Chapter 102: Tried

6.6K 310 235
                                    

[TRIED]

LUNA'S P. O. V

"Please ibigay niyo na sa'kin 'to. Let's picture this out. This is my opportunity para patunayang mali ang mga sinasabi sa kaniya ni Elisse. Gusto kong makilala niya ako. Hindi 'yon nangyayari kung sa tuwing magkikita kami, palagi niya akong inaaway. Gusto ko siyang makasundo for the sake of our section. Ayaw kong magkawatak-watak tayo dahil dito. Hindi ko naman siya pipiliting patawarin si kuya. Ang gusto ko lang ay pakisamahan niya ako bilang tao, ayun lang para hindi matrigger ang iba at pagmulan ng gulo."

Nagalit ang dalawa nang sabihin ko sa kanila ang ginawa ko. Sa kanila ko unang sinasabi dahil gusto kong matulungan nila ako sa mga gunggong mamaya. Baka hindi ko silang kayanin lahat.

Naipaliwanag ko na rin sa kanila ang side ni Kian...na dapat din naming intindihin kung saan nanggagaling ang galit nito. Mukhang natauhan naman silang dalawa dahil natahimik sila after kong sabihin ang mga 'yon sa kanila.

Mariing ipinikit ni Eunice ang mga mata niya. "You always prove to us how lunatic you are, Luna."

"You are really a lunatic," sabi ni Stella sa akin habang nakatulala.

"Hindi naman siguro delikado ang mga ipapagawa niya 'no?" Tanong niya saka umiling-iling. "Because if you two will ask me, I'm not sure about that. I have no other information about this Kian Abella. Aside from knowing he's a gay and he likes Leo."

"Deth told us not to disclose that especially who he really is," sabi ni Stella. "It's not a thing that we can use against him. That's who he really is."

"What?" Inosenteng tanong ni Eunice saka nagtaas ng dalawang kamay. "I'm mabait 'no to disobey! So don't worry, I'll keep it a secret to him. I have nothing against him being gay. I'm not homophobic. In fact, I support the LGBTQ+ Community. My issue with him is his actions towards Luna and him, letting himself lapit lapit to that bitch kaya siya na-iinfluence."

Nung nagtraining kami dati, ikinuwento sa amin ni Chaos ang dahilan kung bakit kailangan naming isikreto na alam na namin ang pagiging gay ni Kian. Si Chaos daw ang unang nakaalam tungkol dito nang marinig nito ang usapan nina Elisse at Kian noon.

Nagdadalawang isip na raw no'n si Kian na magsabi tungkol sa kung sino talaga siya no'ng araw na 'yon kaya lang pinigilan ni Elisse dahil gusto nitong pagselosin si Deth. Kahit kailan daw kasi ay hindi pa ito nakaramdam ng selos sa tuwing nilalapitan o lumalapit siya sa lalaki.

Hindi napigilan ni Chaos ang sarili niya at kinausap niya si Kian. Ang dahilan pala nito kaya siya nagpakalalaki ay dahil sa tindi ng diskriminasyon na naranasan niya no'ng elementary na naging dahilan ng isang taong paghinto ng mundo niya. Nakiusap ito sa kaniya na huwag sabihin sa iba ang mga narinig nito sa usapan. Pumayag si Chaos at nangako na mananatiling sikreto ito sa pagitan nila kaya lang may mga nakarinig pala na ibang gunggong hanggang sa kumalat at makarating kay Deth. 'Yun daw ang mga panahon na wala pa sa mga katinuan ang iba at mga gago talaga kaya si Deth, na pinakikinggan ng lahat at nasa ayos ang pag-iisip ay nagdesisyon na manatiling sikreto ang nalalaman nila kay Kian. Natauhan naman ang lahat dahil sa desisyon ni Deth.

Ayon kay Deth, hindi raw nila dapat ilagay sa mahirap na sitwasyon si Kian. Ang mahirap na sitwasyon na tinutukoy nito ay ang paglagay kay Kian sa Isang sitwasyon na hindi pa siya handa harapin.

Naaawa ako kay Kian. Sa tingin ko, hindi tunay na kaibigan ang tingin sa kaniya ni Elisse. Sino ba naman ang matinong kaibigan na imbis na itulak ang kaibigan na naguguluhan sa desisyon, inilihis niya pa ito?

Sa tingin ko kay Elisse, ang lahat para sa kaniya ay gamit. Ang kaibigan niya. Sina Leo at Wolf. Kahit si Deth. Lahat ay parang pinaglalaruan niya sa palad niya at nasisiyahan siya ro'n.

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon