Chapter 93: Saved

9.4K 445 372
                                    

[SAVED]

DETH'S P. O. V

KANINA pa ako contact nang contact kay Kuya Hades pero wala ng sumasagot. Ang huling usap namin ay nakapasok na raw si Luna sa loob ng bahay ng mga Fuego. Kagagaling ko lang sa misyon na pagsunod kay Mr. Choi, isang chinese investor ni tanda na kailangang makarating nang ligtas sa airport. Wala namang naging problema kaya mabilis lang akong natapos.

"JMC Villa," sabi ko sa driver. Medyo matagal ang byahe para makarating doon. Sinusubukan ko pa ring tawagan si Kuya Hades habang nasa byahe. Sa ikawalong tawag ay sumagot na ito.

"Nasaan na si Luna?" Bungad kong tanong.

[I don't know but he's talking to one of Eric's men. She was caught.]

"Make it full speed, kuya." Utos ko sa driver. Mariin akong napapikit ng mga mata at napahilot sa sintido. "Bakit nahuli ang babaeng 'yun?"

[May nakatunog tapos may sinabi sa kaniya 'yung Brent na plano at pumayag siya. Kung ako rin ang nasa pwesto niya, kakagatin ko na rin 'yung planong 'yun dahil wala ng iba pang choice. Umalis man siya, siya pa rin ang gagawa ng misyon. Hindi naman papayag 'to na hindi makuha ang ika-10th place sa ranking. Kapag umalis siya ngayon na walang dalang diamond crystal, mahihirapan na siya makuha ito dahil sa pinahigpit na seguridad.]

Magrereact na sana ako tungkol sa plano nang may makalamang sa pandinig ko. "Who's Brent?"

[Deth tiiglan mo muna ako sa selos mo. Where are you? Gusto ko na sanang pasukin kaya lang ayaw kong masira ang plano nila.]

"What if may masamang plano 'yang Brent na 'yan kay Luna, Kuya Hades?" Nag-aalalang tanong ko.

Brent. Brent. Brent. Damn it.

Why does that name irritate me so much?

[Kapag natunugan kong may mali sa plano, papasok na ako. You have no fake ID to show sa guardhouse kaya huwag ka ng sumunod. Teka, susunod ka?]

"Hell, yes. Just stay on the line. I want an update. As for the ID, I can enter from that fucking villa without that thing so don't worry." Tumingin ako sa driver. "Can you make it faster?"

"Sir nakafull speed na po." Imporma niya. Mabilis na ang pala ang takbo ng kotse.

"Then make it faster." Utos ko pa. Napakamot nalang siya sa batok niya.

[Hey! I heard that! Naka full speed na tapos faster pa? Are you out of your mind? I'm not your driver, Deth so you better fix your attitude. Mamaya baka mahuli kayo o 'di kaya ibaba ka na lang kung saan niyan. Did you bring cash with you or cards na naman?]

Hinilig ko ang ulo ko sa bintana. "I brought tanda's money kaya nga nakabook ako ng hotel, hindi ba? Hindi mo kasi ako binigyan ng pera."

[Oh, I forgot.]

LUNA'S P. O. V

Nasa loob ako ng kwarto kung saan wala halos gamit at tanging iisang ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag sa kabuuan ng kwarto. Nakaupo lang ako sa sahig dahil nakatali sa lubid ang mga paa at kamay ko.

Ang plano kasi ni Brent ay magpahuli ako para madivert ang attention sa akin ng iba. Siya naman ang bahala sa mga nagbabantay sa white room. Nung una ay duda pa rin ako pero wala na rin akong nagawa kung hindi sumang-ayon na lang. Sana na lang talaga ay hindi ako nagkamali sa pagtitiwala sa kaniya.

"Kuya!" Sigaw ko sa isang lalaki na nakaupo sa upuan at natutulog. Nagulat naman siya sa sigaw ko kaya galit siyang napatayo at nilapitan ako. "Ano'ng problema mong bata ka?"

Tumingin ako sa pitsel na nasa ibabaw ng mesa. "Gusto kong uminom."

"Mauhaw ka diyan."

"Tubig nga kasi! Tubig! Tubig! Tubig! Tubig sabeeeeeeeeee, e!" Sunod-sunod na sigaw ko. Natawa nalang ako alertong may pumasok na apat na lalaki.

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon