you please stay away from my boyfriend?" May diin niyang sabi sa salitang 'boyfriend'.

"And why would I do that?" Mataray kong tanong. Rinig ko rin ang pag cheer sa akin ng dalawa sa likod ko.

Napakurap-kurap naman siya. "W-what?"

I smirked and counted with my fingers. "He's my classmate. He's the SSG President. He's our leader. So why would I stay away from him?"

"Just stay away from him," may diin niyang sabi. Akma siyang hahakbang papalapit nang maunahan siya ni Stella.

"Isa pang hakbang at palad ko ang lalapat sa mukha mo," puno ng pagbabantang sabi ni Stella.

"Don't make a scene, girls." Eunice gave her a fake smile. "But don't test our patience, plastic."

"Hindi niyo 'to gulo. Move." Itinulak niya si Stella patagilid dahilan para tuluyang siyang makalapit sa akin. Inangat ko ang paa ko at sinipa siya sa tiyan dahilan para matumba siya. Hindi ko naman kasi nilakasan para tumilapon siya.

Naglakad ako papalapit kay Elisse at bahagyang naupo sakto lang ang lapit para marinig niya ang sasabihin ko. "Don't mess with my girls, Elisse. Don't push me at my limit or else Deth will know your darkest secret that will make everything... Boom!" Sigaw ko dahilan para magulat siya. Natatawang tumayo naman ako. "This is my last warning. Don't make it three or else, you're dead."

"Tara na," sabi ko kina Eunice at Stella na nasa likod ko. Iniwan namin si Elisse na nasa sahig. Nilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ko habang nasa baba ang tingin.

"Luna?"

Nahinto ako sa paglalakad nang narinig ko ang boses ni kamatayan. Nag-angat ako ng tingin. "Baka kainin ng lupa 'yung girlfriend mo. Puntahan mo na."

"What happened?" Kunot-nuong tanong niya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay saka ako ngumisi. "Binigyan ko lang ng sipa. Ayos ba?"

"Ayos na ayos," natatawa niyang sagot na umiiling pa. "Dalian niyo na pumunta sa kubo dahil mauubusan na nila kayo ng pagkain." Tinapik niya ang balikat ko saka ako nilagpasan.

Anong ayos na ayos? Nababaliw na ba ang kamatayan na 'to? Malinaw naman ang pagkakasabi ko na binigyan ko ng sipa ang girlfriend niya kaya anong ayos na ayos?

"Anong sabi niya?" Tanong ni Stella na kararating lang kasama si Eunice. Nagkibit-balikat lang ako at hinawakan ang kamay nila saka kami sabay-sabay na bumalik sa kubo.

"HERE'S your food." Inabot sa akin ni Xenor ang isang plato na may lamang inihaw na isaw, baboy, barbecue, at kanin.

"Ang dami naman." Reklamo ko saka ko kinuha ang plato at naupo sa gilid. Tumabi naman siya sa akin na malamig ang tingin.

"May problema ba?" Tanong ko saka ako kumagat ng isaw.

"Nagseselos ako."

"Saan?" Tanong ko. Nagbaba naman ako ng tingin sa pagkain ko bago kunot-nuong tiningnan siya. "Binigay-bigay mo sa akin 'yung pagkain mo tapos magseselos ka?" Galit akong tumayo at inabot sa kaniya ang plato pati na rin ang kinagatan kong isaw. "Oh ayan na!"

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon