Chapter 88: Half-brother

11.4K 479 96
                                    

LUNA'S P. O. V

PAUWI na kaming lahat. Hindi na kami gaanong nakapagbonding dahil sa pag-aasikaso sa apat na ang tindi ng mga tama.

"Salamat po tita sa pagtanggap sa amin," nakangiting sabi ko na sinundan naman ni Stella na nakaalalay din kay Wolf dahil nahihirapan si Eunice sa pag-alalay dito. "Pasensya na po talaga sa ginawa ng mga gunggong na 'to."

"S-Sorry tita. Labyu naman, e." Nag flying kiss pa si Wolf. "Next time 'di na susuka! Promise pa!" Sumaludo ito.

"There's no next time, Wolf," sabi ni Eunice saka ibinaba ang kamay ni Wolf.

"Sorry tita, mauulit pa po," tatango-tangong sabi naman ni Rance na nakaakbay kay Kuya Gavin niya.

"Sorry po," malungkot na sabi ni Tev. Siya itong bumababa-baba na ang tama at nakakita ng kahihiyan na dinulot nila.

"Tita sa sunod s-samahan niyo po k-kami," natatawang sabi ni Sander na sumesenyas pang lumapit si tita. Binatukan naman siya ni Warren na nakaalalay sa kaniya.

Napakamot na lang sa ulo si Sander. "Joke lang naman."

"Sige po tita mauna na po-"

"Good evening, Mrs. Guevarra."

Sabay-sabay kaming napalingon sa likod namin. Isang matandang lalaki at may kasama itong mukhang kasing edad lang namin.

Nagkatinginan sina Stella at Eunice. Nang ibalik nila ang tingin sa lalaki, matalim ang titig nila rito. Gano'n din ang iba! Kumunot naman ang noo ko. Siniko ko si Stella. "Bakit? May problema ba?"

"That's Kenth," si Eunice ang sumagot dahil nakatitig lang si Stella sa lalaki.

"Good evening, Mr. Dela Rosa." Bati rin ni tita saka lumapit sa kotse ni Wolf at binuksan ang pinto ng back seat. "Sige na mga anak, mauna na kayo. Mag-iingat kayo. Mauuna na ako dahil may kailangan lang kaming pag-usapan."

Nakangiting tumango naman kami. Saglit niyang tinignan si Kenth bago pumasok sa loob ng gate kasa-kasama ang matanda.

"Did I do something wrong with you guys and you are all glaring at me." Pansin naman ni Kenth.

"Wala na kayong nai-" Natigil si River sa paglapit sa amin nang makita niya ang lalaking nasa harap namin.

Nakangiting ibinaling ni Kenth ang tingin niya kay River. "Oh, River. Is that you? Ngayon lang tayo nagkita. How's being a dark student? Siguro nakaka-stress. You must be-"

Napailing-iling si River bago tapikin ang braso ni Chaos. "Gabi na, Chaos. Dapat sigurong umalis na kayo."

"Ah sige, dapat nga," natatarantang sabi ni Chaos. Mukhang alam niya ang mangyayari kapag nagtagal pa kami rito.

"Saglit." Pigil ni Stella kay Chaos. Humakbang ako papalapit kay Kenth kasabay nang paghawak ni Eunice sa braso ko. "Don't."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Eunice at nginisian si Kenth. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago siya tingnan sa mga mata niya. "We don't know you and we don't care but don't ever talk to River in that way as if you did not do anything wrong to him in the past because it pisses us off." Umatras ako saka siya inirapan. Nahagip naman ng mga mata ko ang pagkagulat sa mukha ni River kaya dali-dali akong nag-iwas ng tingin.

Yes, I messed up again.

"Luna." Tawag sa akin ni Storm sa likod ko.

"It looks like you knew our past, miss," nakangiting sabi ng peste. Napakuyom naman ang kamay ko nang mairita sa pagmumukha niya na para bang nang-aasar. Rinig ko naman ang pagsinghap ng mga gunggong sa likod.

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon