[WALKED OUT]
LUNA'S P. O. V
NAG-AAWAY sina kuya dahil inuna pa raw ni Kuya Kaiser ang pagseselos kaysa tanungin ako kung ano'ng nangyari sa akin at puro gasgas at sugat na naman ang katawan ko. Naipaliwanag ko na naman sa kanila ang lahat pero mas nangibabaw ang galit nila kay Kuya Kaiser. Hindi lang dahil sa pagseselos nito kung hindi dahil sa siya ang sumundo sa akin sa school.
"Ate, hindi naman po malala ang away nila kuya 'di ba po?" Nag-aalalang tanong ni Ced kaya nakangiting umiling ako. "Hindi naman, Ced. Maya-maya lang niyan okay na 'yan sila."
Hinawakan niya ang braso ko at pinakatitigan ang mga sugat ko na hindi lang galing sa pagkakahulog ko sa bangin kundi kalmot din ni Elisse. "Kumusta na po ang mga sugat niyo? Masakit pa po ba?"
"Hindi naman na, baby."
Ibinaba niya ang kamay ko at nakangusong tiningnan ako. "Ate bakit parang wala ka pong sugat?"
Kumunot naman ang noo ko. "What do you mean, Ced?"
"Yung sugat niyo po kasi hindi pa po naghihilom pero parang okay na po kayo."
Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa sinabi ni Ced. Madalas sa akin sinasabi noon nina mommy na hindi porket mataas ang pain tolerance ko, sabak na ako nang sabak sa kung ano'ng makakasakit sa akin. Minsan kaya hindi naman ako nasabak, sadyang napapasabak lang.
Bigla na lang sunod-sunod na notif ang narinig ko sa phone ko kaya ibinaba ko muna si Ced sa kama at kinuha ang phone ko sa cabinet. Hindi ko na kailangang tingnan kung sino ang nagpapasabog ng notifications ko. It's them.
Binuksan ko ang phone ko. Nasa 99+ na ang chats sa gc. Ang bibilis magtype.
Keyboard warriors?
Seksyong Madilim
Gavin Louis Marquez: Wait, I'll ask our driver to drive me there.
Lawrance Marquez: Huwag mo naman akong iwan, kuya.
Steven Azi Cruz: Thank you.
Ako: Anong meron? Tinatamad na akong magbackread.
Steven Azi Cruz: Umalis ng bahay si Leo, ate at hindi pa namin siya nahahanap ni mommy. Sumama kasi ako sa kaniya sa bahay nila tapos napag-initan na naman siya hanggang sa naging heated ang sitwasyon. Nasampal rin siya. Nagwalk out lang siya pagtapos no'n.
Ako: Oh, bakit siya umalis?
Steven Azi Cruz: Nasabi ni tita na dahil sa kaniya nawala ang pinagbubuntis noon ni tita na si Ysa. Hindi ko alam na may kapatid pala dapat si Leo noon. Hindi niya rin alam dahil nung pinagbubuntis ni tita si Ysa ay dalawang taong gulang pa lang si Leo sabi ni mommy. Alam pala ni mommy ang tungkol dito pero hindi niya sa amin sinabi. Ayaw kasi ipaalam ni tita. Pero ngayong sa bibig na mismo ni tita nanggaling, nagkwento na si mommy sa akin.
Bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko sa reply ni Tev. Marahil ngayon ay sinisisi na ni Leo na ang sarili niya.
"Ate may problema ba? May masakit ba sa'yo? Tawagin ko ba sina kuya?" Nag-aalalang tanong ni Ced na tumayo pa sa kama.
Pinatay ko ang phone ko saka ko binulsa. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila. Naupo naman siya. Nakangiting ginulo ko ang buhok niya. "Ate is fine, Ced. Just call Kuyas and tell them na gusto kong magpahinga at huwag muna akong istorbohin. Lalabas na lang ako kapag nagutom ako. Can you do that for me?"
Nakangiting tumango-tango naman siya at bumaba ng kama. "Yes po."
Hinatid ko siya sa labas saka ko sinara ang pinto. Nagpalit ako ng jogging pants at nagtali ng buhok. Nagsulat din ako ng jacket. Nang makapagbihis na ako ay uminom na agad ako ng gamot.
BINABASA MO ANG
DARK GANG
Teen FictionBOOK 2. Continuation of Dark Section. [STATUS: ONGOING] © Cie for the book cover ❤️
