Chapter 86: Time of Death

9.3K 463 321
                                    


LUNA'S P. O. V

NASA loob kami ng classroom at nag-aayos ng gamit dahil inutusan kami ni panot. Malapit ko ng sabunutan 'yun, e.

Sabunutan kami! Ang maunang mapanot, ililibing ng buhay.

Ay panot na pala siya.

"Luna!" Sigaw ni Stella na habol ang hiningang pumasok sa room. Kinakabahan ako dahil sa naglalandas na mga luha niya.

"Ano'ng nangyayari? Bakit ka umiiyak?" Tanong naman ni Eunice. Nagsitayuan na rin ang lahat ng mga nakaupo.

"S-Si Denver..." Umiiyak niyang banggit sa pangalan ni Denver. Marahas niyang pinunasan ang pisngi niya at huminga nang malalim. Nilapitan naman siya ni Zai. "Ano'ng nangyari kay sleepyhead?"

"Gising na ba si kabute?" Nakangiting tanong ni Rance. Hinawakan naman ni Tev ang kamay ko at masaya akong hinila. "Tara, puntahan na na—"

"Wala na siya." Pagpapatuloy ni Stella dahilan para gumuho ang mundo namin. Ang kaninang excited na sina Rance at Tev ay nanghihinang napatingin kay Stella.

Ayaw kong maniwala. Buhay pa si Denver. "N-Nagsasabi ka ba ng totoo, Ste—"

"Ano'ng point kung magsisinungaling ako?! H-Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko b-bang ako a-ang nakatanggap ng b-balita o hindi." Humagulgol na rin siya. Pati si Zai umiyak na rin at niyakap nang mahigpit si Stella.

Nabalot ng ingay ng hagulgol ang kabuuan ng classroom namin. Hindi na rin napigilan ng ibang gunggong ang pag-iyak.

Nanghihina naman akong napaupo sa couch at niyakap ang tuhod ko saka umiyak. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtakas ng malakas na ingay mula rito. Ayaw ko ng dagdagan ang ingay nina Rance at Tev.

Bigla na lang tumunog ang speaker at nagsimulang sumayaw ang ibang gunggong na parang inasinan na namang mga bulate. Budots ang tugtog kaya sina Rance at Tev ay bigla na lang tumuwad at ginalaw ang katawan kahit na patuloy pa rin sa pag-iyak.

Sina Xenor naman ay nag-otso-otso kasama sina Zai, Vincent, Wolf, at Sander.

Ang mga natirang matitino naman ay nagpunas lang ng mga luha.

"It's a prank!" Sigaw naming lahat. "Happy 237k reads sa section namin at 15k reads sa continuation!"

DENVER'S P. O. V

Nagising ako nang maalala na si mahal na author ay nagdidiwang dahil sa achievements niya ngayong alanganing oras.

"Critical pa rin ako, guys pero happy 15k reads sa Dark Gang and 237k reads sa section namin!"

"Bye bye na ulit. Baka magflatline na naman ako and this time hindi na ako buhayin ni author."

——————————

Publish ko lang ito kasi memories, memories, memories hahahahaha sayang ih. Sana mahal niyo pa rin ako. Siraulo lang talaga ako no'ng mga panahon na 'yan. Hanggang ngayon pa rin pala.

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon