Chapter 80: Traumatized

13K 534 223
                                    

[TRAUMATIZED]

LUNA'S P. O. V

Nasa loob na ako ng ring at ang kaharap ko? Si Zairus.

"Zairus, let's fight fairly."

"Yes," nakangiting sabi niya saka inilabas sa likod niya ang dagger niya. Inalis niya ito sa sheath nito. "Let's do it, Luna."

"Ano'ng sinabi sa'yo ni Deth?" Kunot-nuong tanong ko kaya kumunot din ang noo niya. Nakita ko kasi siya kanina na nilapitan ni Deth.

"Huh?" Pagmaang-maangan niya.

"Nakita ko kanina kaya don't deny it," may diin kong sabi kaya naiinis na napakamot siya sa ulo niya. "Ang loko... Huwag raw seryosohin ka dahil kung hindi ako ang malalatigo, papasabugin niya naman daw ang bungo ko. Tangina! Parang mas maganda pang magpalatigo, e. Pero sinabihan niya ako ng good luck." Naiiling siyang ngumiti. "Ang lakas ng tama. Good luck tapos parang sinasabi niya sa akin na huwag kang labanan. Good luck kung mabubuhay ka pa, Zai. Ayun ata gusto niyang sabihin."

Napahilot na lang ako sa sintido ko. Hindi ko mahanap si kamatayan dahil mukhang kailangan yata siya ng ibang section as SSG President. JS Prom daw kasi bukas at siyempre hindi kami kasama roon kaya aligaga ang mahal ng lahat maliban sa akin. Kawawang kamatayan. Deserve.

Unang umatake si Zai. Mabuti na lang mabilis kong nahugot at natanggal sa sheath ang dagger ko kaya nasalag ko rin ang dagger niya gamit ang dagger ko. Tangina! May balak yata 'tong patayin ako.

Nakangiting tumango ako saka pinwersa siyang itinulak gamit ang dagger ko. Nang mapaatras siya ay kinagat ko ang hawakan ng dagger saka madali akong sumugod at pinagsusuntok siya pero walang tumatama dahil sa maliksi niyang pagkilos. He improved a lot!

Sinipa ko ang kamay niya dahilan para lumipad palabas ang dagger niya. Napangiti ako at naiiling na itinapon ko rin papalabas ang dagger ko.

"What the-"

"Fairness, Zai. Fairness," nakangiti kong sabi saka sinipa ang tiyan niya dahilan para natumba siya. Naiiling na tumayo siya nang maayos saka nagsimulang umatake. Ilag lang ako nang ilag hanggang sa madaplisan ng kamao niya ang pisngi ko. Masakit! Malamang. Suntok ng lalaki, e.

Kumunot ang noo ko nang bigla na lang siyang huminto sa pag-atake. Sinamantala ko ito pero bago pa man din tumama sa mukha niya ang kamao ko, napaupo na siya.

"Ayoko na! Sumusuko na ako, katamad na!"

"Huh?" Bumagsak ang balikat ko. "Huh?!"

"Gagong Zai talaga 'to!" Sigaw ni Vincent.

"Kailan mo pa nahawaan ng katamaran si Zai, Xenor?" Tanong ni Stella habang nakatingin kay Zai na parang tangang nagfa-flying kiss kay Stella.

"Wala siya rito. Kasama niya si Denver. Tulog silang dalawa." Imporma ni Warren sa kanila.

Mahinang natawa si panot saka tumayo. "Fine. Follow me, Mr. Arellano."

Huh? Ganun na lang 'yun? Wala man lang violent reaction mula kay panot?

Nilapitan ako ni Zai saka tinapik ang balikat ko. "Luna, don't worry. You looked like you're a chicken."

"I'm not!" Sigaw ko.

"Then prove to us," seryoso niyang sabi. "Thanks."

"For what?"

"Napatawad mo na kami and now, you're talking to me as if I did not do anything wrong with you before," sabi niya saka ako tinalikuran at tumalon papalabas ng ring. Pinulot niya ang dagger namin saka ibinato sa akin ang dagger ko. "Ang ganda ng dagger mo!"

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon